Chapter 1

89 1 0
                                    

"You're blushing baby..."bulong niya.Naramdaman ko yung init ng hininga niyang dumampi sa aking pisngi. Seryoso parin siyang nakatingin sa aking mga mata.

Napakaganda ng kanyang mga mata kulay abo ito at mistulang nahihipnotismo ako.

Bigla akong bumalik sa realidad ng bigla siyang humalakhak at mas lalo ata akong namula ng dahil doon.Tawa pa rin siya ng tawa hawak hawak pa yung tiyan.Hinampas ko sa kanya yung libro na pinabibigay ni Nate at akmang aalis na ng hatakin na naman ako nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay sa ginawa niyang yon.

"Ano na naman?"mataray na tanong ko sa kanya. Nakita ko na naman yung topless niyang katawan kaya napatalikod ako bigla.

Humalakhak na naman siya dahil sa inasal ko."O,bat ayaw mo humarap?"nanunuyang tanong niya."Tigilan mo ko Ethan"naiinis na saad ko.

"Harap na"aniya at ng haharap na ko"Huwag muna pala"

"Ethan!"inis na sigaw ko sa kanya.Humalakhak na naman siya.Bakit ba siya tawa ng tawa?

Napatalon ako ng bigla ako nitong yakapin mula sa likod at kaya naman agad ko siyang tinulak."Ethan,ano ba!"inis na sigaw ko.

Binuksan ko yung pinto at may bumungad na lalaki doon mukhang nagulat pa ito sa  pagkakita sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at tuloy tuloy na umalis doon.

Nakatanggap ako ng text galing kay Reese na umalis na daw siya.Napabuntong hininga na lang ako at umalis na pauwi.

Dahan-dahan ko minulat ang aking mata mula sa pagkakatulog.Sabado ngayon,kailangan ko pumunta sa restaurant namin at tumulong doon.

Sa pagkaka-alam ko ay may gaganapin na event doon mamaya mukhang bigating tao.Pumasok ako sa banyo upang makapaligo na.

Pagdating ko doon ay binati ako ng mga ilang nagtatrabaho doon.Nakita ko naman si Mama na abalang-abala  sa pag aayos.

"Ma"bati ko rito.Maganda ang pagkaka-ayos rito.Halatang pinaghandaan talaga lalo na ang mga materyales na ginamit dito.Nabaling naman ang tingin sa akin ni mama"Andiyan ka na pala anak tulungan mo nga muna ang ilang kusinera natin doon"aniya.

Sinunod ko naman siya at pumunta na sa kusina.

Nang sumapit ang alasyete ng gabi ay marami na ang nagdatingang mga tao.Napakagara ng mga damit nito halos lahat ng bisita dito ay may mga sinabi sa buhay.

Napag-alaman ko na na isang birthday party pala ang gaganapin.Pumasok ako sa kusina para icheck ang mga pagkain kung nakahanda na ba lahat.Narinig ko na nagsimula na ang party kaya lumabas ako para tignan ito ang nangyayari dito.

Habang naglalakad ako ay bigla akong nabunggo ng isang bisita doon."Sorry"sabay naming paumanhin.Tumingin naman ako sa nakabungguan ko at biglang nanlaki ang mata ko.

'Anong ginagawa nito dito?'inis na tanong ko nang malaman kong si Ethan ang nakabungguan ko.

"Woah,is this how you treat your guest?"nakangising tanong niya.

"Hindi ka bisita dito,bwisita ka"prangkang sagot ko.Tumaas naman ang kilay nito na tila ba nagustuhan ang inasal ko.

"Wow,Fierce I like that"kumindat pa ito sa akin.Tinaasan ko rin siya ng kilay "May sakit ka mata?"

Humalakhak naman siya "Wala siyempre,kung meron edi dapat hindi ka napatulala dito nung isang araw?"nanunuyang sabi niya.

Can't You Just Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon