Nakabusangot akong naghihintay kay Ethan dito sa bahay namin.Wag kayong mag-isip ng ano diyan.
Meron kasi kaming gagawin na pair work para sa project namin.At sinuggest naman niya na doon na lang daw namin gawin sa bahay nila aayaw pa nga sana ako kaya lang sabi ni mama pumayag na daw ako dahil boyfriend ko naman yun.Hanggang ngayon hindi pa rin sila makamove on at ayaw pa rin nilang maniwala sa akin na di ko boyfriend si Ethan.
Napabuntong hininga naman ako napatingin dito sa katabi kong kinikilig kakastalk kay Keith sa Facebook.
Nandito siya sa bahay namin kasi sasama daw siya sa amin para makita niya si Keith.
Tumingin naman ako sa relo ko 3:30 na pero wala pa rin yung lalaking yun ang usapan namin ay susunduin niya ko ng alas tres.
"Oy te,andyan na boyfriend mo"walang ganang sabi sa akin ni Ashton pagkapasok niya sa bahay.
Napatingin naman siya kay Reese na nagfefacebook "Anong ginagawa mo dito?"tanong nito sa katabi kong busy pa rin sa pagstalk.
Napa-angat naman ang tingin nito kay Ashton at ngumiti.
"Uy,musta"bati ni Reese sa kanya.Tumayo naman ako para makapaghanda na umalis.
"Anong ginagawa mo dito"tanong ulit ng masungit kong kapatid."Sasama ako kay Aliyah baka makita ko si Keith"kinikilig na naman na saad ni Reese.
Napairap naman tong kapatid ko at tumalikod na "Whatever"
Lumabas na kami ni Reese sa bahay para salubungin si Ethan sa labas.
Nakita ko naman si Ethan na nakatambay don sa labas at nakasandal pa don sa kotse niya na animo model.
Nakasuot pa ito wayfarer at ng makita niya ko ay dahan dahan niya tong tinanggal "Hi,Babe"sabay kindat.
Hindi ko naman siya pinansin at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.
Binati naman siya ni Reese at pumasok na rin sa sasakyan.Habang nagbabyahe kita ko naman tong si Ethan na tingin ng tingin.Kumunot naman noo ko dahil doon"Anong tinitingin tingin mo diyan?"inis na sambit ko sa kanya.
Ngumiti naman ito ng nakakaloko"Wala ganda mo kasi"Bigla namang tumili itong katabi ko dahil doon.
"Tigilan mo ko Ethan,di mo ko madadala niyang mga pasakalye mo"masungit na sabi ko.Ngumuso naman ito at tumahimik na lang.
Pagkadating namin sa bahay nila para kaming VIP sa dami ng guards nila doon.Sobrang laki ng bahay nila or should I say 'Mansion' sa sobrang laki at bongga.
Binati naman siya ng mga ilang mga nagtatarabaho doon.Pagkapasok namin bumungad kaagad sa amin ang chandelier nila doon tumingin naman ako sa paligid sobrang ganda dito pati ang mga gamit ay magaganda at mamahalin.
Nakita ko naman si Keith na dumaan doon at hindi kami pinansin."HI KEITH!"malakas na bati ni Reese ngunit hindi naman siya nito pinansin pero etong kaibigan ko abat sinundan pa.
"Teka,Reese"pipigilan ko sana siya ng pigilan rin ako ng lalaking to at hinatak na lang ako kung saan.
"Hoy Ethan san tayo pupunta"hila hila pa rin niya ko.Umakyat kami ng hagdan nila at pumasok sa isa sa mga kwarto doon.
Pagkapasok namin ay naamoy ko kaagad ang amoy ng kwarto niya okay lang hindi naman masyado matapang.Nakita ko ang kulay itim niyang king size bed.Sobrang laki ng kwarto niya may mini sala pa siya dito,may bathroom at walk in closet.
"So let's make our baby"naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya."Ano ulit?"nakataas kilay kong tanong.
"I mean let's do our work, baby"aniya at may nakakalokong ngiti."Ikaw ha anong iniisip mo"sabay sundot pa nito sa tagiliran ko kaya naman napatalon ako ng dahil doon.
