SH*T
Again, ladies and gentlemen, I was stunned. Nasa harap ko ngayon yung lalaking gumulo ng isip ko. Mas intense mga kaibigan, kaharap ko na eh. PERFECTION lang ang word ngayon sa isip ko.
"Hey! Are you alright? Baka malusaw ako?" Pagpapahangin n'ya. And that made me woke up from dreamland. Parang pinitik ako sa noo nung sinabi n'ya. In fairness, ang kapal din ng mukha nitong mayabang na 'to. Kamag-anak ata sina #RubyPH and #YolandaPH. Kaya pala nararamdaman kong nasa SIGNAL #4 ang university namin.
"Hin-este oo, o-kay lang a-ko. Sorry ulit." Ayoko nang sabayan ang hangin n'ya baka malusaw s'ya eh. Di ba ganun yun? Pag may bagyo tapos may hanging Amihan, malulusaw o hihina yung bagyo? Ewan ko hahaha. Oy! Di ako concerned sa kanya ah! Sadyang ayaw ko lang ng gulo.
"Sure ka?... Miss?" Tanong naman n'ya. Tapos hinawakan n'ya yung baba ko, gamit yung kanang kamay n'ya, katulad nung ginawa ni Sai kanina. Then, hinawakan n'ya yung beywang ko using his left hand tapos nilapit sa kanya.
Shet. Mukhang may part two yung ginawa ni Sai ah pero teka...did I heard that right? I was about to tell something but then...
"Excuse me pare, girlfriend ko 'yan." Epal ni Sai. Hinawakan n'ya yung arm nung lalaki kaso di nagpatinag. Seriously? Tinignan ko s'ya ng masama tapos humarap ako sa lalaking 'to. Binitawan n'ya na lang tuloy yung lalaki. Sinubukan kong itulak s'ya. Kaso mas malakas s'ya sakin kaya nakakapit pa rin s'ya hanggang ngayon. Dumarami na yung mga taong nanonood parang kanina lang, kami lang ni Sai ang nandito ah?
Teka! May gusto na naman ng show. Again, hindi dapat ako ginaganito sa mga panahong wala akong tulog. Game kaya ako. Wala akong hiya ngayon.
"Ah...eh...kasi parang nasugatan ata ako eh." Using my right hand, kumapit ako sa batok n'ya. nagstep forward ako konti using my right leg then medyo pinasok ko yun sa pagitan ng limbs n'ya tapos binend ko yun ng konti. "Dito oh..." I said that using the most seductive voice na kaya ko. Tapos tinuro ko yung labi ko na naka-lip bite. "Pwede mo bang i-check kung may sugat, using your lips? Kaso kasi..." kahit mas matangkad s'ya sa 'kin, lumapit ako sa tenga n'ya then..."lalaki tayo pareho eh." And with that being said... I left him stunned and dumbfounded. He was so reddish by then. I grabbed Sai's arm and run for my life. Joke. Gutom na kasi ako eh.
"Sira ulo ka! Ba't di mo ko tinulungan?" sabi ko kay Sai.
Di s'ya nagsasalita. Ewan ko ba kung bakit. Kaya naman tinignan ko s'ya.
Sh*t. Di ko pala nabitawan yung arm n'ya. Namumula s'yang ewan, parang medyo nahihiya. Konti na lang, mapapatunayan ko nang may gusto talaga 'to sa 'kin. Bigla kong binitawan yung braso n'ya tapos huminto ako sa paglakad then humarap ako sa kanya. Parang nagising naman s'ya sa ginawa ko pero parang lumungkot s'ya.
"May problema ka ba? Okay ka lang 'dre?" Tanong ko sa kanya.
"Ah-eh O-Oo..." Sabi n'ya sa 'kin tapos napayuko s'ya.
"Sure ka ha?" paninigurado ko
"O-Oo nga. Kulit mo naman eh!" sabi n'ya tapos nauna s'yang maglakad. Nalungkot naman ako kasi iniwan ko. Bahala na nga s'ya, Baka may problema, makaabala pa 'ko.
---
Nung nakauwi na 'ko, I started doing my job, my writing job. I found an inspiration na, siguro naman alam n'yo na kung ano, I mean, sino 'yun. Nakakatuwa naman kasi tuloy-tuloy yung flow nung words sa utak ko. Then, after two hours of writing and editing, tapos na 'ko. I sent it to him na through e-mail. Kung 'di n'ya gusto, mag-e-e-mail naman s'ya eh pero so far, wala pa naman s'yang nirereject.
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (boyxboy)
Teen Fiction[Note: This is a boyxboy story. In other words, pagmamahalan ng mga taong nasa parehas na kasarian kaya mangyari lamang na lumayas na kung hindi malawak ang pag-iisip. Salamat]