Naging maayos naman yung classes ko before breaktime pero parang wala namang pumasok sa utak ko 'dun sa mga itinuro. Paano ba naman kasi isa lang ang iniisip ko, yung lalaking 'yun. I was really pre-occupied by that thought. Again, I am straight, at least I believe so. Kaso kasi masyado akong nababagabag ng hitsura at dating n'ya. 'Di ko alam. Siguro masyado lang akong humanga sa kanya or na-intimidate? Basta ganun! 'Yun na 'yun!
Since breaktime na...
"Lex..." May biglang kamay na humawak sa braso ko. 'Eto na s'ya. Lumingon ako tapos nginitian ko s'ya.
"Nakakainis ka!" Sabi n'ya sa 'kin. Nagtaka naman ako kung bakit kaya tinignan ko s'ya using my anong-problema-mo look.
"Ang cute mo kasi para kang babae. Kung naging babae ka lang, matagal nang naging tayo." Sabay pinch n'ya sa ilong ko.
"Paano ka nakasisiguradong magiging tayo? Sinabi ko bang sasagutin kita agad?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko s'ya sa mata para mang-asar pa lalo tapos nag-pout ako. Nakita ko naman na medyo namula s'ya.
"Bwiset ka talaga! Tumigil ka 'nga d'yan! Baka halikan kita, sige ka!" Banta n'ya tapos lumapit pa s'ya ng konti sa mukha ko. Tapos hinawakan n'ya yung baba ko. Pakiramdam ko, lahat ng mata sa room na 'to, nakatingin sa 'min. Kaya nahihiya na 'ko.
"HOY! 'WAG NGA KAYONG GANYAN!" Sigaw nung Naomi. "KINIKILIG AKOOOOO!" Hahaha. Isa kasi s'yang fangirl. Mahilig s'ya sa mga bromance and such. One time, nung pumunta kami sa kanila, punong-puno ng mga posters ng mga anime na lalaki. Tapos maraming manga na yaoi raw basta yung dalawang lalaki yung bida tapos sila magkakatuluyan.
May naisip ako! Tutal sinimulan na rin naman ni Cyrus, yung taong kaharap ko ngayon, bakit hindi ko ituloy sa isang magandang palabas? Nagkamali s'ya ng inaasar. Wala akong tulog!
"Babe, 'wag dito, maraming tao. Mamaya na lang sa inyo." Using my very seductive voice. Tapos naglip bite ako and hinagod ko yung kamay ko papunta sa likod ng ulo n'ya. Sinabunutan ko s'ya pero hindi yung masakit. 'Yung mga parang nanglalandi. 'Tas, hinawakan ko yung kwelyo n'ya. Sinasabi ko talaga sa'yo Cyrus, nagkamali ka ng ginawa.
"WAAAAAAAAAAAH!" Nagtititili na yung mga kaklase ko sa pangunguna ni Naomi. Nakatitig naman silang lahat at iba-iba ang reaksyon sa napapanood. First time ko kasi sumagot dito kay Cyrus. Lagi n'ya 'kong ginaganito. Tyos! Hahaha. Pero seryoso na, lagi kasi s'yang nang-aasar. Di ko na nga alam kung totoo na yung mga sinasabi n'ya eh. Bakla na ata 'to eh pero mukhang malabo. Lalaking-laking pumorma eh. Tapos astig gumalaw.
"Sh*t" Kitang kita ko yung pamumula ng mukha n'ya. Pati yung tenga n'ya pulang-pula. Hahaha. Lumayo s'ya sa 'kin tapos nag taas s'ya ng kamay na parang hinoldap.
"Okay! I lost!" Sabi n'ya habang nakatingin sa mata ko. Binigyan ko lang s'ya ng smile with dimples hahaha.
"WHOOOOOOOOOO! BROMANCE DUDE! BROMANCE!" Sabi nung isa naming classmate. Tumayo ako tapos nag-bow na parang sa mga ending ng mga theater play.
"Bagay kayo!" Sabi ni Naomi. "Siguro...may relasyon talaga kayo 'no?" usisa naman nung isa naming classmate na shipper din ata. Magsasalita na sana si Cyrus nang tinakpan ko yung bibig n'ya using my index finger tapos lumapit ako sa kanya yung para bang magkikiss na kami. Tapos tumingin ako sa kanila.
"We'll leave it all to you." With matching smile and wink. Kinuha ko na yung bag ko tapos hinatak ko na s'ya palabas para tumakas na sa mga kaklase naming kinikilig. Iniwan namin yung room na maingay dahil malamang siguro sa ginawa ko, I mean namin.
"Ikaw ha? Nag-iimprove ka na! Hahaha" Sabi ni Sai, short for Cyrus.
"Eh sira ka kasi eh. Wala akong tulog 'dre! Wala! Alam mo 'yun?" sabi ko na may kaunting drama.
"Bakit naman? Pero hindi naman halata sa'yo." Tumingin s'ya sa 'kin saglit then balik sa daan.
"Di ba yung sinabi ko yung trabaho ko sa'yo?" tanong ko. Open ako sa kanya. Bestfriend 'ko 'to eh. Actually, yung bromance na 'yun, matagal na nilang inaasar sa 'min. Lagi kasi kaming magkasama. Tapos sabi nila, bagay daw kami kasi lalaking-lalaki s'ya while mukha naman akong babae. Sabi nila ha? Pero I really don't care. hahaha. Hindi ko na lang pinapansin kasi alam ko naman sa sarili ko yung totoo.
"Ah! Oo, yung may allowance. Buti talaga kinuha ka n'un. Kaso kapag nahihirapan ka na, bitawan mo na. Kaya n'yo namang mabuhay kahit wala 'yun, di ba?" sabi n'ya
"Eh di ko naman s'ya ginagawa talaga para kumita. Nag-eenjoy kasi ako eh. Di ba sabi 'ko nga sa'yo, I want to write a novel, a book or whatever? Iniisip ko na lang din na stepping stone ko na para sa mga pangarap ko." sabi ko sa kanya.
Hindi na s'ya sumagot kasi alam n'yang wala na s'yang palag.
Kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung cellphone ko pero wala. Hinarap ko yung backpack ko tapos hinalungkat 'to para makita ko yung phone ko. 'Nung nakita ko na...
BLAG.
"Sorry." Sabi ko habang nakayuko. Umatras ako ng konti. Hindi naman masakit yung pagkakabangga pero medyo matigas nung nabangga ko ha? Nakakahiya lang kasi hindi ako nakatingin sa daan.
"Ba't kasi hindi ka nakatingin?" Sabi n'ya nang may pagkairita. Tumingin naman ako sa kanya. Nakakabadtrip kasi. Alam mo yun? Nag-sorry naman na ako ah? Pagtingin ko...
SH*T.
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (boyxboy)
Teen Fiction[Note: This is a boyxboy story. In other words, pagmamahalan ng mga taong nasa parehas na kasarian kaya mangyari lamang na lumayas na kung hindi malawak ang pag-iisip. Salamat]