Chapters.4-7

247 4 0
                                    

CHAPTER 4

"Shoot!" napabalikwas ng bangon si Devvine at agad na tinungo ang kanyang banyo. Tinanghali sya ng gising at siguradong mahuhuli na sya sa klase. Mayroon pa naman silang finals ngayong araw na ito. 

Huling taon na nya sa kursong ewan nya kung bakit dun nya naisipang mag-shift. Hindi naman magagamit sa kumpanya nila ang kursong Fine Arts diba ngunit dahil mahilig syang gumuhit at parang pagrerebelde na din sa ama, yun ang pinili nya.

Nagmamadali sya sa kanyang pagkilos, kailangan nyang makaabot sa klase. Desidido na syang tapusin ang kanyang pag-aaral ngayong taon at iniisip nya ng pagbigyan ang kanyang ama. Matapos magbihis ay diretso na syang lumabas sa kanyang silid.

Sa sasakyan na lamang sya mag-aayos. Nagtungo sya sa kusina at kumuha ng gatas na maiinom. Yun nalang ang aalmusalin nya. Papainom na sya ng gatas ng may marinig syang nagsalita.

"Ang aga mo naman para bukas Ms. Castillanes, kanina pa ako naghihintay sayo." wika ni JP na nakasandal sa kitchen counter at humihigop ng kape.

 Hindi napansin ni Devvine na naroon ang lalaki at anong saklap na umaga, natutulala na naman sya dito. Paano ba naman, mukha itong preskong-presko at gwapo talaga ang hudyo kahit hindi ngumingiti. Muntik nya ng makalimutan nya ng inumin ang gatas kung hindi pa ito nagsalita.

"Talagang ugali mo ang tumitig sa isang lalaki?" bakas ang inis sa salita ni JP. 

"Excuse me? You're really a gentleman no?" pasaring naman ni Devvine. 

"At kung pwede, next time agahan mo ang gising mo. May tao kasi na naghihintay sa inyo mahal na prinsesa" dagdag pa na wika ng binata na salubong ang mga kilay.

"You know what, you are just my bodyguard, learn how to respect me! And besides, my father is paying you to protect me. Not to talk s**t to me. Finish whatever you're doing so we can go. I need to rush. Like you've said, this princess don't know how to wake up early" inis na ring wika ni Devvine sabay talikod.

Nabubwiset sya sa lalaking iyon. Hindi nya alam kung bakit parang laging pasan nito ang daigdig. Madalas kaysa hindi, laging nakakunot ang noo nito at parang laging inis sa kanya. 

Ang alam nya, walang lalaking naiinis sa kanya. Walang lalaking tumatanggi sa ganda nya. Tanging ito lamang, ang JP na yun ang nakapagsalita sa kanya ng ganon.

"Hindi lang hambog, napakabastos pa.!" wika niya "pero... hay naku ano ba. Shemay, gwapo talaga ang hudyong iyon." natigilan sya sa naisip.

":No hindi pwede, erase erase erase.. Over my dead and gorgeous body!" paalala nya sa kanyang sarili. Hindi sya pwedeng magka"crush" sa isang lalaking parang nag me-menopause. 

Ipinatawag nya sa isang kawaksi si Manong upang sila ay umalis na at deretcho na sya sa kanyang sasakyan. Nagulat sya ng makitang ang hambog na lalaki ang naroon.

"What are you doing in the driver's seat? Don't tell me may extra job ka, driver ka na din ngayon?" patuyang wika nya. 

"Shut up and just fasten your seatbelt missy, akala ko ba late ka. So better hold on dahil papaliparin ko na po ang inyong sasakyan kamahalan." nangaasar na wika nito. 

"Whatever!" sagot niya at  inirapan nalang ang binata. Nagtataka sya kung paano nito nagagawang magbiro na hindi tumatawa. Masyadong seryoso ang binata, at kapag nakatingin sya sa mga mata nito mayroong misteryong nakabalot sa mga iyon. Bagay na gusto nyang malaman, gusto nyong tuklasin. Ngunit hindi nya gagawin, ititigil nya ang pag-iisip sa lalaking ito na walang ginawa kundi ang inisin at insultuhin sya. 

IF ONLY (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon