Chapter 6

11 0 0
                                    

"Ang totoo may gusto akong aminin sayo..."

"Bading ako..."saad niya.

Napa face palm naman ako ng dahil doon.

"Haha.Joke ba yan? Sorry hindi benta sa akin try mo sa iba"saad ko at tumalikod na paalis.

Agad agad naman siyang pumunta sa harapan ko.

"Uy,San ka pupunta joke lang yun"nakangiting saad niya.Napatalon ako ng wala sa oras ng bigla ako nitong tusukin ng daliri sa tagiliran.

"Ano ba?"naiinis na saad ko sa kanya.

"Hindi ka ba natakot?"saad niya.

"Hindi"saad ko at umiling.

"Weh? Di nga? Sus,alam ko naman na natakot ka kasi kung bading ako di na tayo magkakatuluyan"mahangin na saad niya.

"Alam mo bawas bawasan mo nga yung kahanginan mo baka liparin ka na"saad ko dito.

"Nagsasabi lang ako ng totoo,sus"saad niya.

"Tara"saad niya.

Hinatak niya ko papasok doon.Bumati sa kanya ang mga ilang nagtatrabaho doon sa kanya.

"Huwag mo sabihing sa inyo rin to?"saad ko.

Nagkibit balikat siya "Well"

"O,edi ikaw na mayaman"saad ko.

"Ikaw rin kaya.Yung kuya mo nga meron nang kompanya eh"saad niya na nagpailing sa akin.

"Hindi ako mayaman.Sila yung mayaman"saad ko.Nagtaas naman siya ng kilay.

"Pa humble"saad niya.

"Aba,di naman ako kasing hangin ng iba diyan"saad ko at pinaringgan siya.

"Sus sabi ko nga nagsasabi lang ako ng totoo"saad niya.

Hindi ko na lamang siya pinansin.

"Ano gagawin natin dito?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam"

Naningkit naman yung mga mata ko dahil doon.

"Hinatak mo ko papunta dito para gawin yung hindi mo alam.Aba kakaibang trip yan ha!"

"Siyempre ako pa!"saad niya.

"Isa Ethan!"singhal ko sa kanya.

Tumawa naman siya.

"Tara kain muna tayo.San mo gusto kumain?"tanong niya.

"Jollibee"mabilis na saad ko.

"Jolli-what?"tanong niya

"Jollibee"sagot ko.

"Huh? Ano yun?"nagtatakang saad niya.

"Di ka pa nakakain dun? Ang lungkot ng childhood mo pre.Tara kain tayo dun"saad ko at hinila siya.

"Maghanap ka na ng bakante diyan oorder lang ako"saad ko.

"Teka wait"pigil niya sa akin.

"Bakit pupunta ka pa don pwede naman tayo magorder sa waiter"

"Tange,di ganon dito.Sige na hanap ka na upuan diyan"saad ko at pumunta na sa counter.

Pagkapunta ko sa upuan namin.Kunot noong tinignan niya kung ano yung mga binili.Bumili ako ng chicken joy para sa amin spaghetti,fries,sundae,cokefloat at drinks.Extra rice na rin hehe.

"Kainan na!"saad ko at lumamon.

Nakita ko naman na hindi pa siya kumakain at nakatingin lang siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't You Just Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon