Chapter Ten

495 11 8
                                    

AN: Happy 2k sa WTSITKP. Kahit sabihin niyong ang onti lang ng reads na yan para sakin super okay na. Atleast feel ko paring may nagbabasa, keep it up guys. Sana matapos tong story na to na masusubaybayan ng mga readers na binasa mula umpisa hanggang sa huli. Thank you so so so much <3 muaah :****

Jap’s POV

“Hahaha! Okay lang yan CSA muka namang napagod ka eh. Ayos lang yun nu ka ba.” Sabi ni Travis sa maliit.

“Ahehehehe! Sige mauna na ko ah. 6 na pala, kailangan ko nang umuwi para magluto ng dinner. Sige salamat uli sa kanina, byebye.” Paalam niya nang kunin na niya ang mga gamit at umalis na.

“What do you think to our new hired assistant?” tanong ni TJ.

“She’s good. I mean she’s great. Tapos ang cute pa. Hahahaha!” sabi ni Travis

“Well, di biro ang pakikipaggitgitan at habulan na may hatak pang apat yung ginawa niya kanina ah. She’s very impressing, really.” Nangingiting sabi ni TJ.

“Yah.  Natatawa ako na ewan sa kanina pero she’s really funny back there. “ sabi naman ni Zei.

Tuloy tuloy lang sila sa paguusap kaya ako naman pumasok na sa kwarto ko.

“Oy wait Jap, di ka uuwi?” tanong ni Travis. Umiling lang ako bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Yes, may sari sarili kaming mga kwarto dito sa SCO. Kaya nga parang bahay na rin to kung tutuusin or dorm naming apat. Kumpleto na nga ata lahat dito eh. Well, mostly.

Ayokong umuwi kasi mabobored lang ako dun. Kahit na wala rin naman akong gagawin dito. Tsaka mas trip ko dito. Mas gusto ko dito. At dito, kahit literal mang maiiwan akong mag-isa dito, I felt like home.

Nagtanggal ako ng sapatos at umupo sa kama, sumandal ako sa headboard at nagsaksak ng earphone sa tenga ng may kumatok.

“Hoy Japayuki mah men! Dito rin kami matutulog, katamad umuwi eh. Luto ka dinner, ayaw ko ng luto ng mga Kitchen Monsters natin. Okay okay okay? Sige yun lang huwahahahahaha!” sigaw nito mula sa labas. Nailing na lang ako sa kanya.

Minsan kapag naiisipan naming dito matulog, halos ako lagi ang pinagluluto niyang Ravish na yan. Lol. I also had my name on him. It so annoying calling me .. Uhh. Japayuki? Tsk.

Then yun nga, ang arte kasi, gusto yung maramihang servings. Parang kasi sa mga five star hotels yung serving samin ng mga personal chefs naming so lagi siyang nagrereklamong bitin siya, di naman siya makarequest ng isa pa kasi naka focus sila sa mga ‘maintaining diet’ thing namin. Anu kami? Babae?

That’s why ako pinagluluto madalas ni Travis, kasi hilig ko ang pagluluto kapag free time ko. Marunong din naman sila, pero kung sa aming apat ako ang mas gusto cooking.

Darn. So many explanations. Makapagluto na nga lang. Naligo na muna ako’t nagbihis. Just wear a plain white tshirt and short. Di na rin naman ako lalabas ng SCO kaya okay nang magpambahay.

Lumabas na ko ng kwarto’t nakita sila sa sala. Si TJ nagbabasa, then si Zei at Travis naglalaro ng Xbox. Psh. Mga sarap buhay.

Dumiretso na ko sa kusina at nagsimula nang magprepare ng ingredients para makapagluto na. I decided to cook Ham ‘n’ Broccoli Hash.

After one and a half hour tapos ko na lutuin. Siguro nakaamoy agad tong Ravish na to kasi siya ang unang unang umupo dun sa table.

“Self service.” Sabi ko sa kanya. Sinimangutan niya lang ako’t nagdabog pa talaga siyang tumayo’t pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.

Pagbalik niya may bitbit na siyang malaking plato na punong puno ng kanin at ulam.

“Kaya ang taba mo. Di na nakapagtataka ang dami ng layers ng bilbil mo.” Sabi ko at nagsimula nang kumain.

Narinig ko siyang napasinghap. “H-hoy! Di ako mataba at wala akong bilbil sira ulo. Abs to pre. ABS! Palibhasa flat yang iyo. Walang ka pande pandesal!” sigaw nito at umupo na rin.

“Dami sinabi, taba parin naman.” Sabi ko lang habang tuloy tuloy paring kumakain.

“TJ! Si Jap oh!” sumbong nito kay TJ.

“Takaw mo naman kasi Travis.” Sabi naman nito sa kanya.

“Zei zei zei, di naman ako mataba diba?” humarap naman siya kay Zei na kumakain na rin.

Tumingin siya rito saglit then kumain ulit. “Di naman. Baboy lang.” sabi niya.

“LOKO KAYONG LAHAT! Oh edi mataba na, basta MAS GWAPO AKO SAINYO pwe! Makakain na nga lang.” sabi niya.

Mukang di naman apektado ang loko dahil ang takaw pa rin. Tsk tsk.Well, good thing di naman talaga lumolobo ang Ravish na yun. Laki lang ata talaga ng alaga sa tiyan.

Nang matapos na kami kumain, we rang the bell connected to our maid department para ligpitin na yung kinainan namin.

Then pumasok kami sa kwarto ko. OO sa kwarto ko, nagsipasukan nanaman sila para manggulo.

“Buksan niyo nga mga facebooks niyo! Baka may mga updates tayong makita dun about sa comments ng mga tao sa KU.” Sabi ni Tj.

Ginawa naman naming yung sinabi niya.

“Bakit di ka nagaaccept ng friend requests mo Japayuki?!” sigaw ni Travis.

“Puno na friendlist ko kaya follow na lang yung iba.” Sabi ko.

“Ay ako rin pala. Haha medyo tanga.” Sabi niya.

Nagscroll scroll, click click lang kami and as always, puro mga wallposts or kung anu anu pang mga pinopost or comments samin ng mga babae, lagi kaming nakachat offline dahil lagi kaming chinachat even though flood parin kami ng notifications at messages. Nagkalat din mga pages namin, posers and pictures kung saan saan. Di naman kami celebrity pero bat ganyan? Tsk.

“Anu nga pala whole name ni CSA? A-add ko siya.” Tanong ni Travis.

“Ang alam ko Keisha Aryss Javier eh.” Sagot naman ni TJ.

“Add natin tutal she's our CSA mehehehehehe.” Sabi naman ni Travis. Sumangayon naman sila.

“Sige.”

While me,  I just type her name and click the ADD FRIEND button.

What's the secret inside the Kings Profiles?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon