Prologue

107 1 1
                                    

Kasalukuyan na naglalakad-lakad ako sa may soccer field habang hinahantay si Reese.Napag-usapan namin na dito magkita dahil may papakita daw siya sa akin.Tumingin naman ako sa aking relo upang tignan kung anong oras na.Unang pasukan ngayon ngunit marami nang mga taong nakatambay doon.Tumingin pa ko sa paligid at may ilang mga kalalakihan doon na naglalaro.

"Aliyah"Lumingon naman ako para tignan kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Reese na tumatakbo papalapit sa akin.Matagal na kaming magkakilala ni Reese matangkad ito,may kaputian at may ibubuga pagdating sa klase.

"Ano bang ipapakita mo"baling na tanong ko sa kanya.Nakita ko naman na may tinuro siya.Pinaningkitan ko naman ito ng tingin dahil hindi ko ito masyado makita.

"Asan ba diyan?"Tinuro niya ulit at nakita ko na kung sino ang tinutukoy niya.Nakasuot ito ng pulang damit,may katangkaran at may pagkamestiso.Bumaling naman ako sa katabi ko na nakangiti at namumulang nakatingin doon sa lalaki.

"Yan si Keith Castillo, isa sa mga football player dito"namumulang saad niya sa akin.Pinaningkitan ko naman siya at mukhang nahalata naman niya yun.

"Bakit ganyan ka makatingin?"namumula pa rin niyang tanong sa akin.Ngumiti naman ako sa kanya"Crush mo no?"at mas lalong lumawak ang ngiti ko.Tumango naman siya sa akin bilang sagot.

"Sus,Ang harot tara na nga"umalis na kami doon.

Pagkapasok namin sa unang klase ay may kaunting mga nag-uusap halos magkakakilala na kasi ang lahat dito.Dumating na ang adviser namin at nagsagawa ng seat plan para sa lahat.Hindi kami magkatabi ni Reese napwesto siya bandang likuran at kung hindi ako nagkakamali ay katabi niya si Mico.Ako naman ay napwesto sa bandang gitna katabi si Ethan.Popular ito sa school lalo na't may itsura naman ito at magaling pagdating sa soccer.

Nabaling ang tingin nito sa akin at ngumiti.Kiming ngumiti naman ako dito bilang sagot.Hindi kami close at hindi ko rin alam kung kilala ba ako nito.Hindi kami masyado nag-uusap maliban na lang kung kailangang-kailangan talaga.Hanggang lumipas ang isang linggo ganun lang palagi ang eksena sa aming dalawa.

Naglalakad-lakad kami ni Reese sa school tapos na ang klase ngunit napagpasyahan muna namin na maglibot libot rito.Hindi pa naman ako hahanapin sa amin dahil nakapagpaalam ako kanina.Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng makarinig kami ng hiyawan mula sa soccer field.Bigla naman nagtatalon tong katabi ko.

"OMG! Nakalimutan ko na may laban nga pala sila Keith ngayon"naghehesterikal na sambit niya.Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa soccer field at iniwan ako mag-isa.Napakamot naman ako sa ulo ko at walang nagawa kundi sundan si Reese.

Pagkapunta ko doon ay sobrang lakas ng hiyawan animo na mayroon na artista doon na pinagkakaguluhan nila.Hinanap ko naman yung magaling kong kaibigan na iniwan ako mag-isa.Nakita ko naman siya doon na nagtatatalon at nakikisigaw nakikisigaw na rin.Lumapit naman ako sa kanya at ngumuso ako sa tabi niya.Mukhang di pa niya ko dahil tuloy parin ang paghiyaw niya doon.

"Uy,andiyan ka pala"natatawang sambit niya sa akin.Pinaningkitan ko siya ng mata "Iniwan mo ko"nakangusong sabi ko.

Humalakhak naman siya "Sorry na,nakalimutan ko kasi na laban nila keith eh"Tinignan ko naman ang dalawang team na naglalaban doon Red lion at White Warriors.

"Kabilang si keith sa White Warriors"sabay turo niya dito.Tinignan ko naman ito."Ang gwapo"bulong niya na pa na narinig ko naman.

Hindi ko na lang pinansin iyon at itinuon ko ang sarili ko sa panonood ng makita ko si Ethan.Kabilang rin siya sa White Warriors.Tumatakbo habang sinisipa ang bola.Magaling siya at hindi ko maitatanggi yun.Pawis na pawis na siya ngunit parang nakadagdag yun sa kagwapuhan niya.

Hala, bakit ko naman iniisip yun?

Umiling iling ako para mawala ang aking iniisip at itinuon na lang ang sarili sa panonood.Nakita kong naipasok ni Ethan sa goal ang bola at biglang naghiyawan ang lahat.Sobrang popular talaga nito lalo na sa mga babae.Nakita kong nakipag-apir sa kanya ang mga team mates niya.

Natapos ang laban at nanalo ang White Warriors sa puntos na 3-1.Maraming mga babae na naglapitan sa kanila.Hinatak naman ako nitong si Reese papalapit din don.

Tatanggi sana ako ngunit nahatak na niya ko doon.Halos magtulakan ang mga babae don na tila nakawala sa hawla sa gulo nila.Hinanap naman ng mata ko si Reese na nawala na naman.

San na naman napunta yung babaeng yun?

Umalis ako doon at itetext ko na lang yun.Habang naglalakad ako may narinig akong tumawag sa pangalan ko.Binalingan ko naman at nakita ko si Nate na tumatakbo palapit sa akin.Kaklase namin siya ni Reese.

"Aliyah,pwede humingi ng favor?"nakangiting tanong niya.

"Ano yun?"tanong ko.Tinigil ko muna ang pagtetext ko Kay Reese.May inabot naman siyang libro sa akin."Pakibigay naman yan kay Ethan may importante kasi akong dadaanan eh"Kay Ethan?

"Di naman kami close nun"saad ko.

"Sus di daw,sige na alis na ko bye Aliyah salamat"kumakaway na tumakbo siya paalis.Bumuntong hininga naman ako.

Naglakad ako papuntang locker room nila baka sakaling makita ko siya doon.Kumatok muna ako ngunit walang sumagot.Dahan-dahan kong binuksan yung pinto.Nagtanong naman ako kung may tao sa loob. Parang wala namang tao doon at lalabas na sa ako doon ng may biglang humatak sa akin at isinandal ako sa pinto.

Impit akong napasigaw.

Tinignan ko kung sino ang humatak sa akin.Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Ethan ang humatak sa akin.

Seryoso itong nakatingin sa akin habang nasa magkabilang gilid ko ang kamay niya.Bigla naman akong namula ng napansin ko na topless pala siya.

"You're blushing baby..."

Did you enjoyed this chapter? Please show us your support by clicking the Vote button on the left side of your screen.You can also comment! Thank you and have a nice day!

©MaiaStories

Can't You Just Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon