Bumigkas na ang tadhana. Sumayaw ang mga puno sa saliw ng ihip ng hangin. Lalakas, hihina. Kasabay nito ang nagbabantang kalangitan. S'ya raw ay magbubuhos ng kaligayahan. Matapos ang ilang araw ng tag-tuyo--
---
"AYOKO NA!" Nilukot ko ang papel at sabay shoot sa basurahan. Puno na pala yung basurahan ng mga scratch papers kaya nagkalat na yung iba sa sahig. Mamaya ko na lang lilinisin.
Sinubsob ko ang mukha sa lamesa na puno ng papel. Mula scratch, yellow, intermediate, pang-grade one, bond paper at lahat ng uri ng papel pati tissue paper. Naiiyak na 'ko friends. Wala pa 'kong maisulat. Nakakainis na.
"Ughhh!" Sinabunutan ko na yung buhok ko na kanina pa magulong-magulo. Gusto ko nang umiyak! Bakit ba naman kasi wala talaga 'kong masulat eh. I need an inspiration! Huhu. Kailangan ko nang matapos 'to kundi yari na naman ako dun sa boss ko. Ewan ko ba? Paano 'ko napasok sa ganitong sitwasyon.
Basta, isang araw, may natanggap akong e-mail. Sabi d'un sa letter, gusto n'ya raw akong kuning writer para sumulat ng mga literary pieces para sa book n'ya. Actually, pangarap 'ko talagang makapagsulat o makagawa ng isang libro. May bayad naman daw, at in all fairness, hindi basta basta. May allowance kasi tapos may gifts every month kapag maganda yung mga gawa mo. Basta ang galing lang kaso nagtaka naman ako kung paano n'ya 'ko nakilalala tsaka hindi ko rin naman talaga s'ya kilala. Ang nakalagay na pangalan dun, Angel. Hahaha. Natawa na nga lang ako eh. Di katiwa-tiwala kaya I asked for assurance na hindi n'ya 'ko lolokohin. Sabi n'ya, trust lang daw talaga kaya nagdadalawang-isip talaga 'ko n'un kung kukunin ko ba 'to. Pero, of course, alam n'yo na ang naging desisyon 'ko. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag pero totoo naman yung mga sinasabi n'ya.
Hindi na 'ko ngayon masyadong naka-asa sa mga magulang ko pagdating sa mga luho ko. Hahaha. Nakabili nga 'ko ng netbook dahil sa kinita ko sa kanya eh. At yun naman yung ginagamit ko sa mga ginagawa ko. Nakahiligan ko lang talagang magsulat muna using real paper tapos kapag okay na. Ililipat ko na s'ya sa netbook para i-edit. Wala naman akong problema sa kanya, it's just kasi madalas yung writers' block ko lately. Oh! Sorry for my conyo speech! Hahaha.
Malapit na ang deadline ko! The following day na kaya kahit scratch dapat meron na 'ko ngayon. Teka! Sobra na antok ko, anong oras na ba? Kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa tapos tinignan ko yung oras. Oh sh*t! 3 a.m. na! And that my dear friends, ang nagparealize sa 'kin na maaga ang pasok ko bukas, I mean today. Alas syete. Itutuloy ko na lang 'tong ginagawa ko...
---
"Lex!' At dahil bangag ako, madali ako magising. Ewan ko ha? Pero kasi kapag sobra 'kong puyat napaka-alert ko. Mamaya na lang ako matutulog ng matino sa school.
"Bababa na po Ma!" Syempre hindi pa, nagritwal na 'ko sa banyo. Alam n'yo na 'yun, unless... haha joke lang. Teka! Baka iba isipin n'yo. Maliligo, magtatangal ng muta, magsisipilyo etc.
Bumaba na 'ko tapos umupo na para maghandang kumain. Tapos tinignan ko 'yung orasan sa pader. Time Check: 6:00 a.m. Maaga pa naman pala. Kaya enjoy muna. Malapit lang naman yung school. One jeep away lang.
"Anong oras ka natulog?" Tanong sa 'kin ni Papa na nakaupo sa gilid ko. Ang pwesto namin ngayon ay 'yung parang sa mga telenobela. (Antonietta) Nasa gitna ang ama habang nasa gilid naman n'ya nag kanyang asawa at anak.
"3 a.m. po" Sagot ko na parang inaantok pa talaga. Maya-maya dumating na si Mama dala yung kanin tapos tsaka namang upo ng kapatid ko sa tabi ko. Yeah! May kapatid ako, mas matanda sa 'kin ng one year. Actually, kala 'nga nila Mama, may kambal s'ya kaso maling akala lang pala ng doktor may something about dun sa pwesto n'ya nung bata s'ya. Basta ganun.
