Valentines na ngayon pero hanggang ngayon wala parin si Calix. Theheck may balak ba siyang batiin ako?Kaninang umaga ko pa hinahantay yung text or call niya pero hanggang ngayon wala parin. Sana naman hindi niya makalimutan na may date siya huh!
Nagtungo na lang ako sa kwarto. Grabe daig ko pa single sa ginagawa ko nasan na ba kasi si Calix?
"Wag ka ng umasa, tignan mo nga 4 na ng hapon pero walang text at call? Gawain ba ng boyfriend yan?" Baliw na ata talaga ko dahil pati sarili ko kinakausap ko.
Umakyat na lang ako sa kwarto at tsaka humiga sa kama. Natutulog na lang ako atlis pagnatulog may nakukuhang kang enerhiya eh yung tumunganga? NGANGA
.
Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ko. Tinignan ko ang wall clock namin at nakitang..
"HALA 6:06 AGAD? ANG BILIS NAMAN" Tinignan ko ang cellphone ko kung may text na doon si Calix pero nanghina ako tila nawalan ng gana ng makitang wala ni isang text at call galing dito.
"ANAK! ANAK" Nataranta naman ako sa sigaw ni Mama.
"Nay anong nangyari?"
"ANAK SI CALIX! " Mas lalo akong kinabahan sa pagbigkas ni Mama ng pangalan ni Calix ano bang nagyari?
"Ma ano ba diretsuhin mo na nga ako"
"ANAK SI CALIX DAW NASA OSPITAL" Dapak! Si Calix? At ano namang ginagawa niya dun?
"MA ANONG NANGYARI SA BOYFRIEND KO?" Mas lalo na kong nataranta ng makita ko ang muka ni mama na labis na nag-aalala
"NAWALAN NG PRENO ANG SINASAKYAN NYANG KOTSE KAYA NABANGGA SIYA SA PUNO"
Hindi na ako mapakali. Hindi na ako nag-ayos sa aking sarili ang importante ngayon ang taong mahal ko.
"Ano ba naman yan Calix! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo" Sigaw ko habang tumatakbo dun sa kotse ko
Pasakay na ako ng kotse ng pigilan ako ng driver namin at sinabing siya na daw ang magdadrive.
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong kailangan ko ng bilisan ba mgo pa mahuli ang lahat.
"Manong naman oh! Konting bilis naman" Dapat talaga ako na lang yung nagdrive eh sobrang bagal naman kasi nitong driver namin.
"Eh maam saan bang hospital?" Anak ng pating! Saan nga ba?
Bumaba uli ako ng kotse at tinakbo ang bahay namin. Tatakbuhin ko na lang imbis na magkotse pa baka abutin pa ako ng siyam-siyam dito
"MA SAAN BANG HOSPITAL?" Sumigaw na lang ako dito sa may harap ng bahay namin. Hindi ko na kinaya yung hingal at pagod kaya hindi na ako pumasok
Nung sinabi na ni Mama yung pangalan ng hospital tumakbo agad ako sa kotse namin at agad sinabi sa driver yung pangalan ng hospital.
"Manong alam mo ba talaga kung saan yung hospital? Eh bukid na to eh nasan yung hospital dito?!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na si kuyang driver
Hindi sumagot si kuyang driver kaya lalo akong nabwiset. Pag may masamang nangyari talaga kay Calix hindi yung doctor sisisihin ko eh etong driver na to!
Maya maya biglang huminto yung sasakyan namin
"Anak ng teteng! Nawalan pa ng gas" Sabi ni Kuyang Driver. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo na lang ako
"MAAM BAKA MALIGAW KA DYAN!" rinig kong sigaw pa ng driver namin lero wala akong pakielam ang importante ngayon ay si Calix.
May nakita akong madaming tao dun sa may gilid kaya nagpunta ako dun baka sakaling alam nila kung saan yung Ospital.
Nagtaka ako ng paglapit ko sa kanila ay bigla silang humawi. Wait! Mabango naman ako ah? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?
"Teka ate alam mo ba yung ospital na maapit dito?" Sabi ko kay Ate na parang gulat na gulat ng makita ako
Umalis na lang ako dun sa pinagtanungan kong ate ng nakitang parang tanga lang itong nakatunganga
"Kuya alam mo ba ang pinakamalap------" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla itong tumakbo
Nagulat na lang ako ng biglang may nagpiring ng mata ko. Shet holdaper ba to? Baka rapein ako nito?
"KYAAHHH! KUYA WAG PO BATA LANG PO AKO HUHUHUU!" Naiiyak na talaga ko. Dapat talaga sinunod ko na yung sinabi ni kuyang driver na wag na lang umalis doon eh
Inakay ako ng taong nagpiring sa akin. Halos matumba tumba na ako sa bilis ng lakad niya halerr naka heels kaya ako
Maya maya bigla kaming tumigil. Biglang nawala yung kamay na humahawak sa akin kaya malaya ko ng matatanggal yung pagkapiring sa akin.
Pagkatanggal ko ng piring halos maiyak na ako sa nakita ko
May heart shape na petal na nakakalat sa sahig at ang loob noon ay ako. Parang pinapalibutan nila ako
Simula pa lang alam ko na kung sino ang may gawa nun.
"Nagustuhan mo ba?" Sabi ng isang tao na hindi ko aakalain na susurpresahin ako ng ganto
"Grabe Cali--- DRAKE!?"
To be continued......
BWAHAHAHA MAY PART TWO PA ITO! GUSTO NYONG MALAMAN KUNG BAKIT SI DRAKE ANG PUMUNTA AT HINDI SI CALIX? 5 VOTES MAGUUPDATE AKO NG CHAPTER 16 :)
BINABASA MO ANG
Revenge [Jadine]
Genç Kurgu"Hindi ako titigil hangga't di ako nakakaganti. Ano ko Tanga? Hahaha. Just wait, wait for my REVENGE"