8: Life now, without them

70 5 4
                                    


*****

Samantha POV

Nung bumaba ako dala ang gamit ko wala na kong naabutan sa sala tanging susi lang nung bahay na nasa mesa. Huminga ako ng malalim tapos kinuha yung susi at lumabas ng bahay saka sinarado ito. Iniwan ko yung susi sa mailbox nila. Di naman makukuha ng ibang tao yun dun.

Nakausap ko si Mika kanina habang nageempake ako, wala daw sila sa bahay pero sabi ng Mommy nya iniwan nya yung susi dun sa guard ng subdivision kung saan sila nakatira. Kunin ko nalang daw kasi next week pa sila makakauwi. Business trip pero bakit kasama si Mika? Hmp. Pabayaan na.

Malaki na ang tiwala sakin ni Tita. Pabalik balik kasi ako sa bahay nila. Kaya ganun minsan, nasa tita nya ko at ganito na buhay ko. Sanay na rin sila.

Minsan nga kinaawaan na nila ako at gustong bigyan ng trabaho sa company nila since matalino naman akong tao. Ako lang tong tumatanggi.

Sobra na kasi, nula sa bahay hanggang sa pagkain laging sa kanila. Pati ba naman trabaho? Pabayaan nila na ako ang maghirap kahit dito manlang.

Naglakad ako palabas ng subdivision nila. At sumakay ng bus papunta sa Subdivision nila Mika.

Tahimik lang ako, tama lang pala talaga na di ko inimpake ang damit ko kahit sinasabi ni Alexa sakin nung nakaraan.

Tama lang pala yung dahilan ko na aalis din ako dun na hindi din ako magtatagal.

Aish. Enough of the drama Sam.

Bumaba ako sa tapat ng subdivision nila Mika kinuha ko na rin yung susi ng bahay nila pati guard kilala na ko, sabi ko naman kasi pabalik balik ako dito eh.

Pagdating ko sa bahay nila. Inihiga ko ang sarili ko sa sofa ?agpapahinga muna ako tapos maghahanap nanaman ako ng trababo mamaya.

Hay. Buhay.

--

Months later

"Sam dun sa table 1" sabi sakin nung babaeng nasa counter, kinuha ko naman yung tray.

Isa akong waitress, sa isang Fast food chain?

5 months na ko sa trabaho kong to.

Di pa rin ako umaalis sa bahay nila Mika kasi ayaw pa nila. Madalas na silang wala sa bahay kaya keysa kumuha ng Yaya ako nalang ang naiiwan sa bahay nila. 11 hours lang naman ang work time ko. 6 ng umaga hanggang 5 ng hapon.  24 hours kasi yung fast food Chain. Tapos may kapalitan.

Inilapag ko yung tray sa tapat nung nakaupo sa table 1. Agad akong nag bow saka umalis na. Isang Korean Fast food chain to. Ang weird ba? Ewan ko dun sa owner kung bakit ginawang Fast food Chain eh dapat Korean Restaurant. Pero siguro kasi mas gusto nyang convenient ang presyo. Well, isa yun sa dahilan kaya pinupuntahan tong fast food na to. Bukod kasi sa Korean Foods ang sineserve meron ding Filipino foods. Para sa mga taong di na kaya pumunta pa sa ibang Fast food chain para kumain ng Chicken Joy. Mga ganun ba, kung di nyo gets. Bahala na kayo joke.

"Ahm Miss?" Agad akong napalingon nung tinawag ako nung lalaking nakaupo dun sa table 1

"Ahm what is it sir?" Tanong ko. Dapat english kami lagi. Minsan kasi may mga Koreans na kumakain dito. Kapag di nila naiintindihan yung English namin. Korean Words, tinuruan kami nun bago pumasok dito. Kung paano sabihin yung 'What's your order' and 'Yes' or 'No' tapos yung 'What it is' yung mga common lang naman na madalas sinasabi.

"Pwede ba kong makahingi ng isa pang sachet ng chili powder? I really like spicy" sabi nya sakin.

Maruno syang magtagalog? Ang galing.

"Yes sir" sabi ko at yumuko ulit. Maglalakad na sana ako ulit ng tawagin nya ko. Ulit.

"I also want...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Your name please. Wala ka kasing name tag. Hehehe" agad na napakunot ang noo ko sa tanong ng taong to.

*****

Donny as Warren :) fanfic to so asahan na may pagbabago hehe

edited

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life With Gimme 5 [NaSharQuin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon