Chapter 4

14 1 0
                                    

Friday ngayon,At mamaya na rin gaganapin yung project namin para sa music.1:40 na at 2:00 naman mag uumpisa yung music class namin.

At eto ako dito sa canteen at kumakain pero kinakabahan pa rin siyempre!

"Kalma lang te.Alam kong kering keri mo yan!"saad ni Reese na nakaupo dito sa tabi ko at siyempre kumakain rin.

Wala silang prof ngayon absent kaya naman makakanood siya mamaya sa akin.

Hindi ko nga alam kung nasaan na si Ethan kanina pa namin hinahanap.Hay,asan na ba yun?

Ilang oras ang nakalipas ay nag-umpisa na music class namin.

Umupo kami sa inilaan na upuan para sa amin.Si Reese naman ay nasa likod. Pwede naman makinood ang ibang estudyante sa amin.At eto ako at nag-iisa lang sa upuan at walang katabi wala pa kasi Ethan hay ano ba yan.

Pinabunot kami ni Ma'am Celine kung pang ilan kami magpeperform at mukhang minalas pa ata ako dahil pangalawa kami sa magpeperform.

Waaaah anong gagawin ko? Wala pa rin si Ethan.

"Girl"nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin mula sa likod.

"Uy! Mico hi!"bati ko dito.

Napasimangot naman siya.May mali ba sa sinabi ko?

"Mica girl!"nagulat naman yung mata ko sa sinabi niya.Ah okay.

"Ay,hehe sorry Mica" at napakamot sa ulo.

Napangiti naman siya.

"Wala pa si papa Ethan?"tanong nito.

Tumango naman ako "Oo nga e,tapos kami pa yung pangalawang magpeperform mas lalo tuloy akong kinakabahan"saad ko sa kanya.

"Naku,kering keri mo yan"sabi niya sabay lipat sa tabi ko.

"Dito muna ako kasura katabi ko di nagsasalita malapit na Kong mabaliw don hay!"sabi niya sabay hawi sa buhok niya at pinaypay ang isang kamay.

"So,magaling ka palang kumanta?"tanong ko dito.

"Ah yes girl! Sumasali ako sa mga gig minsan.Wala eh kailangan ko rin kumita ng pera para matulungan si mudra."saad niya.

Nag-usap lang kami doon.Nalaman ko na marami pala siyang pinag-aaral na kapatid at ang pagkanta niya ang pinagkukuhanan nila ng pangtustos sa pang araw araw nila na pamumuhay .

Nalaman ko rin na iniwan sila ng tatay niya noong trese anyos pa lamang siya dahil hindi nito matanggap ang pagkatao niya.Hay!

Hindi ko napansin na nagpapalakpakan na yung mga tao at nakita kong bumababa na yung performer.Ibigsabihin ako na ang susunod.Pero waaah bat wala pa rin si Ethan.

Umakyat na ko sa stage.

"Wooooh!Go Aliyah!Woooh best friend ko yan!"sigaw ni Reese. Nasa bandang likuran na yan ha pero rinig na rinig dito.Andami naman nagtawanan dahil doon.

Lumapit naman ako sa mic.

"Uhm,wala pa po yung kapartner ko pero kami talaga yung pangalawa na magpeperform and to be fair sa lahat gagawin ko to at sana makaya ko."sabi ko.

Tumugtog na.At sa sobrang kaba ko di ko nakanta yung intro.

Sumenyas naman ako don sa nagooperate ng music.

"Kuya,pwede take two?"sabi ko.Natawa naman yung mga tao pati si kuyang nag ooperate ng music at nagthumbs up.

Nagsimula na ulit tumugtog.

Huminga muna ako ng malalim at nag-umpisang kumanta.

Every night in my dreams
I see you, I feel you,
That is how I know you go on

Can't You Just Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon