Samantha Shar POV
"Hello? Miks? Wala ka na talagang alam na pwede kong tulugan ngayon? Kahit barong barong lang. Maghahanap naman na ko ng trabaho bukas eh" pagtatanong ko kay Mika na kausap ko sa telepono ngayon.
"Nako Sammy. Wala na talaga eh. Di ka pwede dun sa bahay nila Tita. Gagamitin yung Guest Room nila. Sabi nga sakin ni Tita. Sorry daw" sagot nya sa kabilang linya.
"Nako wala yun. Sige na ibababa ko na to. Tawagan kita kapag nakahanap na ko ng tutulugan" sabi ko at ibinaba yung tawag.
Saktong pagkalagay ko ng cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Bumuhos yung ulan.
"Ano ba to?!" Sigaw ko. Hindi umaayon ang panahon sakin. Ano ba yan!
Inilagay ko yung bag sa ulo ko at tumakbo papuntang waiting shed. Di ba matatapos yung problema?
Nanatili ako dun ng ilang oras. Nanginginig na ko sa lamig. Feeling ko black na yung labi ko imbis na violet, kanina pa ko nilalamig eh.
"Miss? Okay ka lang?" Napatingin ako sa taong nagsalita. May face mask sya tapos may payong na dala.
Hindi ako nakasagot agad kaya naaligaga sya. Hinubad nya yung jacket nya at pinatong sakin. Huli ka na kuya, kanina pa ko nilalamig. Pero pabayaan na.
"S-sa-salamat" utal kong sabi.
"Wala yun. Teka, sumama ka na sakin pauwi. Dun ka muna sa Dorm namin, baka mapano ka pa dito." Nakatingin lang ako sa kanya.
"Matino akong tao. Dali na, mapahamak ka pa dito, konsensya ko pa" sabi nya at hinawakan yung braso ko. Nagpahila na ko kay Kuya. Pagod na ko eh. Naglakad lang kaming dalawa
Nilalamig pa rin ako kahit na wala naman ng ulan. Yakap na yakap tuloy ako sa jacket na to. At, mabango siya ah.
"Dito na tayo" sabi nya at tumigil sa paglalakad.
Dorm ba to? Ang laki naman. Parang sa kanya lahat eh. Parang di paupahan. Katulad ng ibang dorm.
Sabay kaming pumasok sa loob. Siyya na yung nag sarado ng Gate. Pagpasok namin, may nakita akong 4 na lalaki sa loob... at GWAPO SILANG LAHAT. Omo. OoO
-
edited
BINABASA MO ANG
Life With Gimme 5 [NaSharQuin ff]
Fanfiction"Let me change myself. Ayokong mahalin mo ko kung paano mo ako nakilala. Ayokong tumatak lang sa isip mo yung mga masamang nagawa ko sayo dati" "Wag. Mahal kita kasi 'yan ka. Gusto kong maalala paano kita nakilala kaya wag kang magbago" - Gimme 5 x...