Nagulat ako bang makita kong si Ethan ang lalaking yun.Sinuntok niya yung lalaki at napatihaya naman sa sahig yung lalaki.Nakita kong dumura ito ng dugo bago tumayo.Ngumisi naman ito ng nakakalokong ngiti kay Ethan.
"Yun lang ba kaya mo? Wala ka pala e."pang-aasar pa nito.Mukhang nainis naman si Ethan at mabilis niyang inambangan ng suntok.Napahiga ulit ito sa sahig at nakakakuha naman si Ethan ng tiyempo at inupuan ito at pinuno ng suntok sa mukha.
Nakakatakot ang mukha ni Ethan.Ibang-iba ito sa Ethan na nakilala ko kitang kita sa kanyang mga mata ang galit.Mukhang wala siyang balak tigilan ang lalaki.Hindi na makalaban yung lalaki dahil na rin siguro sa mga pagsuntok ni Ethan.
"Ethan..."nanginginig na tawag ko dito.
Mukhang hindi niya ko narinig ng tinawag ko siya.
"Ethan..."pagtawag ko ulit sa kanya.
Mukhang natauhan naman siya at tinigilan ang ginagawa niya.Lumapit naman siya sa akin at biglang hinawakan ang aking mukha at parang mayroon na sinusuri.
"Are you okay? May ginawa ba siya sayo? Tell me!"nagpapanic na tanong njya.Hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak kaya mas lalo pa siyang nag-alala.
"Hey,Shhh Don't cry,hush Baby"pang-aalo niya at niyakap ako.Yumakap naman ako sa kanya at doon umiyak.Buti na lang at dumating si Ethan para iligtas ako.Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang paanan ko.Nagdudugo iyon dahil nakatapak ako ng kung ano kanina habang tumatakbo ako.
"Shit!Bakit di mo agad sinabi?"tanong niya nakita kong pinunit niya ang kanyang damit at tinalian ang sugat ko.Pagkatapos niya gawin iyon ay walang pasubaling binuhat niya ako ng parang pangkasal.Biglang tumibok ang puso ko ng bigla niyang ginawa yun.Humawak ako sa kanyang leegan para hindi ako makabitaw.Sumandal ako sa kanyang dibdib at narinig ko ang mabilis na pagtibok nito.
Nang makarating na kami doon ay pinagkaguluhan kami ng mga tao.Maraming nagbubulung bulungan at nagtataka sa kung anong nangyari sa amin.Agad naman na lumapit sa amin ang mommy ni Ethan at nagtanong.
"What happened?"nag-aalalang tanong nito.Nakita ko naman na parang may tinatawagan ang daddy ni Ethan doon.
"OMG! Aliyah! Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ni Reese sa akin.Nakita ko naman na nasa likuran niya si Keith at mukhang nagtataka rin kung anong nangyari.
Pinapasok kami ni Tito James sa loob at dinala ako ni Ethan sa isa sa mga guest room doon.Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama nang makarating kami doon.Hindi rin naman nagtagal ay may dumating na doktor.Ginamot nito ang aking mga sugat at binendahan.
"Buti na lang at hindi malalim ang natamo mong sugat,ija"saad ng doktor sa akin.
"Thanks,Doc"saad ni Tito James.Tumango naman ito at ngumiti bago ako muling binalingan.
"You need to drink this antibiotic para maiwasan ang infections"sabi nito at may inabot na reseta.Kinuha naman ni Tita yun para tignan.Pagkatapos non ay lumabas na rin ang doktor.
"Ija,I'm very sorry sa nangyari.Don't worry we're taking care of it."saad nito.
"It's okay tita,It's not your fault"saad ko at ngumiti sa mama ni Ethan.
"Okay magpahinga ka muna dito ha?"sabi nito.
Tumango naman ako.
Bigla ko ulit naalala yung mukha ni Ethan kanina.Sobrang galit na galit siya at sobrang nakakatakot rin.Hindi ako makapaniwala na ang isang Ethan Castillo ay may ganoong personality.Yung Ethan na palaging nakangiti at palaging nang-aasar ay ganon pala.Hindi ko pa talaga siya kilala.Ano pa ba ang mga bagay na hindi ko alam kay Ethan?
BINABASA MO ANG
Can't You Just Say You Love Me
RomanceNakangiti ako habang nakahiga dito sa kama habang inaalala ko yung mga masasayang nangyari sa amin ni Ethan. Ganito pala yung feeling ng in love no? Yung mapapangiti ka na lang bigla kahit mukha ka nang tanga. Habang iniisip ko yung mga nangyari sa...