Warning: This might be a little harsh to many. If you are weak of heart... I highly advice that you DON'T READ the rest.
Isa ito sa mga gasgas na statements na nababasa ko sa mga stories dito sa Wattpad. Hindi ko alam kung maaawa ako dahil baguhan nga o maiinis dahil halatang ayaw makarinig ng harsh critiques tungkol sa gawa nila.
NEWS FLASH: Lahat po tayo nagsimula sa wala, zero, nada, nil. Walang ipinanganak na magaling na.
Naniniwala akong hindi dapat gawing dahilan ang pagiging baguhan sa pagiging crappy (sorry for the term) ng mga kwentong ipinost. Kung alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo yan, pinaghandaan at pinag-aralang mabuti, hindi yan lalabas na crappy. At mas lalong hindi mo kailangan ng disclaimer.
Dalawa lang kasi ang klase ng mga writers dito sa wattpad.
1) SERIOUS. Mga manunulat na sa mga akda pa lang, makikita nang passion nila ang pagsusulat dahil kung hindi man pormal ang writing style, hindi rin bara-bara kung magpost ng updates. Bawat chapter ay makabuluhan, yung kapag tinanggal mo ang isang chapter, mawawalan ng saysay ang storya. May mga mali rin sila (typo error, wrong grammar, wrong spelling, inconsistencies) pero they try hard to minimize and correct them.
Kabilang na rin dito yung mga bagong writers na sa simula nung story, alam nang bago lang. Pero guess what, nag-i-improve sila as the story goes. Nagkaka-direction yung plot, nababawasan yung mga incorrect spelling, wrong tenses, etc. Nababawasan na rin yung mga characters na sa sobrang dami dati ay di mo na ma-differentiate ang ugali ng isa't isa. In short, nawawala yung mga ibang tauhan na pampagulo lang at kahit tanggalin ay walang impact sa storya.
The major characteristic of a serious author is that he/she wants to IMPROVE because they know that there will always be room for improvement.
2) NAKI-USO LANG. Again, sorry for the term. Pero ganyan kasi ang napapansin ko sa karamihan. Dahil marami nang nagwa-wattpad, marami ring naghahangad na mapansin ang kanilang akda kaya go lang ng go ang peg nila. Masabi lang na may naisulat sa watty, basta may naisulat... Publish agad yan. Hindi na pino-proofread. Sa katunayan, kahit hindi pa buo ang plot, ipo-post parin kasi eksaytment eh. Madalas, sila rin yung sobrang daming sinisimulan na story na everytime yatang may naiisip yatang magandang plot... Gawa agad ng chapter tapos post din agad. At sa sobrang dami na nilang on-going stories, magkakapareho na yung main plot... In the end, buburahin din isa-isa dahil hindi na mapanindigan. Tadtad din sila ng emoticons, bogsh, plak, woosh, at napakahabang ahahahahahahahahahahahah. At ganito rin ang technique nila... Para mapansin ang stories, gagamit ng pinakasikat na artista/loveteam/kpop/etc.
At oo, sila ang mahilig gumamit ng linyang nasa taas... "Sorry, pangit ang story kasi baguhan lang."
Eh kung alam naman na palang pangit, bakit pa ipo-post? Don't tell me you're just being humble kaya ayaw mong mag-assume at ipagsabing maganda ang sinulat mo. It's just an alibi so that when you come across an intelligent reader, or worse, a good critique, they WILL GO EASY ON YOU. Kung inayos na yan bago pa pinost, bakit matatakot sa mga harsh critiques?
Critiques are there to help you improve and not to put you under the spotligt of shame! Kung ayaw mo sa critiques, ibig sabihin, ayaw mo ring mag-improve. Puro pagsikat lang ang nasa isip. Pano kung sumikat nga tapos narealize ng madla na wala palang depth ang pagsusulat, edi mas masakit yun dahil mas katakot-takot na panunuya ang matatanggap?
Hindi ba mas magandang sa simula pa lang, sinalansan na lahat, pinaghandaan, pinag-isipang mabuting kwentong isusulat para along the way, naayos lalo?

BINABASA MO ANG
Writing Tips
RandomA collation of useful tips that I learned not only from fellow Wattpad writers but also based on my personal experiences. It might be useful to you too ^_^