"Haaaching!" Sabay kamot sa ilong ko.
Hinding hindi ko makuha ang set up ng pilipinas .
Puro usok. Mainit. Tapos overpopulated.
Yung mamamatay ka sa lung cancer dahil kung ano ano naamoy at nalalanghap mo sa isang araw.
Amoy ng usok galing dun sa bus, Amoy ng putok ng katabi ko dito sa jeep, amoy ng usok ng binubuga ng jeepney driver galing sa sigarilyo nya na sya na nga nagsabi na
"No smoking" Hanep din magbigay ng instruction si manong
"Ihhhh beeehhh hihihi ikaw naman e! Psst! Tigil na beh nakikiliti ako"
Langya naman tong magjowa sa harap ko ang tindi ng kati sa katawan. Hindi ako bitter pero nasa public place sila dapat binibigyan nila ang sarili nila ng privacy. Jusko alam mo naman mga tao ngayon, pwede nang magdesisyon ng kaso dahil isa silang dakilang judge
Judgemental.
Sa kalagitnaan ng byahe bumaba na naman yung magjowa. At may sumakay na lalaki at umupo sa harapan ko.
Malapit na naman ako sa school ko kaya hinawakan ko na yung bag ko.
"Manong, para ho" sabay naming sabi nung lalaki sa tapat ko.
Wow astig ni kuya hehe.
"Jigsjdhsjdhsnzjxsn" sabi nya na hindi ko naintindihan dahil ang ingay, atsaka bumaba na kami parehas.
"Kuy-" tatanungin ko sana kung ano yung sinabi nya kanina kayo tinakpan nya yung bibig ko
Infairness ang bango ng kamay ni kuya.
"Come with me" Nanlaki mata ko sa narinig ko
Hinila nya ako papunta sa mcdo at dumerecho sa counter.
"Saglit nga lang" palag ko
"kung balak mong rapin ako wag mo ng subukan kasi flat chested ako. Kung gusto mo naman akong nakawan wag na lang kasi wala kang mapapala sa bag ko na ang laman e pamasahe ko pauwi, 100 pesos at ATM ng nanay ko" sabi ko ng naiirita
"I don't talk to strangers" sabi nya
Naka drugs ata to e
"Excuse me, sir ikaw ang humila sa akin papunta rito sa Mcdo, at ikaw rin nagsabi sakin na Come with me. Tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi ka nakikipagusap sa stranger! Aba naman!" Reklamo ko.
"Miss, just shut up. My name is Tristan not sir" sabi nya
"huwag mo akong shinashut up, shut up! Parehas lang tayong kinucorrupt ng gobyerno kay-" tinakpan nya yung bibig ko at inakbayan
"Good morning sir Tristan! Ano po order nyo?" Tanong nung crew
Aba si sir Shut up peymus.
"Same" sabi nya at binitawan yung bibig ko at pagkaakbay sakin.
Lumanghap ako ng sariwang hangin.
"here sir Tristan. Enjoy" sabi nung crew
"U-uy di mo pa yung binabayaran ah!" Paalala ko
Hindi sya sumagot at naghanap ng mauupuan
"Ano ba gusto mo? May nagawa ba akong kalabislabis sa jeep at dinampot mo ako?" Tanong ko
"just keep your mouth shut" yun lang sinabi nya at binigay sa akin yung Coke float, fries, burger, at chicken" saglit lang ang dami naman ata nito at kaunti nung kanya
"Ang dami naman ata nito?" Tanong ko sa kanya
"You look thin, Erice"
Nanlaki mata ko at naduro sa kanya yung fork
"Bakit mo ko kilala!" Sabi ko
"Tsk"
Nilapit nya ang mukha nya sakin tapos hinawakan nya yung leeg ko at hinila yung ID ko
"Stupid girl" sabi nya sabay baba ng ID ko. Hehe oo nga pala nakaID ako hehe.
"Ano ba to feeding program sa mga babaeng kulang sa weight? Kainsulto ha"
"Tsk. First of all you have the average weight. You are sexy but for me you look so thin. You can just thank me for treating you" sabi nya
"Wow, haha Thank you" sabi ko at kumain
Syet oo nga pala di pa ako nagaagahan. Lintek kasi wala sila mama sa bahay at nasa Puerto Galera. Balak pa atang sundan kami ni Jairi. Wala tuloy kaming makain ni Jairi dahil sa hindi kami marunong magluto parehas.
"You're hungry" sabi nya at patuloy pa din sa pag kain
"Yes I am. By the way, Tristan di ba pangalan mo? Bakit ang bait mo?" Tanong ko sa kanya
Kasi look sa real world walang gaanong mabait puro mga judgemental, mapupusok, mga walang pakialam sa kapwa kaya bihira na magtiwala sa tao ngayon e. Mas mapagkakatiwalaan mo pa ang hangin
"being nice is not bad, Erice" sabi nya.
Hays di ko pa din gets.
"Finish eating your food then I'll bring you sa school mo. You are already late" Saglit nagtagalog ba to?
"Nagtatagalog ka! Yeheey!" Sabi ko
"Tsk. Weirdo" sabi nya at hinatak ako papunta sa school.
Hindi ko alam kung may utang ba ako sa kanya o may nagawa akong hindi kanaisnais sa kanya noon na hindi ko maalala kaya nya ako hinahatak palagi.
Ang sakit kaya!
"Can I ask you something?" Tanong ko
"What?" Sagot nya
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko kasi mukha syang kaedaran ko e.
"20" sabi nya habang naglalakad pa din at hinahatak ako
Nandito na ako sa room ko
RH304
"Thank you" sabi ko pero pumasok sya
Halaaaa don't tell me
"Kaklase kita?!" Tanong ko. Omg. Di nga? First day ng 3rd year college ngayon pero shems di ko sya kilala.
"Mukha bang hindi?" Sagot nya
Ang cute nya magtagalog haha. No offense
Tumabi na lang ako sa kanya at dumating na yung prof namin
"Okay, class someone important is joining your class" sabi nung prof namin
Sino naman yun?
"He's the son of the owner of this university" sabi ni prof
Wow bigatin. Ang mahal kaya ng tuition dito!
Jusko kahit naman 100 lang laman ng wallet ko masasabi ko na ang swerte ko't nakapagaral ako dito.
"He's Tristan Jackson"
Saglit
TRISTAN?! Hala ka Ericeee
Nagfake smile si Tristan at back to pokerface nanaman. Hanep facial expression nito eh. Hindi pwedeng pang Miss Universe. Kapag innaannounce kasi nananalo dun lagi nilang tinatakpan bibig nila sa sobrang tuwa. Ano meron sa bibig? No offense uli.
"Seryoso?!!" Bulong ko ng mahina sa kanya na nagugulat.
"Quiet you weirdo" sabi nya
Grabe pala. Nalibre na ako ng bigating tao hehe. Lalagay ko to sa life time experience in the world of reality jar ko hahaha.
Habang nagkaklase hindi ko napansin na matatapos na pala Solid chem class namin.
Nagbell na at inayos ko na yung gamit ko
"Come with me" sabi nya at hinila nanaman ako.
-
A/N HAHAHAHA HELLO medyo mabaga update pero tiis tiis
BINABASA MO ANG
Ms.Real
Teen FictionShe's just a woman full of visions and theories She wanted to have a simple, normal and realistic life until...