*****Samantha Shar POV
Ang gwagwapo naman ng mga nilalang na to?! Hala sila!
Mga mukha silang mababait. Mga Anghel.
"Oh? Saan galing yang kasama mo? Sa pagkakaalam ko di tayo kumuha ng Maid" masungit na sabi sa akin nung isa sa kanila. Aba. Binabawi ko na yung sinabi ko na mukha silang anghel. Lalo na to.
"Ano ka ba naman Nash. Pabayaan mo na yan Miss, may dalaw yan eh" sabi nung isang baby face. Nabatukan naman siya nung Nash.
"Nakita ko sya sa waiting shed na basang basa. Mukha syang walang matitirahan kaya dito muna sya." Paliwanag nung kasama ko kanina.
"Paano pag nalaman ng fans yan? Baka kapag nakaalis ng bahay natin yan sya naman ang dumugin. Siya pa kawawa." sabi ulit nung Nash.
Fans? Artista sila?
"Tama si Nash, hindi ka dapat nagdadala ng ibang tao dito sa Bahay. Mamaya fan pala natin yan. Tapos ano?" Pagsangayon nung isa kay Nash.
Di ko sila maintindihan.
"Tigilan nyo nga muna yan. Naguguluhan na to oh" sabi nung isa sa gilid.
Naaalala pala nila ko?
Umirap sakin yung Nash at tumayo. Problema nito sakin? Kung ayaw nila ko dito sana pinaalis na nila ako. Mas mabuti na yun keysa makipagplastikan sila.
"Magpakilala kayo. Kanina nya pa naririnig yung pangalan ko" so Nash talaga ang pangalan nya?
Pake ko? Joke.
"Joaquin Reyes. Member ng Gimme 5"
So. Totoo yung Gimme 5? So. Artista sila? Ay hindi Sam. Joke lang yan.
"Brace" maikling sabi nung sumang ayon kay Nash kanina.
"John Bermundo" sabi nung baby face na nabatukan ni Nash kanina.
"Grae Fernandez. Ako ang pinakabata sa grupo" tumango tango naman ako.
"Artista kayo?" Tanong ko sa kanila.
Mukhang nagulat sila sa tanong ko. Problema?
"Di mo kami kilala?" Tanong ni Joaquin sakin. Umiling ako bilang sagot.
"Di pa pala tayo ganun kasikat no?" Sinabi ni John sa mga kasama nya.
"Kami ang Gimme 5. Isang Boy Band na binuo ng ABS. Kung di mo alam. Manood ka sa Youtube. Masyado kang galing sa bundok" sabi ni Nash sakin.
Pasenya naman diba kung di ako makaharap sa T.V dahil sa trabaho ang inaatupag ko. Kainis naman to. Maka galing agad sa bundok?
"Ikaw. Anong pangalan mo miss?" Tanong sakin ni Joaquin.
"Samantha Shar. Calling me Sam won't hurt"
"Okay. I call you Sam." Ngumiti lang ako kay Joaquin. Wala akong masabi eh
Sinabi ni Joaquin na dito muna ako sa bahay nila matulog. Tapos ipapakilala nalang daw nya ko sa Manager nila kapag nadaan dito.
Nung una nagaway pa si Nash at Joaquin. Pero wala narin namang nagawa si Nash kaya dito ako natulog.
"Dun ka muna sa kwarto ni Alexa, wala naman yun ngayon" sabi sa sakin ni Joaquin at binitbit yung bag ko.
"Sige salamat Joaquin." Sabi ko sa kanya, Ngumiti lang sya at sinarado na yung pinto.
Mukhang okay naman sila makasama hindi ba? Bukod dun sa lalakeng may dalaw.
Napatingin ako sa paligid. Puro girly things. Pink yung paint nung kwarto at puro teady bear sa paligid. Pink din yung kulay ng mga yun. Puro pink yung nasa paligid ko. Pero di naman masakit sa mata kasi puro Light Pink buti nalang hindi dark
Inayos ko nalang yung gamit ko. Pero di ko nilagay yung mga damit ko sa Cabinet. May gumagamit nitong kwarto na to. Syempre, may hiya rin ako. At kapag umalis ako mag i-impake nanaman ako so mas mabuti yung wag nang tanggalin para masaya. Magpapagod nanaman kasi. Nakakapagod kaya yun. Hehe.
"Sam? Kumain ka na ba? May pagkain akong dala. Labas ka muna dyan" pagkatapos kong makarinig ng katok boses ni Joaquin ang sunod na narinig ko.
"Wait. Coming!" Sigaw ko at inayos yung damit ko. Nakakahiya humarap kay Joaquin na di maayos yung damit no.
Tinignan nya muna ako at tumulala. Hala sya. Nasaan utak nito?
"Joaquin? Huy!" Pinitik ko yung noo nya kaya napa aray sya. Lumilipad kasi isip eh
"Oh? sakit nun ah. Pabayaan na. Oh, eto pagkain niluto pa yan ni John. Kainin mo ah" binigay nya sakin yung pagkain. Mukhang masarap kahit simpleng tinolang manok lang to.
Umalis na rin sya pagkatapos. Sinarado nya yung pinto at ako naman dumiretso sa Table dito at doon kumain. Masarap sya ah hmmm.
Joaquin POV
Ininit muna ni John yung tinola na inulam kanina para mainit kapag kinain ni Sam buti di na overcooked kakaluto lang nyan kanina eh.
Umakyat ako sa kwarto ni Alexa at kumatok.
"Sam? Kumain ka na ba? May pagkain akong dala labas ka muna dyan"
"Wait. Coming!" Sigaw nya
Pagharap nya sakin. Black V Neck fitted shirt, shorts and naka ponytail. Not bad. Maganda katawan nya eh.
Sa sobrang ganda nya napatulala nalang ako at nabalik sa Senses ng pitikin nya noo ko. Sakit nun ah.
"Oh? sakit nun ah. Pabayaan na. Oh. Eto pagkain. Niluto pa yan ni John. Kainin mo ah" Sabi ko at inabot yung pagkain saka bumaba na. Masama na, baka matulala ulit ako.
Maganda sya. Gwapo ako. Bagay naman kami diba?
Pagbaba ko naabutan ko silang apat sa sala. Napatingin naman sakin si Nash na may matalim na mata.
"Nash, ano bang tingin yan?" Naiirita kong tanong sa kanya.
"Di mo ba iniisip yung career natin?" ito nanaman ba tayo?
*****
edited
BINABASA MO ANG
Life With Gimme 5 [NaSharQuin ff]
Hayran Kurgu"Let me change myself. Ayokong mahalin mo ko kung paano mo ako nakilala. Ayokong tumatak lang sa isip mo yung mga masamang nagawa ko sayo dati" "Wag. Mahal kita kasi 'yan ka. Gusto kong maalala paano kita nakilala kaya wag kang magbago" - Gimme 5 x...