Dahil nagkalat ang tags sa FB, dito ko nalang ipopost sa Watty ang sagot ko. Salamat kay Seveinnah na nagtag sa'kin, hehehe.
Paano nga ba ako magsulat?
1. Title and muse. For some reasons, kailangan kong magkaroon ng kahit working title lang bago ako magsimulang magsulat. Kahit pa kating-kati na ang kamay kong mag-type, hindi nabubuo ang kwento o update sa utak ko hangga't wala pa akong pamagat. For some weird reasons din, kailangan kong magkaroon muna ng muse kahit sa mga main characters lang. Di rin ako mapakali kapag wala akong naiimajing mukha ng aking mga tauhan. Tsaka dapat may kilala akong totoong tao na kaugali ng mga characters ko para sure akong in-touch with reality ang sinusulat ko. Para kung may 'di rin ako maisip na magiging reaction nung character, may pagtatanungan ako, hahahaha.
2. Plot and timeline. Araw-araw, may naiisip akong plot sa totoo lang. Pero most of the time, they are not worthy to morph into a full-blown story kaya nagiging chapter or minor scene lang sa isang kwento. Paano ako pumipili? Usually, yung tingin kong kakaiba, tapos hindi matanggal-tanggal sa diwa ko, yun ang pinagtutuunan ko. Ganun ang nangyari kay Charlie. Sabi ko nga, putok sa buho lang ang kwento niya. Sobrang napahalakhak lang talaga ako kaya tinuloy ko na. Sa timeline naman, kahit working timeline lang. Pero yung mga major scenes dapat naka-plot na. Although walang physical timeline sina Charlie at Mason, kabisado ko ang mga major events ng buhay nila. I just need to be flexible lalo na't may connected stories kaya pwedeng magsaksak ng mga eksena here and there. Sa SaiLem at Untold Secrets ko nagawa ito from beginning to end.
3. Daydreaming. Madalas ito at hindi ko rin napipigilan. Kahit nanood o kumakain, bigla nalang akong parang nate-teleport sa eksena ng kwentong kailangan kong i-update. Seryoso. Parang matatanga ako kahit 'pag naglalakad o kaya nasa bus, tapos makikita ko sa harapan ko kung ano ang nangyayari. Tapos ayon, makakapag-type na ako pag nakalibre. Parang sanib lang talaga ang nangyayari sa'kin.
4. Nakaupo. Madalang akong makatapos ng pang-update nang nakahiga dahil nakakatulog ako. Pag sumasayad kasi ang likod ko sa kama, nakaprogram na ang katawan kong magpahinga. Kaya ayoko ring nagta-type sa bahay dahil kama lang ang mauupuan sa unit namin.
5. Walang internet. Dahil 'pag meron, maraming distractions. Unless I'm working on a tight deadline tulad ng nangyari noong sinusulat ko ang Change of Plans at Chasing Winds and Waves.
6. Music. Naka-shuffle lagi ang playlist ko kapag nakikinig ng music. Kahit anong kanta pa 'yan. Basta kailangan kong may naririnig na music para lang makapag-meditate ako. Para rin hindi ako maistorbo. Sinasabihan ko nga si Diwata na kapag hindi ko siya nasasagot 'pag kinakausap niya ako, ibig sabihin, nakapasak ang earphones at nagsusulat ako. Pwera na lang kung steamy scene ang sinusulat ko tapos biglang Worship Song ang tutugtog... hihinto ako. Otherwise, tuloy ang buhay.
7. Coffee or milk tea. Mas tuloy-tuloy ang daloy ng thoughts ko kapag may iniinom akong hindi purong tubig. Kaya kung gusto niyo akong mag-update lagi, bilhan niyo ako lagi ng kape or milk tea, hahahahaha.
8. Backread ng previous chapter. Or more. Lalo na 'pag kagagaling lang sa writer's block. Para lang maibalik ang boses nung character. Minsan, pati 'yung recent update ng connected stories binabasa ko rin para walang ma-miss-out na details sa ita-type kong pang-update. Kung mapapansin niyo kasi, bihira akong mag-flashback sa mga kwento ko. Gusto ko kasi moving forward lang lagi. Nahihirapan kasi ako sa maya't-maya lumilingon. ALTHOUGH... may ipopost akong story soon na maraming flashbacks bilang writing style na gusto kong ma-master.
9. Research, draft, share and proofread. Bago ko i-post ang pang-update ko lalo na kapag may isang bagay akong hindi sigurado, magsasaliksik muna ako. O kaya magtatanong sa bihasa sa larangang iyon. 'Pag naayos ko na, ipapabasa ko sa ibang Power Ninjas lalo na kung apektado ang mga alaga nila sa sinusulat ko. Para lang makasiguro akong hindi conflicting ang mga ideas. 'Pag nabasa na nila at na-proofread na, ipu-proofread ko pa ulit 'yung draft saka ko ipo-post. 'Pag napost na, isa pang pasada ng proofreading. This also includes talking and listening to a lot of people.
10. Laging may author's notes, comments, PM. Kung mapapansin niyo rin, halos lahat ng updates ko, may otter's notes. It's my chance to express my own thoughts on the story dahil di ko nga pwedeng haluan ng sarili kong thoughts kapag si character dapat ang nag-iisip. I also use the A/N for announcements, and to strike a conversation with my readers na sinasagot ang mga tanong ko sa comments section, ahaha. I also make it a point to reply to most (if not all) comments. Tuwang tuwa kasi akong nakakabasa ng mga hinuha at reactions ng mga readers sa isang chapter kaya nakikipag-usap din ako via comment. Mas nasasagot ko pala agad yung mga nagme-message sakin kasi konti lang sila ahahaha. Basta, my readers are very important to me kaya I make sure to get in touch with them. Paraan ko yun para magpasalamat hehehe.
So... ayun lang naman ang mga (weird) habits ko sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
Writing Tips
De TodoA collation of useful tips that I learned not only from fellow Wattpad writers but also based on my personal experiences. It might be useful to you too ^_^