Do's and Don'ts of a True Wattpad Reader

1.6K 47 16
                                    


DON'T Demand for update or a response

Guys, paulit-ulit kong sinasabi na hindi lang pagsusulat ang inaatupag ng mga authors. May social life din sila. May trabahong kailangan gawin para magkapera. May pamilya. Or just like most of you...nag-aaral din. Writing might only be a way for them to relieve stress, wag naman nating dagdagan ang stress nila. There are authors who can ignore your demands, but there are also those who can't handle the pressure. Lalo na kapag grabeng makademand. Guys... Baka di niyo alam kayo pa ang nagtutulak sa kanila para madepress, siyempre ayaw din natin 'yon. I mean, sure...nakakaurat ang paghihintay lalo na kung taon ang interval between chapters. Pero kung nauurat ka na, wag mo na lang munang basahin or simply move on to the next story in the meantime. Pwede namang mag-aral muna diba? The author knows na matagal na silang hindi nakakapag-update. Chances are, may sobrang tinding writer's block yan or simply...may other priorities na mas mabigat, mas matimbang, mas makakaapekto sa buhay nila bilang tao at di lang bilang manunulat.

The same goes with waiting for a response from your favorite authors. Yes, alam kong gusto niyong maka-interact sila at marami namang madaling kausap. Again, uulitin ko...be considerate. Baka walang net, sobrang busy, o kaya napunta sa junk messages sa FB. Wag kayong maghihimutok agad tapos sasabihing snob agad si author. Sabi nga ni Jon Snow... "You know nothing." Nabasa niyo yung 23:11 ni Rayne diba? Ganun lang din kayo... Message lang nang message hanggang sa makulitan si author sa inyo at pansinin ka hahaha. Charot... De, be polite always. It's basic guys.


NEVER Comment on a story about another story

Ouch guys. Masakit 'to for the author. Imagine niyo na lang kung yung Growl ng EXO yan, tapos magko-comment ka ng "ay naalala ko yung song ng BTS na Dope".. Pare... Foul yon! Imagine, gawa mo...tapos sa mismong comment section pa pag-uusapan ang story ng iba. Aray ko mga beh. It's disrespectful. If you are going to comment dun sa work ng author, don't mention other stories lalo na't di naman connected sa story, okay? Tapos kung may nabasa kayong comment na ganito, wag niyo nang gatungan ha? Let's leave it at that.


DON'T Create a fan page, Character FB, etc without the author's consent

Again, there's nothing wrong if you ask the author first. Pero kapag hindi pumayag, wag mo nang gawin. Yung iba kasi sa atin, makukulit talaga eh. Di na nga pumayag, gagawa pa rin. Mga bhe...may ibang authors na ayaw magpagawa ng fan page or character pages kasi para sa kanila, sila lang ang makakaintindi ng takbo ng utak ng characters nila. Siyempre, sila ang gumawa eh. Pero kung pumayag naman...lagi niyong idulog muna sa author kung may picture or dialogue kayong ipopost para masigurong hindi out-of-character. It is to give proper credit to the author. Again, respeto guys. Intellectual property din yung mga characters.


Don't force the authors to give you their real names, phone numbers, real FB accounts

Mga bhe, maraming mga authors ang nagtatago ng kanilang identity mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan. Kaya nga marami ang may dummy accounts kasi ayaw nilang magtagpo ang personal life and writing life nila. Please understand that. Kung binigay sa inyo, fine. But don't be makulit. Nakakausap niyo naman sa dummy account, bakit pa kailangang malaman ang RA? I-stalk niyo na lang hahahaha. De joke, seryoso... Respeto na lang sa privacy ng mga authors


NEVER make a softcopy especially without the author's consent!

Tapos ibebenta mo sa halagang limang piso. Aba naman pare, kapal naman ng panga mo. Yung author nga na di pa nakakapagpublish at di pa napagkakakitaan ang pinaghirapan niya, inunahan mo na. Buti sana kung binibigyan mo ng commission diba? Intellectual property yon eh, tas iba ang makikinabang? Oo, it might be your way to support the author by spreading his/her works at hindi mo naman binebenta...pero guys, there are proper channels. ASK FOR PERMISSION. Kung pumayag, edi go. Kung hindi, wag mo nang ipilit. Again, respeto naman guys. Ha?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon