CHAPTER 1

386 19 11
                                    

CHAPTER 1

" And the winner of the Miss Philippines 2016 is...."

Halo-halo ang nararamdaman ko ng sinabi ng Emcee ang katatagang iyon. Halos saya, kaba at takot na baka matalo ako. Hindi ito ang kauunaunahang sali ko sa mga pageant pero hindi mo talaga maaalis sa sarili mo na Kabahan tuwing sasali ka sa Pageant.

Nakapasok ako sa Top 3 at inanouce na kanina ang 3rd Runner up at 2nd Runner Up. Ngayon naman tatawagin na yung Champion.

Tumungin ako sa Audience at nakita ko dun ang aking mga Magulang. Sinusuportahan nila ako kahit saan, at kung ano ang gusto ko.

Bata pa lang ako pangarap ko ng maging Beauty Queen pero bata pa lang ako alam ko ng di mangyayari yun kasi iba pa ang itsura ko noon kaya ngayon ipinagbubuti ko na talaga para matupad na yung pangarap ko.

" Miss, Miracle Candice Mendoza "

Halos manlaki ang mata ko sa Gulat, napatingin ako kayla Mama at nakita ko sa mga mata nila na Gulat rin sila kahit ako ay hindi ako makapaniwala

Napatakip na lang ako sa bibig ko at bigla na lang naiyak. Umalingawngaw sa buong Araneta ang malakas na tili at palakpak ng mga Tao. Kahit na nahihirapan ako dail umiiyak na ako ay pinilit ko pa ring maglakad papuntang unahan. Ngumiti ako sa kanila at Kumaway.

Sinabitan na ako ng Korona at Binigyan ng Sash. Tinignan ko sila Mama na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala.

Natupad ko ang pangarap ko. Pangarap na akala ko hindi matutupad. Pangarap na hanggang akala ko hanggang salita lamang. Pangarap na Maging Beauty Queen.

Nagpicture-picture pa bago ako pumuntang backstage. Ang Daming nagcocongrats sa akin papuntang backstage nginingitian ko na lamang sila.

Nagbihis na ako para makauwi na sabi kasi ni Mama kanina bago kaming pumunta dito sa Araneta ay magcecelebrate daw kami kasama ng mga Kaibigan at Kamag-anak ko.

Isang napakahigpit na yakap ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto sa Backstage hindi ko man nakikita pero alam ko kung sino yun.

" Congrats Anak, Natupad mo na yung pangarap mo na maging isang Beauty Queen. Alam kong masaya ang tatay mo ngayon kahit wala na siya dito. Pagpatuloy mo yan Anak!" Umiiyak na si Mama ng sinabi niya yan. Umiyak na din ako habang yakap yakap ko siya. Wala na si Papa dahil sa nangyari noon. Napakalalang nangyari na kahit kailan di ko malilimutan.

"Maraming Salamat din Ma! Alam kong maaaya din ngayon si Dadi kahit nasa langit na siya"

Hinahagod ni Mama yung buhok bilang pagpapatahan sa akin. Nang tumigil na ako sa pagiyak ay niyaya na ako ni Mama'ng umuwi dahil aniya nandun na daw yung kaibigan at kamag-anak ko.

Papalabas na kami ng bigla kaming sinalubong ng Media at napakaraming tao.

Ang dami nilang tanong pero misti isa wala akong masagot dahil hindi ko alam kong sino uunahin dahil sabay sabay silang nagsasalita.

Dumating yung mga Security Guards at hinawi yung mga tao at media para makadaan kami.

Namg nakadaan na kami pumasok na ako sa sasakyan. Pinikit ko muna ang aking mga Mata dahil nakaramdam ako ng pagod.

Habang nakapikit hindi ko mapigilang mapaisip. Ngayong Beauty Queen na ako magbabago na ang takbo ng buhay ko.

Iisipin ko pa lang na mada.i g project na ibibigay sa akin ay naeexcite na ako. Gusto ko kasing maging modelo at artista ngayong beauty queen na ako posible ng mangyari ang lahay ng iyan.

"Anak, gising na nandito na tayo"
napamulat ako ng bigla akong tapikin ni Mama. Siguro akala niya natutulog ako kasi nakapikit ako.

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Mama.

Sumunod na ako kay Mama papasok ng bahay. Pagkapasok ko sinulubong agad ako ng aking mga kaibigan at aming kamag-anak. Panay din ang 'Congrats' nila sa akin at ako naman ay panay ang 'Thank you' sa kanila.

Pumasok muna ako sa aking kwarto bago ko tuluyang harapinsilang lahat. Naligo muna ako at nagbihis ng comportableng damit.

Habang pababa ako nakita ko na sa baba ang napakaraming tao. Pumunta ako kayla Mama para ipaalam na nakakababa na ako.

"Oh! Nandito na pala yung Anak ko" sabi ni Mama ng tuluyan akong nakita. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumabi sa kanya.

"Congrats Candice natupad na yung Pangarap mo." Sabi ng Kapatid ni Mama. Nagthank you na lamang ako sa kanya at Ngumiti.

Pagkatapos ng maraming kwentuhan dun nagpaalam ako kay Mama na pupunta muna ako sa mga kaibigan ko.

Habang hinahanap ko yung table nila. Lingon ako ng lingon hanggang sa may nakabangga ako.

"Ouch!" Sabi ko dahil bahagya akong napaatras sa lakas ng banggaan namin.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko kung sino yun.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya na medyo pagalit. Hindi pa sapat yung 3 years para magkita ulit kami. Hindi ko din inaasahan na pupunta siya dito pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon.

To be continued.....

Revenge [Jadine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon