3: Nash.

69 4 1
                                    


*****

Samantha Shar POV

Masaya akong naglakad sa sidewalk, nasa park ako malapit sa dorm at ayokong lumayo baka hindi na ko makabalik hindi ko pa naman kabisado daan pabalik ng dorm kapag napunta ako sa malayo.

May hawak akong isang cone ng ice cream at cotton candy, hindi naman ako mukhang bata hindi ba? Naka earphone at parang batang naglalakad sa sidewalk, hindi nga ako bata.

Nang mapagod akong maglakad umupo ako sa bench at inikot ko ang mata ko sa paligid. Nakakapagod pala

Habang nagpaikot ikot pa mata ko sa paligid may napansin akong nakahoodie sa likod ng puno. Ano kayang trip nito at nakaganito eh napakainit.

Umayos nalang ulit ako ng upo at patuloy na kumain.

"Ate. Pwede mo ba kong samahan?" Tumingin ako sa paligid at napansin ang isang bata wait. 12 or 11 na ata to eh.

"Sure. Saan ba?" Tanong ko sa kanya.

Makasure akala alam yung lugar.

"Doon po sana sa Mall. Sa di kalayuan, nandun po kai si Mommy. Tapos, hindi na nya ko masundo dito kasi nasira yung sasakyan nya kaya pinaayos nya muna. Don't worry ate, ako na muna sagot nung pamasahe. Sabi kasi ni Mommy magpasama nalang ako alam ko yung place ng mall pero hindi yung exact." Tumango tango naman ako. Ayoko tong tanggihan baka kasi kung saan pa to magpasama mapasama pa sya. Babae pa, wag sana akong mawala. *cross fingers*

Sumakay kami ng bus, sabi nya di kalayuan pero bus yung sinakyan namin.

Pinabayaan ko nalang sya, sinabi nya yung place ng sinasabi niyang Mall at nagbayad ng pamasahe.

Nagkwento lang sya ng nagkwento tungkol sa sarili nya. Fresty ang pangalan nya at 12 Years old palang sya. Sabi nya di daw sya marunong magcommute pero alam nya sumakay yun bang alam nya kung anong sasakyan, pero ayaw daw nya magcommute mag isa. Ang gulo nga nya magkwento. Kasi gulo ng buhay ni otor.

*

Nash POV

Bakit ba ko nagtatago sa puno na to? Bakit ko rin ba to sinusundan? Ang gulo mo Nash.

Nasa likod ako ng puno. Naka hoodie at mask nag shades din ako tagong tago ako dahil sa babaeng to.

Nakatingin ako kay Sam habang kumakain sya ng ice cream tapos sinasabayan nya ng cotton candy.

Nung may lumapit sa kanyang bata nakipagusap sya dito saka sabay silang tumayo. Saan naman ang punta nila?

Pinapagod nyo ko.

Sino ba nagsabing sumunod ka? Adik ka talaga Aguas.

Nung sumakay sila ng bus di ko na sila sinundan magsasayang pa ko pamasahe para sa wala. Makabalik na lang sa Dorm.

Hindi naman mawawala yun diba?

Paguwi ko sa Dorm. Agad kong tinanggal yung Hoodie ko. Napakainit.

Naabutan kong nagluluto si John at Joaquin sa kusina.

"Saan ka galing?" Tanong sakin ni Joaquin nung pumasok ako ng Kusina.

Inisnob ko lang sya at kumuha ng tubig na malamig. Init na init na talaga kom

"Putek Nash. Naubos mo laman ng isang bote ng tubig, halimaw sa tubig amputek" singhal sakin ni John.

"Ikaw kaya mag makapal na hoodie. Hindi ka maiinitan?" Inis kong sagot sa kanya

"Sino bang nagsabi na maghoodie ka? Kung gusto mong mamatay sana sinabi mo nalang sakin padadaliin ko pa." singit ni Alexa na nasa counter part nung kusina at nakatingin sakin ng nakasalubong ang kilay.

Inirapan ko lang silang tatlo at lumabas ng Kitchen. Matutulog ako, nakakapagod sumunod.

*

Samantha Shar POV

Nasan na ba ako? Taena. Sabi na mawawala ka Samantha Shar eh.

Pagkatapos kung hihatid yung babae. Inilibre muna nila ako sa isang restaurant saka sila umalis na dalawa. Hindi manlang ako hinatid palabas. Kaya ito ako paikot ikot sa buong mall na kasing laki ng Lotte World sa Korea or buong Seoul na ata.

Hindi ko mahanap ang EXIT at wala akong matyempohan na Guard na pagala gala para lang sana magpahatid hanggang exit tapos makauwi na.

Nakakahilo pala talaga umikot. Putek. Ilang beses ko nang nadaan ang mga store dito ni isang EXIT door wala akong nakita

Mag gala ka pa Samantha. Sa kalsada ka na talaga pupulutin.

Teka. Dun sa likod! kanina ka pa nagiikot di mo manlang naalala yung pinasukan nyo sa likod kanina.

Tumakbo ako hanggang sa likod. Sa may parking lot na ata to, dito kami binaba kanina eh.

Pero teka. Saan ba kami dumaan?

Im Dead.

*****

edited

Life With Gimme 5 [NaSharQuin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon