Pagkapasok ko sa bahay namin bumungad sa akin si kuya Leo.Isa rin siya sa barkada nila kuya.
"Kotse ni Ethan yun ha? Bat hinatid ka niya?"biglang tanong niya sa akin.Napatingin naman ako sa kanya"Ah may pair work lang kaming ginawa kuya"saad ko.
Nakita ko naman ang magaling kong kapatid na si Ashton habang naglalaro lang sa computer at walang pakialam na nakauwi na ko.
"Iyah"tawag ulit ni Kuya Leo sa akin."Kuya?"tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko yung sapatos ko.
"Iwasan mo si Ethan,sa barkada si Ethan ang pinakamasayahin pero masikretong tao yun and he's a playboy"
"And you're not?"taas kilay kong tanong.Napatawa naman siya doon.
"Well hindi, kasi loyal ako sa kanya"seryosong saad nito sa akin.Napakibit balikat na lang ako at pumunta sa kwarto.Habang nanonood ako ng movie sa kwarto ay may biglang kumatok tumayo naman ako at binuksan ang pinto.Nakita ko si Mama na nakatayo doon at ayos na ayos.
"O Ma,bat bihis na bihis kayo?"tanong ko kay mama."Anak punta muna ako sa New York ha? May balak kasi magtayo ng bagong business papa mo don."
"O,sige po" sabi ko na lang."O,sige ikaw na muna bahala dito sa bahay ha?"aniya."Ma,hanggang kailan po kayo don?"tanong ko.
"3-5 months I think"Nanlaki naman ang mata ko dahil doon."Ma,antagal naman?"natawa naman si mama sa akin.
"Alam mo kasi anak tumatanda na rin kami kailangan nagsasama rin kami ng papa mo."napabuntong hininga naman ako don.Tumawa ulit si mama at hinalikan ang pisngi ko.
"O,sige na alis na ko kumuha ako ng 3 katulong para naman may makakatulong ka dito sa bahay"sabi niya at tinignan ang mga maleta niya.Binuhat naman ni kuya Alex at Ashton ang mga yon.
"Oy te tumulong ka nga"sabi ni Ashton.Inirapan ko naman to.
"Wow gentleman mo ha"sarcastic na sabi ko sa kanya."Aba,syempre di ka naman chix"narindi naman ang tenga ko sa sinabi niya.Lumapit ako sa kanya para kutusan pero bigla itong tumakbo.Natawa naman si mama dahil doon.
Pinagdrive kami ni kuya Axel papuntang school.Kasabay ko tong si Ashton na tulog na tulog dito sa tabi ko.At etong mokong na to nakasandal pa sa balikat ko."Ashton,gising na uy"pang gigising ko sa kanya.Dumilat naman siya at umayos ng upo.
Nakita ko naman na naglalakad si Ma'am Celine papunta sa akin.Siya ang prof namin sa music class.Ngumiti naman ito sa akin ng nagkalapit na kami.
"I just want to remind you and Ethan na sa friday na gaganapin yung kanta ha?May napili na ba kayo ni Ethan?"saad nito.Ngumiti naman ako at tumango bilang sagot dito.
Ngumiti rin naman ito"Narinig ko na magaling ka daw kumanta good luck sa performance"ngiti nito sabay kindat sa akin.
"Salamat po" pagpapasalamat ko dito.
Pagkatapos ng klase umuwi muna ako sa bahay sandali at dumiretso na rin sa restaurant namin para tignan ang nangyayari doon.
Habang abala akong nag aayos doon hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdating ng lalaking kinaiinisan ko.Sino pa ba? Alam kong alam niyo kung sino yan.
Lumapit naman ito sa akin at biglang umakbay.Tinanggal ko naman kaagad ang kamay niya at tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito huh?"mataray na tanong ko dito.
"Ano pa ba?Edi binibisita ka babe"lalo naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Di ako baboy"sambit ko sa kanya."Antaba mo nga eh"pang aasar niya.Nanliit naman mata ko dahil doon.
BINABASA MO ANG
Can't You Just Say You Love Me
RomanceNakangiti ako habang nakahiga dito sa kama habang inaalala ko yung mga masasayang nangyari sa amin ni Ethan. Ganito pala yung feeling ng in love no? Yung mapapangiti ka na lang bigla kahit mukha ka nang tanga. Habang iniisip ko yung mga nangyari sa...