"Pucha naman oh!" Sabi ko pero s'yempre mahina lang. Alangan namang magmura ko dito nang malakas, baka kasuhan ako ng mga tao dito sa OSA.
"Ma'am... Nagdilang anghel po kayo. Queen 'nga po." Sabi ko nang sobrang kinakabahan.
"Oh? See! I told you! Kailangan mo talagang magtago nang maigi kasi ikaw ang highlight ng event. Pag nahuli ka, wala na masyadong thrill." Sabi n'ya sa 'kin nang nakangiti.
Napayuko naman ako 'dun sa sinabi n'ya. Hindi naman nakaka-pressure 'di ba? Hindi naman masyado! Ang saya nga 'eh. Ngayon, kailangan kong mag-isip ng strategy para malusutan 'tong araw na 'to. Magaling!
Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi may mga bantay sa gate. Tapos, hindi ako pwedeng maggagala d'yan sa tabi kasi maraming hunters sa paligid. Feeling ko tuloy nasa video game or movie ako, 'yung tipong ako na lang ang tao sa mundo tapos napapaligiran ako ng mga zombie. Haha. Feeling lang. Pagbigyan mo na.
Siguro mas maganda kung makikilala ko 'yung ibang tributes para tulungan kami sa pagtatago pero paano pag-ilaglag nila ko? Points din sa kanila 'yun pagbinuking nila 'ko, lalo pa na ako yung queen. Pag hindi naman kasi nila 'ko nakita, ang laking points n'un sa house namin. Tapos, may prize pa 'ko. Do or die 'to!
Ano bang gagawin ko?
Mahigit 30 minutes na rin ako rito sa OSA. Nahihiya na rin ako kasi baka nakakaabala na 'ko. Saan naman ako magtatago? Nakakainis naman o!
"Ahm...Alexis?" Bigla naman nagsalita 'tong si Ma'am GC.
"Y-Yes po?" Tanong ko naman.
"Ano bang balak mong gawin? Dumarami na kasi 'yung nagtatanong dito 'e. Feeling ko, malakas 'yung pakiramdam nilang may nagtatago dito. Marami nang nag-aabang 'dun sa labas. Siguro kailangan mo nang maghanap nang ibang matataguan." Mahaba n'yang sabi.
"Hindi ko rin po alam 'e. Wala po akong clue kung anong gagawin ko. Pasensya na po talaga sa abala." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Hija--este Hijo, don't get me wrong ha? Hindi kita pinapaalis." Sabi n'ya. Tapos bigla namang parang may light bulb na nag-"Ting" sa ulo n'ya. "Alam ko na...naalala ko 'yung ginawa nung queen butterfly dati n'ung panahon ko." dugtong n'ya
"Po? Ano po 'yun Ma'am?" Excited ko namang tanong. S'yempre may idea s'ya eh.
"Dati kasi, hindi nila nahuli 'yung queen. Magaling kasi magtago 'yun eh, tsaka creative pa!" Sabi n'ya. "Nag..." Biglang may kumatok. Pucha naman o! Magtatago na naman ako.
"Yes? Ano pong kailangan nila?" Sabi ni Ma'am.
"Magandang araw po Ma'am! Nand'yan po ba si Alexis?" Sabi nung nilalang na kumatok. Lalaki 'yung boses, 'yung boses n'ya kasi...ang gwapo, pero s'yempre mas gwapo 'yung boses ko. Haha.
"Alexis? Who's Alexis?" Pag-iinarte-este arte naman ni Ma'am. Joke lang. Mabait 'yan eh. In fairness kay Ma'am, magaling umarte, isasali ko 'to sa Theater's Guild. Ikaw na!
"Ah-eh...Isa po kasi ako sa officers ng event. Nasabi po kasi sa 'kin nung isang mascot na pinapunta n'ya raw po si Alexis dito sa office n'yo. Ako po kasi 'yung naka-assign na tulungan s'ya para mapahaba 'yung event." Sabi nung lalaki. Teka! Kilala ko rin 'tong boses na 'to eh.
Oo nga pala. May mga tumutulong pala talaga sa mga tributes. Buti na lang nakita n'ya ko bago ako mahuli.
"Ganun ba? O sige pasok ka dito hijo." Sabi naman ni Ma'am. Sinenyasan naman ako ni Ma'am na lumabas sa kweba. "Ouch!" Ang galing naman! Na-untog ka pa Lex! Berry gud!
Biglang lumapit bigla 'yung lalaki tapos... "Okay ka lang ba?" Tinignan ko naman kung sino 'yung mabuting nilalalng na tutulong sa 'kin. Pagtingin ko, napatigil ako. Ang galing mo Lex! Napahiya ka pa talaga sa harap n'ya.

BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (boyxboy)
Fiksi Remaja[Note: This is a boyxboy story. In other words, pagmamahalan ng mga taong nasa parehas na kasarian kaya mangyari lamang na lumayas na kung hindi malawak ang pag-iisip. Salamat]