Hinampas ko naman yung kamay "Ikaw alam mo ang feeling close mo"naiinis na sabi ko sa kanya.Mukhang nalungkot naman siya at kinuha ang gitara niya sa gilid at tumugtog.
Nakapikit ang kanyang mga mata na parang damang dama yung tugtog.Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa maamo niyang mukha inaamin ko na gwapo siya pero di ko na sasabihin lalaki lang ulo nitong lalaking to.Ang gwapo niya habang nakapikit lalo na siguro kung tulog kaya sana matulog na lang siya habang buhay joke.
Idinilat niya ang kanyang mata at tumingin sa akin ng malalim nakita ko na naman ang mala abong kulay ng mata niya na parang hinuhugot ako pailalim.Ngumiti naman ito sa akin "Gwapo ko no?"napairap naman ako ng wala sa oras.Ang yabang talaga nito kahit kailan.
"Ano nga pala kakantahin natin?"tanong ko sa kanya at umupo sa sofa niya doon.Kakanta kasi kami para sa project namin sa music class.
"Ikaw,ano ba gusto mo?"tanong nito at umupo sa kama niya at tumugtog ulit."Hmm,gusto ko sana yung sa Titanic yung 'My heart will go on'"sabi ko sa kanya.
Napangiti naman ito bigla "So you want me to be your Jack huh?"Itinabi nito ang kanyang gitara at lumapit sa akin."Are you willing to be my Rose?"bulong nito sa akin.
Tila nanigas ako dahil doon.Ilang sandali akong natulala ng biglang may kumatok sa kwarto niya.
"Sir,handa na po yung pagkain.Bumaba na lang po kayo kapag gusto niyo na kumain"saad ng isa sa mga katulong nila doon.Natauhan naman ako at dali-daling lumayo sa kanya.Napangisi naman siya doon.
"Let's go"sabi niya at nauna nang lumabas sa kwarto.Napahawak naman ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.
Dumiretso ako sa kusina nila at nakita ko siya doon na umiinom ng tubig.Ngumisi siya ng makita ako ngunit di ko nalamang siya pinansin.
Naupo ako doon at nakita kong minatamis na saging pala ang nakahanda doon.Waaah paborito ko yun kaya wala nang hiya-hiya at kumuha ako non at sumubo kaagad.
Uwaaah antagal ko ng di nakakain noon.Nakita ko namang napatitig siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay"Ano sasabihin mo na naman na maganda ako"
Bigla naman siyang napatawa doon"Hindi, sasabihin ko sana na ang takaw mo"humalakhak siya pagkatapos sabihin yun.Ngumuso naman ako at kumain na lang ulit.
Bigla ko naman naalala si Reese Masan na kaya yun?"Teka,alam mo ba kung asan si Reese?"
"Baka tinanan na ni insan"kibit balikat na sagot niya.Nanlaki naman ang mga mata ko ng dahil doon.
"Hoy,sabi ko na nga ba dapat di ko hinayaan si Reese jusko pano ko sasabihin kay tita tito na nawawala si Reese?What to do?"nagpapanic na saad ko.Napatawa naman tong ugok na to.
"Ang bilis mong maniwala niloloko lang kita"seryosong tingin nito sa akin.Maya-maya bigla rin siyang humalakhak.Baliw.
Nagpractice kami pagkatapos namin kumain.Nang matapos ay sinabi kong kailangan ko na umuwi hinatid naman ako nito sa bahay namin.
Bumaba ako sa kotse"Sige na babye"sabi ko sa kanya at tumalikod.
"Hey..."napatingin naman ako bigla sa kanya.
"Dream of me..my Rose"
Did you enjoyed this chapter? Please show us your support by clicking the Vote button on the left side of your screen.You can also comment! Thank you and have a nice day!
©MaiaStories
BINABASA MO ANG
Can't You Just Say You Love Me
RomanceNakangiti ako habang nakahiga dito sa kama habang inaalala ko yung mga masasayang nangyari sa amin ni Ethan. Ganito pala yung feeling ng in love no? Yung mapapangiti ka na lang bigla kahit mukha ka nang tanga. Habang iniisip ko yung mga nangyari sa...