CHAPTER 2
Nakatingin lang siya sa akin yung para bang sinusuri niya. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa
"Candice? Ikaw na ba talaga yan?"
Nagtatakang tanong niya."Sa tingin mo? Bakit hindi mo na ba ako nakikilala Drake?" Sarsastiko kong sinabi sa kanya.
"Ang laki ng pinagbago mo!" Parang namamangha pa niyang sabi
" Bakit akala mo ba na pagbalik ko dito ganun na pa din ako?" Sabi ko sa kanya. Kahit anong gawin niya hindi niya pa din matatanggi na niloko niya lang ako.
"Oo! Akala ko ganun ka din pero nung sinabi ni Mama na nanalo ka daw sa Miss Philippines eh nagulat na ako." Parang namangha ulit siya.
Ganun ba ako kapanget noon at bakit parang gandang ganda na siya ngayon.
"Ang nararamdaman nga nagbabago, Ang itsura ko pa kaya"
Sinabi ko sa kanya yan at tinalikuran na siya.Ang dami kasing tao hindi ko tuloy mahanap yung table ng mga kaibigan ko. Habang naglalakad ako binabati pa rin ako ng mga nakakasalamuha ko. Nagthathank you na lang ako nagpatuloy na sa paghahanap ng table ng mga kaibigan ko
Kumaway si Alyana nang nakita niya ako. Kumaway din ako sa kanya at dumiretso na sa Table nila. Pabilog ang table kaya medyo maliit lang yun. Umupo ako sa Tabi ni Alyana.
"Girl,Congrats ha? Miss na kita.."
Sabi ni Alyana, sa lahat ng kaibigan ko siya lang talaga ang pinakaclose ko."I miss you too Girl... Thank you nga pala kanina sa pagsuporta sa akin ha!"
"Wala yun! Candice " sabi ni John yung kaibigan kong lalaki
"Kaya nga Candice! Ang galing mo kanina lalo na nung talent sabog eardrums namin kada lalabas ka eh!" Sabi ni Rick , Ang bakla kong kaibigan
Tawanan at Kwentuhan lang ang ginawa namin dun. Ang saya saya dahil sinusuportahan ako ng mga kaibigan at magulang ko sa aking pangarap.
Nang malapit ng mag11 ng gabi tsaka palang naguwian ang mga bisita. Magaling kasi magorganize ng party sila Mami kaya hindi masyadong nabored ang mga bisita.
Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis na at makatulog. Ang dami pa lang nangyari sa araw na ito. Ngayong araw na ito ang daming nagbago sa akin.
BINABASA MO ANG
Revenge [Jadine]
Teen Fiction"Hindi ako titigil hangga't di ako nakakaganti. Ano ko Tanga? Hahaha. Just wait, wait for my REVENGE"