Ash POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Engaged na ako? Tapos sinabi ko kila mama na may boyfriend na ako tapos gusto pa nilang makita. FUCK. Ano ba nangyayare sa buhay ko? Parusa ba ito? Wala naman akong matandaan na may masama akong ginawa eh. Ano ng gagawin ko? San naman ako maghahanap ng ipapakilala kong boyfriend sa magulang ko. Manghatak nalang kaya ako sa tabi-tabi. Choxxs. San kaya ako pwedeng manghingi ng tulong? Tangina kasi eh!
Kiel POV
Nandito ako sa park magkikita kasi kami ni Ash may mahalaga daa kasi siyang sasabihin eh. Ewan ko kung ano yun.
Palinga-linga naman ako sa paligid baka kasi andyan na siya.
"Kiel!"Boses babae na tumatawag sakin . Sa likod ko nanggagaling yung boses napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Ash na... Umiiyak? TANGINA Sinong nangaway sa Beatfriend ko ha?
"Ash!What happen to you?"Nagaalalang tanong ko.
"K-kiel!"Sabi niya ng umiiyak at mali hindi pala siya umiiyak kundi humahagolgol. Parang namatayan lang ang peg.
"Ano ba nangyare sayo ha? Umupo nga tayo dun"Sabi ko sa kanya habang akay-akay siya. Para naman tong bata si Ash. Aish! Sino kaya ang nagaway dito para majombag ko na.
"May malaking-malaki akong problema Kiel!"Sabi niya. Ay tarray! Malaking-malaki talaga ah.
"What it is?"Tanong ko.
Tumingin naman siya ng seryoso sakin at napagaya naman ako sa kanya. Ang ganda niya talaga. Ano bang pinagsasabi-sabi ko?"Im Engaged!"Sabi niya. Napahalakhak naman ako ng sobrang lakas sa sinabi niya. Siya? Engaged? Ano ba nahithit ni Ash ngayon?
"Hahaha!Kung nagbibiro kalang itigil mo na yan, may paiyak-iyak ka pang nalalaman. Kaloka to!"Pagpapatawa ko sa kanya. Napaseryoso naman ako nang makitang hindi siya tumatawa.
"I'm not joking"Sagot niya sabay hagulgol ulit. Ewan ko ba pero bigla ko nalang siyang niyakap,naramdaman ko namang niyakap din niya ako pabalik.
"E-engaged n-na daw *sniff* a-ako s-sabi n-ni *sniff* papa"Pagpapatuloy niya. Napalaki naman ako ng maramdaman kong hindi talaga siya nagbibiro. Alam kong nasasaktan siya noon dahil naramdaman ko na din yan noon.
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin at umupo ng maayos at tumingin sakin ng seryoso.
"N-nagsinungaling ako sa kanila. S-sinabi ko na..
M-may boyfriend ako at kung sakaling engaged man talaga ako sinabi ko na hinding-hindi ako magpapakasal dahil may boyfriend ako at 1 year na kami"Mas lalo akong nagulat ng sabihin yon ni Ash. Hindi ko inaasahang magsisinungaling siya ng ganun at sa magulang niya pa talaga. Pero sa pagkakaalam ko wala naman siyang boyfriend eh kasi kami lang naman ang lagi niyang kasama. At chaka ayaw pa daw niyang mayboyfriend sakit lang daw sa ulo."Tangina Ash! Sinabi mo talaga yun?"Hindi ko makapaniwalang sagot. Tumango naman siya.
"Sino naman ang sinabi mong boyfriend mo kuno?"Tanong ko. Shit! Hindi ko inaasahan ito. Dahil kitang-kita ko kay Ash na sobrang saya niya ng dumating ang magulang niya pero sa kabila ng sayang yun may sakit pala na kapalit yun. Ang sama naman ng magulang ni Ash, hindi na nga nila nakasama ng matagal ang anak nila tapos i-engaged pasiya sa iba. Grabe sila!
"Wala! At yan yung pinoproblema ko ngyon dahil gusto daw nila yun makilala mamaya"Sagot ulit niya. What? Mamaya? Agad-agad? San naman hahanap si Ash ng lalaki?
"Whatthe?! Pano nayan?"Tanong ko. Nagkibit-balikat nalang siya. Gusto ko sana siyang tulungan pero paano?
Napatingin naman siya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Owoh! Ayoko ng iniisip niya.
"Will you be my Fake Boyfriend Kiel?"
WHAT THE FUCK! BAKIT AKO?
BINABASA MO ANG
Fake Lovers Turn To Real Lovers
LosoweIpapakasal ka ng magulang mo sa iba. Yan lang naman ang pinoproblema ngayon ni Ashlie. Dahil sa problemang yun hihingi siya ng tulong sa kaibigan niyang may pagka-BAKLA. Posible bang mainlove siya sa kaibigan niyang ito? Tunghayan natin ang istorya...