Chapter Eleven

482 7 7
                                    

CHAPTER ELEVEN ♥

AN: Hiiiiiiii! Sorry di ko kayo matiis kaya nagupdate na ko. Pero may quota na ko for next UD ah. 2,500 reads for next chapter :)))

Anyway, comment niyo kung sino sa Apat ang gusto niyo for CSA or Keisha at sabihin niyo kung bakit hahahaha. Nasa side nga pala yung pictures nila Jap, TJ, Travis and Zei. Sila rin mismo ang magooperate ng FB accounts nila *U*

Comment your bias ;)

Keisha’s POV

“Sige mga Kuyas, salamat sa paghatid. Ingat kayoooo.” Sabi ko sa kanila bago ako bumaba.

“Hep hep. Byebye kiss muna mula sa napakagwapo mong Kuya.” Sabi ni Kuya Chen. Naglean siya para ikiss ako sa noo.

“Ito rin byebye kiss mula sa MAS napakagwapo mong Kuya.” Sabi naman ni Kuya Ichan at tulad ng ginawa ni Kuya Chen, naglean siya’t  nagkiss din sa noo ko.

Ang susweet talaga ng mga Kuya ko. Kaya loves na loves ko yang mga yan eh.

“Thank you mga Kuya. Bye bye na. Pasalubong ko mamaya ahhhh.” Sabi ko sa kanila. They smiled at me at ginulo gulo nanaman ang buhok ko. Pasaway haha.

Bumaba na ko ng kotse’t inayos yung na-gusot kong palda sa pagkakaupo.

“Ang laki laki pala talaga ng universiting pinapasukan ko. Oh Kingdom University, why so huge?” sabi ko sa sarili ko with matching rant pa.

Kasi naman eh, papasok nanaman ako sa school na to tapos lalakad nanaman ako ng pagkalayo layo papuntang building ng subject ko.  Masakit sa paa. Feeling ko nga mamuscle na yung binti ko eh haha.

Papasok na sana ako sa isang napakalaki’t napakagandang gate ng KU nang bigla namang may bumusina sa likod ko. Napatalon at tili naman ako sa gulat.

Nilingon ko yung kotse at ready to fight na sanang makipagramble nang makita ko si Zei na nakalabas yung ulo sa bintana’t nakatingin sa akin. Ay ang creepy naman nung pagkakadescribe ko. Basta nakadungaw siya sa bintana ng kotse.

“Sup! Sabay ka na Ms. Polka.” Sabi nito. Sumakay naman ako agad. Wala nang pakipot kipot. At wag na lang pansinin ang pet name. Masakit na paa ko at 5 minutes na lang late na ko to think na pagnilakad mo, 15 minutes na ang makoconsume mo.

“Salamaaaat.” Sabi ko sa kanila. Oo kanila. Di lang si Zei ang nandito. Dito kasi ako sa backseat umupo kaya nakita ko si Jap na nakaupo dun sa passenger’s seat katabi ni Zei.

“Bakit nakapambahay kayo?” tanong ko sa kanila. Napalingon naman sila saglit sakin then sumagot ng “Dito natulog KU.” Sabi ni Zei.

“Eh san kayo galing?” tanong ko ulit.

“Bili breakfast.” Sagot naman ni Jap. Tinapa. Parang mga robot naman tong mga to.

Seriously, kelan ko kaya makakausap ng mahaba haba at matinu-tino tong dalawang to. Lalong lalo na si Jap. Susmaryosep.

“Ahh okay. Pababa na lang po ako sa may Opal Garden.” Nasabi ko na lang tutal tapat lang nun yung building ng first class ko ngayon.

Habang papunta na kami sa Opal. Walang imikang nagaganap. Si Zei busy lang sa pagddrive, then si Jap nakasandal lang sa upuan at nakatakip ng panyo yung muka. Obvious na natutulog then may nakasaksak na earphones sa ilong. Char. Sa tenga malamang. Mehe.

Nakakaloka talaga yung katahimikan. Yung tipong kulang na lang may kuliglig na nag krukrukru. Nakakasuffocate naman kasama tong dalawang to. Buti pa si Tj, o kaya naman si Travis lalong lalo na yun, ang light ng atmosphere, samantalang dito, ang heavy! :3

What's the secret inside the Kings Profiles?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon