CHAPTER 14

71 8 7
                                    

CHAPTER 14

"Calix wait uuwi muna ako tignan mo naman tong suot ko oh!" Leche kasi nitong si Calix. Sabi niya pupunta kaming palengke kaya nagshort at tshirt tas tsinelas lang ako. Yun pala Date namin to langya edi sana nakapag-ayos ako diba? For sure madaming makakakita sa akin dito tas sabihin wala akong fashion.

"Ok na yan ayaw mo nun Model tas walang arte sa katawan" Sabi ni Calix.

Pwede naman eh nakakahiya lang talaga

"Nakakahiya talaga Calix eh"

"Hayaan mo na parehas naman tayo eh" Sabi niya tapos hinawakan na niya yung kamay ko at pumasok na sa loob.

Konti lang naman ang tao sa mall pero bat Feeling ko ang dami? Feeling ko ang daming nakatingin sa amin? Maganda pa din naman yung suot ko eh, Pake ba nila? -_-

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Calix

"Kahit saan basta yung may makakain hihihihi" Pabebe lang.

"Kailan ka pa naging maarte magsalita?

"Ngayon lang hihihi" Ang sarap talaga asarin nito ni Calix. Ang cute cute niya para siyang Aso pagnagalit maghanda ka na nangdadakmal yan HAHAHA.

"Tsss" Oh diba mas moody siya kesa sa akin.

"Jolibee na lang" Nakangiteng sabi ko

"HUWATT! JOLIBEE? Eww" Tae tong lalaking to ginaya pa ata ako sa pagiging pabebe

"Hoy Calix umayos ayos ka dyan baka gusto mong dito sa mall na ito matapos ang relationship natin"

"Ay sorry na Baby, di na po mauulit" Sabi niya sa akin ng nakangite. As if naman na itutuloy ko yung sinabi ko. Papatayin ko kung sino mang manira ng relationship namin

"Tara na nga sa Jolibee tayo!" syempre ako babae ako masusunod.

"Kaya mo lang naman gusto diyan dahil sa Jadine mo" Nang-aasar na sabi niya

"Wow huh! Kung ayaw mo kumain dun maghanap ka ng kainan mo" Sabi ko tsaka nauna nang maglakad.

Edi kung ayaw niya edi wag as if naman na may pake ako?

"Joke lang baby. Alam mo naman na di kita matitiis eh. Halika na punta na tayo dun" Sabi niya tas niyakap pa ako sa likod.

Ang swerte ko talaga kay Calix. Siya na talaga yung lalaking papakasalan ko.

"Kunwari ka pa alam ko naman na di mo ko matiis"

Hinawakan niya lang na yung kamay ko tas hinanap namin yung jolibee.

Sobrang swerte ko sa lalaking to' Buti na lang talaga at nakilala ko siya. Alam kong si Calix yung mga tipo ng lalaki na aalagaan ka kapag may sakit, Lalambingin ka kapag badtrip ka, Siya yung magsosorry kahit na ikaw ang mali.

Sa lahat ng sinabi ko kahit isa diyan hindi ko naramdaman na ginawa sa akin ni Drake. Siguro kaya siguro kami pinaghiwalay dahil hindi talaga kami para sa isa't isa dahil siguro si Calix na ang para sa akin.

Sobrang saya ko kasi dati akala ko di na magkakakulay ang mundo ko. Laking pasalamat ko kay Calix dahil siya, Siya ang kumulay ng mundo ko. Siya ang nagpaganda.

"BABYYY!" Nataranta na lang ako ng biglang may sumigaw sa may tenga ko. Kanina pa pala kami nakatayo dito sa harap ng Jolibee.

"Ay sorry Calix nawala lang ako sa wisyo" Ikaw kasi eh nang dahil sa iyo nawala ako sa wisyo hihihihi

"Halata nga, Kanina ka pa diyan ngite ng ngite. Ano ba kasing iniisip mo ah? Siguro yung lalaki mo noh? Nakoo pag nakilala ko yan patawarin man ako ng diyos pero mapapatay ko yan" May pagbabantang sabi niya.

"Grabe ka naman Calix. Pano ba yan kaya mo bang mapatay sarili mo? Ikaw lang kasi yung lalaki ko at ikaw lang din yung iniisip ko" Oh ano? Paktay ka sa pick up line ko!

"Di ko alam Candy na marunong ka palang mag-ganyan? Pwede na kinilig ako dun" Sabi niya tas hinawakan na ang kamay ko para pumasok sa Jolibee.

Bat ganun parang sa sinabi niyang yun. YUN LANG yung sinabi niya pero bat kinilig ako? Iba taga tama ko kapag si Calix na.

Ang haba naman ng pila dito sa Jolibee. Buti na lang Gentleman tong si Calix. Siya na daw ang pipila at Bibili ng food namin. Maghanap na lang daw ako ng pwesto.

Nakahanap naman agad ako ng upuan buti naman. Ang dami ngang nakatingin sa akin siguro namumukaan nila na isa ako sa mga model. Siguro nagtataka sila dahil bat ganto ang suot ko or Bat dito ako kumakain?

"Hi po ate Candice pwedeng magpapicture? " Sabi ng isang dalagitang may mahabang buhok.

"Sure" Binigay nya na yung camera niya sa kasama niya at nagpicture na kami.

Sanay naman na ako sa mga ganto. Akala ko nga dati artista lang ang pwedeng mapansin pati rin pala ako? Kahit kailan di ko naisip na magiging artista ako pero kung sakaling may magalok sa akin why not diba?

Pero kunng mag aartista ako alam kong may kapalit. Kapalit noon ang

Pagkawasak ng relasyon namin ni Calix.

.

.

.

.

To be continued... 

A/n: Sobrang bagal po ng update nito parang si Yanajin lang hahaha Charot

Revenge [Jadine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon