Prolouge

29 1 0
                                    

Sa lahat ng bagay na gusto kong paniwalaan.

Katulad ng

Kapag may dumaan na itim na pusa mamalasin ka

Kapag sinisinok ang baby lagyan ng puting sinulid sa noo.

Mas naniniwala pa nga ako na kaya kong huminga sa moon kesa sa maniwala ako sa happy ending o sa forever. Sabi nung iba hindi daw yun ending kung hindi ka pa happy. May namatay na ba na nakangiti. Meron siguro

Yung mga matatandang mali ang hulma ng pustiso kaya sumagad sa panga kaya napilitang ngumiti yung bangkay.

.

Sa lahat ng hindi ko pinaniniwalaan meron naman ako kailangan isampal sa mukha ko. Yung madadama ko yung pagsampal.

Sampalin ang sarili ko sa realidad

Yung realidad na nageexist sa mundo. Yung lagi kang kinakalabit tuwing exams mo na hindi ka nag review at bubulungan ka pa ng "Hindi ka makakapasa~~~"

O kaya kapag nagpapantasya ka sa crush mo tapos bigla kang sasampalin ng realidad na "Hindi ka nya kilala kaya wag ka ng umasa..."

Yung mga ganung bulungan ba. Yung ang sarap tahiin nung bibig ng realidad ng hindi na sumatsat pa at hayaang mamuhay sa kasinungalingan yung tao. Buhay nya yun e. Hayaan mo sya

Pero kung hindi mo naman mamasamain. Tama naman si reality. Kung maniniwala ka less ang sakit. Less ang worries 'di ba wala kang problema. YOLO lang. Wala kang pinoproblema sa lovelife na umaabot lang ng Isang bwan tapos may threemonth rule ka pa ede nagkandalugilugi ka pa.. Pinahirapan mo pa ang sarili mo isang bwan na kilig tapos habang buhay kang iiyak. Wag na uy.

Nandyan naman kasi si realidad na magsasampal din sayo na hindi lang ikaw ang tao dito sa mundo. Na sa lahat ng tao may isa dyan na gugulo ng buhay mo pero aayusin nyo rin ayos di ba muntanga lang.

Pero kapag si realidad ng bigay ng award.

Ibibigay nya sayo ang makatotohanang kaligayahan. Hindi temporary hindi yan due date ng bayad ng utang mo sa bumbay. Yung makatotohanang kaligayahan na magbibigay sayo ng walang katumbas na pagmamahal o diba ayos kanina bitter ako ngayon naglalandi na haha.

By the way ako nga pala yung partner in crime ni realidad. Ako si Ms. Real

Ms.RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon