This Chapter is dedicated to @Tae_Taehyung
Para akong hindi makahinga dahil dun sa "It's too early for you to know" scene ko kay Tristan
Di ko makaya ng lababo sa utak ko para ma "Sink-in" ang mga bagaybagay
"Erice, I thought you're hungry, you barely touch your food" sabi sa akin ni Tristan
"Ahhh, ehhh hehehe" The hell Erice anong klaseng sagot yun? Hindi kasama yan sa reality powers mo!
"Erice, is there any problem?" Tanong sa akin ni Tristan.
Napatingin tuloy ako sa brown na mata ni Tristan, kainggit nga mata nito eh.
"Kasi kanina, Nagatataka lang ako kung bakit maaga pa para malaman ko ang lahat eh isang araw pa lang naman tayo magkasama"
He just smiled at me genuinely.
He smiled...
Ang gwapo ngumiti namaaaannn pa-fall
"HALAAAAAA, ngumiti kaaaa!!!" Sabi ko, yung exclamation point na yan angkop sa reaction ko, ganun...
Di makayanan ng bituka ko yung charm niting si Tristan nung ngumiti eh.
"You're overreacting Erice, I just smiled once" sabi ni Tristan.
"Kasi naman first time kita nakitang ngumiti, Kaloka halos buong araw1 puro "Shut up, Erice yung naririnig ko sa'yo" Sabi ko ng medyo natatawa
He smiled again.
Nakakaiiniiissss!! Pa-fall 'tong lalaki na 'to hahahaha
"If you want to see me smile, you can tell me" Sabi nya sabay higop ng frappe
"I got the whole act"
Then he winked.
Hindi kinakaya ng baga ko yung mga ikinikilos ni Tristan,
after namin kumain, bumalik na kami sa school, may klase kami sa Algebra. hanggang sa matapos ang klase halos di pa din ako makakibo dahil sa kindat scene ni Tristan kanina sa coffee shop.
Tapos na ang klase namin at kailangan ko ng umuwi, dadaan muna ako siguro sa Grocery para makabili ng cup noodles na marami, magwiwithdraw muna ako. Sa real world, hindi naman totoo yung mga credit card sa tulad namin hidni naman ganoong kayaman.Naglalakad ako sa corridor habang may boses na tumatawag sa'kin
"Hey, Erice" Sabi sa akin ni Tristan
"Miss mo na agad ako?" tanong ko, ng medyo natatawa
"Kinda, Uuwi ka na?" tanong nya
nagtagalog uli sya, grabe ang cute neto pag nagtatagalog
"dadaan pa ako sa Grocery, magwiwithdraw ako tsaka bibili na din ng pagkain namin ng kapatid ko"
Napa 'ahhh' na lang s'ya
"Sama ako" sabi nya, wow tagalog uli.
Bakit ba amazed na amazed ako pag nagtatagalog 'to? hahahaha
"Sure, Tara na" sabi ko sa kanya
After ko magwithdraw Kumuha ako ng basket at naglagay ng isang damukal na Noodles at Pancit canton sa basket
"That's not healthy" Sabi sa akin ni Tristan
"Ha?" sabi ko
"Instant foods, noodles"
"Hindi kasi ako sanay magluto, parehas kami ni Jairi" sabi ko at patuloy sa pagkuha ng noodles
"Drop that basket, come with me" sabi nya at kinuha yung basket na puno ng noodles at binagsak at hinila ako

BINABASA MO ANG
Ms.Real
JugendliteraturShe's just a woman full of visions and theories She wanted to have a simple, normal and realistic life until...