How to Handle Demanding Readers, Harsh Critiques and Haters

3.5K 114 45
                                    

Naisipan ko lang gawan ng opinyon ko ang paksang nasa itaas ng pahinang ito dahil nagsulputan ang mga pagpuna hindi lamang sa mga likha ng mga may-akda kundi sa katauhan na rin ng mga sumulat ng mga kilalang ‘libro’ dito sa Wattpad.

Ayokong magmagaling sapagkat hindi pa naman ako nagkakaroon ng super demanding reader, harsh critique at mas lalo na ang haters. Ipagpapalagay ko na lang na kung sakaling mangyari man sa’kin o sa mga kakilala kong manunulat dito, ganito ang payo ko…

*Demanding Readers

Unang-una, magpasalamat sa lahat ng bumabasa ng sinulat mo, demanding reader man yan o hindi. Siyempre, naglaan sila ng oras para tignan kung anong laman nung sinulat mo kaya nararapat lang na pasalamatan sila.

Ikalawa, basahin ‘yung mga demands nila saka ngingiti at… gawin ang gusto mong gawin.

In short, bahala silang mag-demand. Kung talagang nagandahan sila dun sa kwento, kahit gaano katagal mo pang i-post ‘yung susunod na chapter, babalikan naman nila. Kung magalit sila sa sobrang bagal ng UD, edi ayos lang. Hindi ka naman siguro nagsusulat para lang paunlakan ang demands nila.

As for me, nagsusulat ako dahil gusto kong ibahagi lahat ng tumatakbo sa utak ko dahil kung di ko ginawa ‘yun, baka mabaliw na ako nang tuluyan. Hindi ako reader pleaser. I write because it’s my passion and because it’s pleasurable for me not because I don’t want to lose a reader. Kung ititigil naman nila ang pagbabasa, hindi naman kawalan ‘yon dahil marami pa namang ibang magtityagang basahin ‘yon. Kawalan sa kanila ‘yon dahil hindi nila malalaman kung anong magiging takbo ng storya diba?

Kung magpapadala ako sa mga demands nila, edi na-stress lang ako lalo. Pagsusulat na nga lang ang pantanggal ko ng stress, tapos magiging stressful pa diba? Grabe na nga ang pressure sa trabaho pa lang, pati ba naman sa hobby? Ayokong dumating sa point na magsawa akong magsulat dahil hindi na siya source of relaxation.

*Harsh critiques

Kahit gaano pa kaganda ‘yung sinulat mo, meron at merong makakakita ng butas dyan. Meron at merong magsasabing pangit ‘yung gawa mo. So, ano ang gagawin mo ‘pag nakatanggap ka nun? Iiyak? Magmumukmok? Ide-delete ‘yung story o kaya aalis ng wattpad?

Childish ‘yon and very amateur.

Ang advice ko: Close your eyes. Calm your nerves. Count from one to ten until your emotions subside. Then, reflect on the critique.

Lahat naman tayo gustong makakuha ng praises sa isang bagay na pinaghirapan natin. But that’s all to blow up our egos.

Para sa’kin, mas nakakatulong ang critiques—harsh man yan o hindi. These types of comments help you improve your skills.

Alam kong sa una, tatamaan ang pride, masasaktan, malulungkot kapag nakakatanggap ng critique. Normal lang ‘yun. Pero ‘wag ka munang maging defensive. Basahin mo ulit ‘yung critique at isipin mo kung may point nga ba o nanto-troll lang. Tandaan na post lang ‘yon. Parang text message lang. Hindi mo alam kung ano ‘yung emosyon ‘nung nagpadala o kaya nag-post. Madalas, FEELING lang natin na PARANG offensive dahil subjective ang pag-interpret natin dun sa message.

Try to approach the critique in a positive light. Tanggalin ‘yung pagiging emosyonal dahil irrational ‘yun madalas. We become defensive when we let our emotions take over our conscious minds. And most of the time, it clouds our higher reasoning.

Bakit hindi nalang maging open-minded diba? Baka nga naman tama ‘yung mga sinabi nung nag-criticize. Always have a learning attitude. Otherwise, you won’t grow. You’ll just become stagnant. Kawawa ka lang.

*Haters

Ewan ko ha, pero parang sa Wattpad, Pilipino lang yata ang nagpo-post ng ‘ayaw ko si author na ganito kasi ganito ganyan’. Seryoso. NAKAKALUNGKOT.

Kailangan talaga maghilahan pababa? Nakakaawa ‘yung mga ganung tao dahil pinapairal nila ‘yung crab mentality kesa sa bayanihan attitude ng mga Pinoy.

Kadalasan, mga sikat na writers ang paksa ng mga posts na ganito. Kung minsan, below the belt pa kung makapanlait. Wala na sa lugar dahil pati pagkatao nung author, nilalait na.

Well, to each is his own opinion nga naman.

At oo, malamang masaklap nga yon kung mabasa nung pinapatamaang author na kadalasan, naka-tag pa talaga.

Pero just in case na ‘yung mga babasa nito, dumating sa rurok ng tagumpay dito sa Watty at magkaroon din ng haters, WAG NIYONG HAYAANG MAAPEKTUHAN KAYO NG MGA PINAGSUSUSULAT NILA.

Hindi nila kayo kilala. Kung meron mang nakakaalam ng totoo, sarili nyo ‘yon.

‘Wag niyo na ring patulan. Opinyon lang nila ‘yon. Kung tinamaan man kayo, saka kayo mamroblema.

Tandaan na there are always two sides of the coin. May hahanga sa’yong readers, meron ding hindi. Normal ‘yon. Si Jesus nga na andaming kabutihang nagawa sa sangkatauhan, meron pa ring haters, tayo pa kaya na mortal lang diba?

Yes, knowing that there are people who hate you can be very depressing at first. But don’t let them keep you down forever. Use the experience to propel yourself to greater heights. Ipakitang kahit ayaw ka nila, kaya mo pa ring magtagumpay. They don’t shape your destiny.

YOU WRITE YOUR OWN DESTINY.

Para sa inyong may haters na nagkalat magandang feel good song ito:

‘…go on try to tear me down… I will be rising from the ground… like a skyscraper…’

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon