“Okay, class dismissal.” Sabi ng aming professor after niyang magdiscuss about sa British cuisines na feeling ko dudugo ang ilong ko sa spellings at pronounciations ng mga pangalan, kaloka. Eh pare-pareho lang namang kinakain yan kailangan ang daming eklavu chenes sa name? Mehehe. Pasensya na, kakasimula pa lang ng chapter na to, reklamo agad ang binungad ko, ito kasing si Author eh, ganda ng timing. Joke haha.
Last class ko na yun kaya nagunat unat ako saglit then nag-ayos na ng gamit. AYOS! Makakauwi na rin.
And kung tinatanong niyo nga po pala ako about sa mga babaeng tigre dito, uhmm. Medyo problem solve na rin. Inexplain ko na Student Assistant lang nila ako. At ang bad bad lang nila, kasi yun nga nag-‘AHHH’ lang sila then nagsmirk sabay sabing “Alalay lang pala. Kunsabagay, halata naman.”
Dibaaaa? Ang mean nila. Huehue. Kaso, totoo naman eh, ganun din yun, tinagalog lang. Hahaha!
Nang matapos ko nang maligpit yung gamit ko, dali dali na kong umalis para makapagluto na ng meryenda. For sure, paguwi nila Kuya, pagkain agad hahanapin nung mga matatakaw na yun hahaha!
Nasa may gate na ko at ready to go ng umalis nang may narinig akong sumigaw “Cute naming Student Assistaaaaant! Yuhooooo!” sigaw nito.
Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng cute na boses na yun at tulad ng boses niya, cute nga talaga ang may-ari nun.
Nakita ko si Travis na palapit na kumakaway kaway sakin kasama pa ang tatlong mga kaibigan niya na sina Zei, TJ at Jap. O debah? Memorize ko na. Hahaha! Shempre bukod sa ako ang Student Assistant nila, gwapo sila kaya dapat alam ko pangalan. Mehehe.
“Uyyyy. Uuwi ka na?” tanong nito sakin. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kakilakilabot ng aura sa paligid ko, at tulad ng inaasahan ko, death glares nanaman ang nakamasid sakin. Huehue. :’(
Kasi naman eh, bakit ba ako naging student assistant ng mga poging to. Hirap din pala hahahaha!
“Ah oo eh.” Sagot ko.
“Ahhhhh. Ingaaaat kaaa ahhh. Ayaw naming may mangyaring masama sa cute cute naming student assistant.” Sabi nito sabay kurot sa magkabilaang pisngi ko.
Huwaaaah. Papatayin na ko ng mga fan girls nila mamaya!
“Tigilan mo na nga yang kalokohan mo Travis, ang dami pa nating aasikasuhin.” Sabi ni Jap sa kanya, na halata namang naiinip na. Sorry naaaaaaaaaaaaaaaa. Ito kasing si Travis eh.
“Taray nentong Japayuki na to! Heh. Hmp!” paninigaw ni Travis sa kanya. Nakita ko kung paano tumalim ang tingin nito kay Travis.
“Anong sinabi mo?” tanong niya na na may nakakatakot na boses. Bigla namang nagtago sa likod ko si Travis na animo’y isang cute na cute na puppy na inaaway ng isang malaking pitbull hahahaha. Wait, laughtrip ako dun sa JAPayuki na yun ah.
“Huwaaah. CSA, si Japayuki nagiging monster uliiiiit.” Sabi nito. Wait ulit parang familiar ang line na to ah.
Teka, ibubuffer ko lang .
Ahhh! Sina Mr. and Mrs. Sylvero na natakot nung pinagalitan sila ni Mrs. Perez and what a coincidence na mga magulang ng dalawang to sila. Hahahaha! May pinagmanahan nga :))
“Okay stop na yan. Kailangan na nating maayos yung mga school papers sa office. Keisha, pagpasensyahan mo na lang sila ah. Sige mauna na kami, ingat ka sa pag-uwi.” Sabi ni TJ habang nakasmile. WAFUUU.
Hinigit na niya si Travis sa likod ko’t naglalakad na paalis. Kumakaway kaway pa sakin si Travis habang hila hila siya “Bye bye CSA! See you tomorrow!” sigaw nito.
Nakita kong inirapan lang kami ni Jap kita mo to, kalalaking tao umiirap. Pero infairness di bading tignan. Then si Zei, ngumiti sakin then he mouthed me “Ingat.” I just smiled back.
Mababait naman pala sila eh.
--
Nagluto ako ng carbonara for meryenda, 6:00 na ko natapos at di ko alam kung meryenda pa bang matatawag to. Haha. Parating na sina Kuya kaya hinanda ko na yung hapag-kainan. Nuks.
Then pagkaraan ng ilang minutes, nakarinig na ko ng mga maiingay na nagsisipasukan sa bahay. Sino pa nga ba? Edi ang mga magagaling kong Kuya hehe :))
“We’re hoooooome! Keisha are you here? Andito na ang gwapo mong Kuyaaaa!” sigaw ni Kuya Chen, alam kong si Kuya Chen yun kasi sa tinagal tagal na kasama ko sila sa buong buhay ko, di ko pa ba makakasanayan yan?
“Keishaaa nasan ka na? Andito na rin ang mas gwapo mong kuyaaaa!” sigaw naman ni Kuya Ichan. Ganyan talaga sila, laging nagpapagwapuhan. Di man lang nila naisip na kambal sila kaya parehas silang gwapo. Haynako.
Pero wag kayo, kahit ganyan yang mga yan, Love ko yan ^^
“Mas gwapo ako baliw!” sabi ni Kuya Chen kay Kuya Ichan sabay batok. “SHATAP! Alam mong mas gwapo ako. Tsaka hoy mas matanda ako sayo kaya wag mo kong batukan!” sigaw naman ni kay Kuya Chen sabay ganti ng batok.
“Nahiya naman ako sa limang minutong agwat natin!” sarcastic na pagkakasabi ni Kuya Chen.
“Aba dapat lang!” sagot naman nito sa kanya.
“Oy oy oy mga gwapo kong Kuya, kain na kayo, nagluto ako ng carbonara for meryenda or early dinner niyo hahahaha!” sabi ko para matigil na sila sa kalokohan nila. Lagi silang ganyan pero di yan nagaaway. Sadyang ganyan lang sila maglambingan.
“AYUUUUUUUUN! Peyborit!” sabay na sigaw nila sabay hagis ng bag nila sa sofa at takbo papuntang dining table. Tatakaw talaga hihi.
Buti na lang talaga at marami akong niluto kasi nilantakan na nila yung carbonara, grabe parang ilang taon silang di nakakain eh.
“Mga Kuya, ilang taon kayong di nakakain? Di ba kayo pinagbbreak time sa trabaho niyo?” tawang tawang tanong nila. Salita lang sila ng salita kaso di ko naman din naiintindihan kasi punong puno ng pagkain yung mga bibig nila.
Kaya natatawa na lang talaga ako sa kanila.
After naming kumain, nagligpit na ko ng pinagkainan namin at naghugas na ng mga plato.
“Bunso, kamusta first day of school?” tanong sakin ni Kuya Chen.
“Okay naman po. Actually, student assistant ako ng The Kings. Yung mga anak ng may-ari ng KU.” Sagot ko.
“ANO?! Bakit naman?” tanong ni Kuya Ichan.
“Part of my scholarship deal yun eh. Pero okay lang din. Mababait naman sila.” Sabi ko.
“Ahh. Sabihin mo samin kung pinapahirapan ka nila ah. Para makatikim sila ng hagupit ng muscle ko.” Sabi ni Kuya Chen habang pinapakita yung braso niya.
“Puro taba nga lang ata yan eh. O kaya buto buto.” Pang-aasar nanaman sa kanya ni Kuya Ichan.
“Wrestling na lang oh?!” paghahamon ni Kuya Chen kay Kuya Ichan.
“O tara ba oh!” pagsang-ayon niya kaya ayun nagrambulan sila sa sofa.
Yan ang mga Kuya ko, mababait, gwapo, maalaga at makukulit. At tulad nga ng sabi ko kanina, kahit magugulo yan, love ko yan ;)
BINABASA MO ANG
What's the secret inside the Kings Profiles?
Novela JuvenilThe famous and outstanding school, Kingdom University was entirely exclusive for elites only. This school also conducts a commitee inwhere, four handsome students lead the way. They are also the public figure who represent the school in which gain a...