"Buti 'di ka dinalaw nung mga kaibigan ni Emily Rose. Ikaw Alexander? Anong oras ka natulog?" tanong naman n'ya kay Alex. 'Ta mo 'tong tatay ko! Bastos din eh! Nagbabasa ng dyaryo habang kinakausap kami.
"9 p.m. po." Sabay tingin 'ko sa kanya. Alam na n'ya ang ibig sabihin n'un. Alam n'ya na alam 'kong nagsisinungaling s'ya. Gets? Basahin n'yo na lang ulit pag di n'yo naggets. Alam ko namang gising pa s'ya ng alas dos ng umaga. Nanonood kasi 'yan. Mahilig kasi s'ya. Oo, mahilig s'ya magmarathon ng mga Anime Series. Huwag n'yo kong dinadamay sa mga dark green n'yong mga isipan ha?
"Ikaw naman? Bakit ang aga mo natulog? Tularan n'yo nga ang isa't isa" Hahaha. Ewan ko dito sa tatay ko. Buti na lang bangag ako at hindi ako natawa sa joke n'ya kundi sasabihin ng katabi ko ang babaw ng kaligayahan ko. Baliw yang tatay ko. Mukha lang nakakatakot sa simula pero pag naging close na kayo, ay! Mag-eenjoy ka kakatawa haha.
"Lex, anong oras pasok mo?" tanong ni Alex sa 'kin. Naguguluhan ba kayo? I'm Alexis Sky and he is Alexander Rafael. Medyo pambabae yung pangalan ko, right? Kasi nga daw dapat yung pangalan ko, sa kambal n'ya na babae but then again, hindi nga totoo yun kaya sa 'kin ipinangalan, whether babae o lalaki ako. Ang astig kaya ng pangalan ko. Hahaha. Anyway, ang tawag sa 'kin dito sa bahay 'Lex', kay kuya naman, 'Alex', gets na?
"7 a.m. Bakit?" Sagot ko naman sa kanya. Nginuso n'ya naman yung orasan. 6:30 pa lang naman a-TEKA! Baka malate ako kay Luzviminda! Professor namin 'yun sa Philippine History na pinaglihi sa sama ng loob kaya bawal malate.
Dali-dali naman akong tumayo, tapos naman na 'ko kumain. Nagpaalam na 'ko sa kanila.
"Lex! Sabay na tayo!" Sigaw ni Alex. Konti lang galang ko d'yan kasi astang bata eh! Lagi pa 'kong inaaway.
---
Nang makarating kami sa school, naghiwalay na kami ng landas. Magkaibang building kasi kami pati rin naman course. BS Accountancy s'ya, Education naman ako. Ewan ko ba? Basta gusto ko magturo haha.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin, 'di na 'ko masyadong nagmadali dahil 15 minutes pa bago yung class ko, may nakita ako. Ngayon ko lang s'ya nakita. I dunno pero that left me stunned. I was startled by his presence. Yeah! HIS, that means lalaki. Let me get it to the point, I'm straight like a flag pole pero humanga talaga 'ko sa dating n'ya. Parang may hinahanap s'ya pero promise kahit sino mawawala sa sarili pag nakita s'ya. Andami ngang girls na konti na lang eh lalapain na s'ya.
Sa school namin, wala namang masyadong restrictions pagdating sa hitsura, I mean like uniforms, color and length of the hair or make-ups. Basta mag-aral ka. May mga naka-uniform din naman pero para yun sa mga tourism, HRM, nursing etc. Kaya siguro may blonde highlights yung buhok n'ya pero 'di s'ya mukhang gangster o kung sino mang tambay sa kanto. Brown expressive eyes, matangos na ilong, kissable roseate lips, maputing balat, sexy body structure and katangkaran...madedefine mo ang salitang perfect. Teka! I feel something odd. Parang sumisikip yung pants ko. Teka! Hindi tama 'to! Tumataba na ata talaga ako.
I ran past the corridors for my room. After minutes, dumating na si Luzviminda.
Pero isa lang ang iniisip ko ngayon.
Sino yung lalaking 'yun?

BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (boyxboy)
Teen Fiction[Note: This is a boyxboy story. In other words, pagmamahalan ng mga taong nasa parehas na kasarian kaya mangyari lamang na lumayas na kung hindi malawak ang pag-iisip. Salamat]