DUG DUG DUG
Yan lang naman ang naramdaman ko ng biglang hinawakan ni Kiel ang kamay ko. What the hell! Bakit ambilis ng tibok ng puso ko. Parang kanina lang kinakabahan ako ha. Pero bakit ng hinawakan ni kiel ang kamay ko nawala iyon? And i feel a butterfly in my stomach. Sheez. What's the meaning of this?
Nabalik naman ako sa wisyo ng diniinan ni Kiel ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at muling binalik ang tingin sa magkahawak na kamay namin. Sheez!
"Ma and pa, H-he's my Boyfriend Kiel.. Kiel Mateo Garcia"Pagpapakilala ko kay Kiel.
"And Kiel, My Parents.. Eunice and Lewis"Sabi ko kasabay ng paturo kila mama. Ganda ng pangalan ng tatay ko no? Panes kayo! Haha.
"Nice to meet you po, Maam and Sir!" Magalang na sabi ni Kiel. Nagmano naman si Kiel kay mama, napatingin naman si Kiel kay papa at inilahad ang kamay niya dito para magmano sandali lang ang nakalipas at tinignan lang iyon ni papa. Kinuha narin ni papa ang kamay ni Kiel at nagshakehands sila. Naramdaman ko naman ang paglunok ni Kiel. HAHA Akala niya siguro titignan lang ni papa yung kamay niya.
"Maupo kayo!"Pagbasag naman ni mama ng katahimikan.
Inurong naman ni Kiel ang upuan at pinaupo ako. Aba! Talagang pinupush niya ang pagiging gentleman niya ngayon ha.
Tinawag naman ni papa ang waiter at saka umorder. Kumain daw muna kami bago magusap. Whaa! Baka magtanong sila, Pano na yan? Pano kung hindi magkaparehas ang sagot namin ni Kiel. Baka mabisto kami. Hala Inames nayan!
Nang matapos kaming kumain tumingin naman samin si papa ng seryoso.
"Baby, Ang galing mong mamili ng boyfriend ang gwapo-gwapo niyan oh!"Tanong ni mama.
"Manang-mana ka talaga sakin, magaling mamili ng lalaki tignan mo ang daddy mo galing mo pumili diba? Hahaha!"Pagpapatawa naman ni mama. Hindi ko mapigilang matawa napatingin naman ako kay Kiel aba ang gaga! Tumatawa din pssh as if naman gustong-gusto niyan nasasabihan ng gwapo eh haha."Ano bang nagustuhan mo sa baby ko?"Biglang tanong ni mama. Nakita ko namang sumeryoso si Kiel OMG! Hindi niya ba alam sasabihin niya? Whaa! Kinakabahan ako Inames!
"She's Beautiful and Kind"Sagot naman ni Kiel. Pweew! Nakahinga ako dun. Pero infairness ambilis niya sumagot ha. Teka ansabi niya beautiful daw? Tss Small thing Kiel XD
"Mabibigyan mo ba ang anak ko ng magandang kinabukasan?"Muntik na sana akong mabilaukan sa tanong ni papa. Gosh! Magandang kinabukasan agad? Kaloka to si papa.
Napatingin naman ako kay Kiel at halatang nagulat siya sa tanong ni papa. Myghad! Kiel galingan mo ang pagsagot.
Napatingin naman si Kiel sakin at sabay sabing..."Yes!" Sagot ni Kiel. Enebeyen! Yes lang? Walang explanation? Char.
"Okay, pwede na kayong magpakasal!"Sabat naman ni mama. Whaaa! Kasal? Enebe! Kenekeleg eke! Char.
Nakita ko namang napatingin si papa kay mama at sabay sinamaan ng tingin, nagpeace sign nalang si mama. Hahaha!
Tumingin naman ako kay Kiel, Kindat lang ang itinugon niya sakin. Yiee! Enebe!
"Anyway, Kiel how old are you?"Tanong ni mama kay kiel.
"17 po"Magalang na sagot ni Kiel.
"Ang babata niyo pa."Sabi ni mama. Tss! Alam namin ma."Sinabi ba sayo ni Ashlie na engaged na siya?"Mabilis na tanong ni papa. Oo pa! Nasabi ko na sa kanya. Kaya nga nanghingi ako ng tulong sa kanya eh.
Napatingin sakin si Kiel at mabilis na inalis yun, binaling naman niya ang tingin kay papa.
"Opo! Nasabi na sakin yan ni Ash"Sagot ni Kiel. Jusko Kiel ipaglaban mo ako sa mga magulang ko. Haha!
"Alam niyo po ba ang sinabi ko sa kanya? Sinabi ko sa kanya kahit na engaged siya sa iba. Ipaglalaban ko siya! Dahil akin lang siya at wala ng iba. Kahit na madaming humadlang gagawa ko ng way hindi lang siya mawala sakin" Natulala ako kay Kiel habang sinasabi niya yan. Tangina! Totoo ba tong naririnig ko? Shit this! B-bakit p-parang seryoso talaga siya? Whaa! Inames!
Pati sila mama ay napatulala at napatahimik sa sinagot ni Kiel.
OMYGHAD! I cant believe. Haha!
BINABASA MO ANG
Fake Lovers Turn To Real Lovers
De TodoIpapakasal ka ng magulang mo sa iba. Yan lang naman ang pinoproblema ngayon ni Ashlie. Dahil sa problemang yun hihingi siya ng tulong sa kaibigan niyang may pagka-BAKLA. Posible bang mainlove siya sa kaibigan niyang ito? Tunghayan natin ang istorya...