CHAPTER 4
"Gusto ko kasing makita si Candy eh" ani ni Calix sabay tingin sa akin at kindat.
Matagal ng may gusto sa akin si Calix. Inamin niya sa akin yun 3 years ago, Nagulat nga ako hindi ko inaasahan na may magkakagusto sa akin noon dahil nerd pa ako. Pero ng tinanong ko siya kung bakit may gusto siya sa akin ang sabi niya ' ang tunay na ganda hindi nakikita sa panlabas sa panloob'
"May gusto ka pa rin pala talaga kay Candice ha?" Ani ni Janine
"Hindi nama nawala yun eh" sabi ni Calix, sabay tabi sa akin at akbay
Umiling na lang ako sa gilid habang pinapanood ko silang magusap-usap.
"By the way! Anong ginagawa niyo dito lalo ka na Candice, dapat di kana lumalabas lalo ngayong sikat ka na" sabi ni Janine
"Nagdadate lang kami! Sumama lang itong si Alyana" natatawang sabi ni Calix nasiyang ikinagulat ko. Magsasalita na dapat si Alyana ngunit naunahan na siya ni Drake.
"Sige, Magdate na kayo mauna na kami"sabi ni Drake sabay pihit patalikod at umalis na ng restaurant.
"Bakit mo sinabi yun sa kanya. Ako pa tong epal eh ikaw nga yung epal dito eh" sabi ni Alyana kay Calix.
"Hindi naman totoo yon. Iniinis lang kita" ani ni Calix at humalagapak sa tawa.
"Bwisit ka talaga!"sabi ni Alyana sabay tayo at hampas kay Calix.
Magpinsan si Alyana at Calix kaya walang malisya yung ginagawa nila.
Lumipat kami sa Pang-apatan na table dahil sasama daw sa amin ngayon si Calix. Habang umoorder si Calix tinanong naman ako ni Alyana
"Huy! Narinig mo naman yung sinabi ni Calix, kanina diba?"
Ani ni Alyana"Yung ano? Madami siyang sinabi kanina? Alin doon?"
"Yung may gusto siya sa'yo. Yieeee! Dapat kasi siya na lang eh! Bagay kaya kayo" nang-aasar na sabi niya
"Tsss. Kayo ang bagay kung di lang kayo magpinsan iisipin ko mag-jowa kayo. Idadamay mo pa ako"
Natatwang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Revenge [Jadine]
Teen Fiction"Hindi ako titigil hangga't di ako nakakaganti. Ano ko Tanga? Hahaha. Just wait, wait for my REVENGE"