Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ng Déjà vu, may nagtanong sakin neto kaya naman napaisip ako. Pa'no nga ba ako sumusulat ng mga kwento? San nga ba nanggagaling ang mga ideyang pumapasok sa matabang utak ko? Lels
Eto yung mga ginagawa ko, ewan ko lang kung ganito rin ang ginagawa nyo :)
NOTE: Kung wala talagang mapiga sa utak, 'wag pilitin. Hindi mo lang din magugustuhan ang masusulat. Pero kung gusto mo talaga at ayaw magpapigil o ayaw alikabukin ang utak na kinakalawang, eto (in no particular order):
1) Magbasa. Sa mga nakabasa nung unang part ng tips ko, na-stress ko naman 'to diba? Nakakatulong ang pagbabasa sa pagbuo ng istorya. Hindi ko sinabing manggaya ng plot ng iba. Ibig ko lang sabihin, humugot ng inspirasyon mula sa iba. Ayoko nang i-elaborate ito. Basahin nyo nalang ulit yung first part hahahah.
2) Humanap ng muse! Gustong-gusto ko 'to, hahahaha. 'Muse' kasi ang tawag ko sa mga celebrities na pinipili ko para gumanap sa mga tauhan ng kwento ko. 'Pag nabablanko kasi ako, titingin lang ako ng pictures nila, tapos kikiligin, tapos.. ayun na, the ideas will come rushing into my head.
3) Magliwaliw. Ang alam ko, sinabi ko na rin 'to sa unang part. Basta, gumawa ng mga bagay na walang kinalaman sa pagsusulat. Pampawala na rin ng pressure. Maraming inspiration na makukuha sa pagliliwaliw :)
4) Umisip ng title and/or gumawa/magpagawa ng book cover!!! Kung minsan, may pumapasok nalang na nakakatuwang title sa utak ko. Tapos, biglang makakaisip na lang ako ng plot, ahahaha. At, sa sobrang ka-oc-oc-an ng inyong lingkod, HINDI AKO NAKAKAPAGSULAT nang walang book cover! Hahahahah. Seryoso. Kelangang mauna ang pamagat, ang book cover tsaka mga muse bago ako nakakapagsulat ng chapter, ufufufu. Ako lang 'to ha, wag nyo kong gayahin. Kanya-kanyang trippings lang yan.
5) Makipag-usap sa kapwa writer. For sure naman, marami kang makikilalang/nakilalang writers dito sa Wattpad. PM mo lang sila, o kaya i-chat mo. Marami kang matututunan sa kanila. Malay mo, sila pang magbigay ng idea sa'yo diba? Hehe. Hindi naman sila siguro madamot dahil may sinusulat din silang mga kwento. Generous naman siguro silang tumulong sa mga kapwa-manunulat :) Try nyo lang naman silang tanungin. There's no harm in trying naman. O kaya, makipag-collaborate sa ibang writers. Masaya yan! Pramis!! Hahahaha. Matrabaho, pero masaya hahaha.
6) Umisip ng plot at ng POV na gagamitin. Nakakatulong ang pag-alam kung anong POV na gagamitin sa pagsusulat. Kung minsan yun ang dahilan kung bakit nagsisimulang 'magsalita' ang mga charcters sa utak. Pero kung wala pang plot, paktay tayo dyan. Anong kwento naman ang isusulat kung walang plot diba? Anong gagawin 'pag wala pa? Pls. refer to numbers 1-5.
Pa'no kung may nag-request ng story?? Ayun nga.. yang mga nasa taas ang tips ko.. hehe. Pero seriously... Eto ang masasabi ko:
Write for yourself... NOT for others...
Write what's in your heart and mind.. not because someone just asked you to do so.
Soon, people will love what you've created because they will know you did it to express yourself...
Remind yourself na hindi tayo dapat nagp-please ng tao.
Do things because you want to, 'kay?
Mahirap magplease ng ibang tao eh. Pramis. Nagawa ko na yan hahahaha. Nakaka-pressure kaya, diba? Lalo kang mabblanko.
Ayun laaangs, sana nakatulong aketch.. ahahaha :D
BINABASA MO ANG
Writing Tips
SonstigesA collation of useful tips that I learned not only from fellow Wattpad writers but also based on my personal experiences. It might be useful to you too ^_^
