I'm really thinking kung anong kasalanan ang ginawa ko para mapunta sa sitwasyon ko ngayon. Seryoso.
Hawak-hawak ko ngayon ang, sa tingin ko, pinakapagsisisihan kong bagay na gagamitin ko sa tanang buhay ko. Bakit naman ganito? It's unfair, you know?
It is... ahmm... well, a dress. Tanggapin man ng kalooban ko o hindi, dress talaga s'ya. Pink casual dress,(Unfortunately, it is really pink) karaniwang pormahan ng mga elitista rito sa University. Tapos sleeveless, mga ilang inches above the knee yung haba. May mga intricate designs pero tanga ko mag-describe ng mga ganitong bagay so bahala na kayong mag-imagine kung anong hitsura. Basta it is sooo girly.
Nung na-realize ko kung ano yung pinapasuot ni Mr. P, na tinawag nung isang professor na Gab, gusto ko sanang lumabas ng comfort room para sugurin s'ya, kaso naalala ko, nasa impyerno pala ko, isang maling galaw ko lang, makikita ko si Charon sa underworld. Kung makasurvive man akong umangal sa kanya, sigurado namang yari ako sa House namin. Papatayin din nila ko pagnagkataon.
Matapos kong magnilay at mag-isip-isip tungkol sa mga choices ko sa buhay, narealize kong wala pala talaga kong choice kundi sumunod. Disguise naman 'to kaya sana ma-pull off ko nang tama.
Napansin kong may pads pala dito for my chest, super flat nga naman kaya baka mahalata din. Hindi nga lang ako marunong nito pero kaya naman siguro.
Sinukat ko na 'yung dress. To my surprise, it fits my body well, hindi ko lang alam kung bagay sa 'kin pero comfortable naman s'ya except sa lower body, feeling ko nasisilip na yung anez ko. Buti na lang may cycling shorts sa knapsack. In fairness, kompleto ang binigay ni kuya. Sa mga nag-iisip kung babakat ang Mt. Pulag, pa-balloon naman yung skirt part so no worries.
May wig din, shoes and makeups. 'Di naman ako masyadong marunong magmakeup pero itatry ko na lang. May idea lang ako kasi yung kaklase ko last year, hilig magpapanood ng mga tutorials ni Michelle Phan sa Youtube. Minsan, pinagtitripan n'ya rin ako, ginagawang canvass yung mukha ko. Pinababayaan ko na lang din, kaligayahan n'ya yun eh. Tsaka crush ko 'yun dati, ehem, hokage moves.
So I started applying makeup, hindi ko na masyadong i-e-explain, basta light lang. Ano yun? Pang day-time ba? Basta ganun. Ayaw kong magmukhang clown, mas kapansin-pansin.
Buti na lang flats yung shoes na binigay. Baka sumadsad lang ako d'yan pag pinagheels pa ko nito. Sobrang kahihiyan nitong gagawin ko kaya sana hindi talaga nila ako makilala.
Then, to top it all of, literally, nagsuot ako ng fedora hat. May small bag din dito for my phone and wallet. Ayos na!
May biglang kumatok, "Matagal ka pa ba d'yan? Anong oras na. Nakakaabala na tayo masyado dito."
Sus. If I know, gusto mo na 'kong makita kasi pagtatawanan mo na 'ko. "Opo, ito na. Palabas na po."
I checked myself on the mirror. Hindi ako kumpyansa na hindi na nila ako makikilala kasi s'yempre ako yung nag-ayos sa sarili ko. But, somehow, I think, mag-wo-work work work work work naman 'to.
Binuksan ko yung pinto and I saw him na nakatalikod sa 'kin.
"Hay! Buti naman lu---" Umikot s'ya para makita ako. Weyt leng? Parang nakakita ng kung ano 'tong alimuong na 'to.
"Oy? Ayos ka lang kuya? Pangit ba?" Tanong ko naman.
Nakatitig lang s'ya sa 'kin. Nakabukas pa bibig. Ayaw akong pansinin. Dahil very good ako, lumapit ako sa kanya, tapos... pinitik ko yung noo n'ya. Pambawi man lang, pagbigyan n'yo na ko.
"Aray!" Ayun, nag-respond din.
"So, how was it?" Tinignan ko muna yung faculty room kung may nakatingin sa 'kin bago ako magpatuloy. Lumapit ako sa tenga n'ya, tapos bumulong ako, "Bakit ganito yung pinasuot mo sa 'kin? Magdasal-dasal ka na sa lahat ng santong kilala mo, pati sa kalahi-lahian nila Zeus at Hera, kikitilan talaga kita ng buhay pagkatapos nito. Fi---."
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (boyxboy)
Roman pour Adolescents[Note: This is a boyxboy story. In other words, pagmamahalan ng mga taong nasa parehas na kasarian kaya mangyari lamang na lumayas na kung hindi malawak ang pag-iisip. Salamat]