Three

786 49 31
                                    

Chanyeol's POV

"Chanyeol! Ano ba! Sabi ng bitaw eh!" Pagmamaktol ng baby ko. Ayaw ko kasi siyang bitawan.

Nakahiga kami ngayon at yakap yakap ko siya.

"Chanyeol! Dali na kasi! Magluluto pa ako ng breakfast natin." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. "Channie~" Malambing niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

Alam ko na 'to. Kapag bumigay ako sa lambing niya ngayon may balak siya. It's either sasaktan niya ako physically o magmumura siya. Ang malala baka parehas pa.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. "Channie, bakit ang bango mo?" Sabi niya habang hinahalikan pa rin ang leeg ko.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari kay Sehun nitong mga nakaraang araw.

He's too gentle and too emotional and I know, it's fcking dangerous.

Gusto ko siyang ganito pero namimiss ko din kapag napipikon na siya.

"Baby ko, tinitigasan ako." Bulong ko dahil tuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko.

Bigla naman niya akong tinulak ng malakas kaya napahiwalay ako ng yakap sa kanya. Nilakdawan din niya ako kasi nasa may side ko ang pinto at lumabas na siya ng kwarto namin.

Mood swings.

Napabuntong hininga na lang ako't napaisip.

Ano ba talagang nangyayari sa kanya?

May problema kaya siya na ayaw niya lang sabihin sakin?

Ang hirap manghula. Tss.

-

"I don't get it!" Frustrated kong sabi kay Kyungsoo na kausap ko ngayon sa Skype.

"Can you please calm down! You're getting into my nerves!" Nakakatakot na sigaw naman ni Kyungsoo dahilan para mapatahimik ako. "Okay. Sabihin mo sakin ngayon ang napapansin mo kay Sehun."

Inisip ko ang mga bagay na dati namang hindi ginagawa ni Sehun at mga napapansin ko sa kanya.

"Physically. Tumataba na siya. Parang nagkakabilbil na siya. Tumataba na din ang mukha niya at nagkakalaman na ang braso niya." Sabi ko at nakikinig naman si Kyungsoo. "Ang hilig na din niyang kumain. Hindi lang basta basta! Kumakain siya ng Instant Noodles na may ketchup. Yung kape hahaluan niya ng toyo. Tapos yung bubble tea niya minsan nilalagyan niya ng asin kasi matamis daw yung bubble tea! Paano niya nakakain ang ganun?! Tapos gigisingin niya pa ako ng madaling araw at pabibilhin ng kung ano ano. At higit sa lahat! Ang tindi ng moodswings niya! Maglalambing siya tapos bigla na lang mananapak. Ang sakit kaya sa katawan. Pasalamat siya, asawa ko siya't mahal na mahal ko siya."

-

Sehun's POV

Narinig kong parang sumigaw si Chanyeol kaya pumunta agad ako sa kwarto namin pero nakita ko siyang kausap si Kyungsoo sa Skype.

"Okay. Sabihin mo sakin ngayon ang napapansin mo kay Sehun." Rinig kong sabi ni Kyungsoo. Nakita ko namang nag'isip sandali si Chanyeol bago magsalita.

"Physically. Tumataba na siya. Parang nagkakabilbil na siya. Tumataba na din ang mukha niya at nagkakalaman na ang braso niya." Sabi ni Chanyeol kaya napahawak ako sa tiyan ko at sa mukha ko.

✒️ |Ongoing| |BOOK III| ChanHun's Miracle [EXO ChanHun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon