C. 10-13 End of Bk.1

295 5 0
                                    

CHAPTER 10

Nagising si Devvine sa mahinang tapik sa kanyang braso, nagmulat sya ng mata at nabungaran nya si JP na nakatunghay sa kanya. Disoriented, she tried to focus on the face of the man who's staring at her. Napabalikwas ng bangon si Devvine at napatingin sa orasan na nasa bedside table.

"Hey, sleepy head wake up. Kanina pa kita gustong gisingin kaso ang sarap ng tulog mo."nakangiting wika ni JP sa kanya. Ang ganda ng gising nya, napapadalas ang pagngiti nito. Hindi na nito iyon ipinagdadamot sa kanya.

"What, you actually watched me sleep??" hindi makapaniwalang tanong ni Devvine.

Tumawa ito bago sumagot, "Nah, just kidding, kadarating ko lang and Ate asked me to fetch you. May biglang conference call daw sya. It's 8:00 p.m kaya mag dinner na tayo."

Hindi na umimik si Devvine at tanging tango lamang ang naisagot nya. Naalala nya, kagigising nya lang, bakit sya nakikipag-usap dito? Baka may muta pa sya at hindi fresh ang kanyang breath,pasimple nyang sinipat ang kanyang sarili at nakahinga sya ng maluwag dahil disenteng damit naman ang suot nya hindi nga lang nya alam kung kanino, baka sa Ate nito.

"You look funny, what's the matter?" tanong ni JP sa kanya.

Umiling lamang sya at nagsenyas na umalis muna ito. Muli itong tumawa at nagwika "if you like to freshen up, the toilet is there."sabay turo sa isang pintuan. "Pero, dahil nasa kwarto ko pa ikaw, puro male products ang andun. But anyway, may spare toothbrush doon" and he giggled. 

Sinimangutan nya ito kahit na alam nyang biro lamang ang tinuran nito. Agad syang bumangon at ng malapit na sya sa pintuan ng bathroom ay narining nyang may sinabi ang lalaki.

"Hindi na kita hihintayin ha, pagbaba mo, you can easily see kung nasan ang dining room." wika nito at tuluyan ng lumabas sa silid.

"Nakakahiya ka talaga Devvine, diba it's your number one rule kapag bagong gising to freshen up first before talking with someone. Hygine first, grrr." kausap nya sa sarili. 

"Eh malay ko bang sya ang gigising sakin, kiber na lang noh. What's important is I still look pretty even if I just came from bed." patuloy na pagmo-monologue nya habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Natatawa sya sa kanyang sarili, para na syang baliw, subalit nahinto ang kanyang kasiyahan ng mapansin ang nangingitim na bahagi ng kanyang panga. 

Agad nyang binura sa isipan ang mga naganap dahil ayaw nyang matakot, ipinagpatuloy na lamang nya ang ginagawa upang makababa na.Nakakahiyang paghintayin ang magkapatid, dahil bisita lamang sya sa tahanan ng mga ito.

****

Devvine got out of the room and was taken aback because of what she saw. Facing the room door is a window,where she saw a bright moon reflected on the water shore. Nilapitan nya ang bintana at napagalaman nyang isang beach house ang kinaroroonan nya. Kung saan ang eksaktong lugar, iyon ang kanyang itatanong dito. Pinagmasadan muna nya ang karagatan sa gitna ng gabi, full moon ng gabing iyon at napakaraming bituin sa langit. She love the beach, she love swimming. Natatakam sya tuloy lumusong sa dagat at magtampisaw. Maganda na ang lugar sa dilim, paano pa kaya bukas ng umaga,naisip ni Devvine.

"Hey there pretty, anong tinitignan mo dyan? Let's go and have dinner." wika ng isang malamyos na tinig - si Laurence.

IF ONLY (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon