Prologue

44 5 2
                                    

Pagkapasok ko sa bar, sinalubong ako ng nakakasulasok na amoy, nakakabinging tugtog, nakakairitang mga babae na kulang nalang ay maghubad. Ngayon lang ako nakapasok sa isang bar at hindi ko inaasahan na ganito pala ang bar. Ang akala ko kasi mga alak lang ang nandito. Hindi pala. Umasa akong matatahimik ang buhay ko kapag nagpunta ako dito. Yung tipong iiyak ako ng kasama ang alak tas mageemote ako magisa, ganon! Pero umasa nanaman ako. Ang sakit lang, lagi nalang ba akong aasa? Ang drama ko letse.

Nagtungo ako sa may mahabang table na merong magkakatabing upuan tapos mayroong mga alak. Umupo ako nang may nagtanong sakin.

"What is your order ma'am?" Tanong niya. Aba, english spoken pala ito? Baka lumabas ako dito ng dumudugo ang ilong ah?

"Magkano ba pinakamatapang niyong alak? Yung kaya akong ipaglaban este kaya akong lasingin?" Tanong ko naman sa kuyang nakaputing damit,puting ngipin,puting mata,puting mukha. Pero punit punit yung damit, may tinga yung ngipin, banlag yung mata, puro peklat yung mukha. Hindi sa nanlalait ako pero nanlalait talaga ako.

"20 thousand lang po ma'am" Sabi niya sabay ngiti ng pagkaganda ganda. Kuya magtanggal ka po muna ng tinga mo. Pero ano daw? 20 thousand?! 20 thousand lang pala e. Kala ko pa naman mga 100 thousand.

"Isa ngang shot ng pinakamura niyong alak" Ang totoo kasi niyan, 500 lang dala kong pera. Kinupit ko pa yung 200 sa wallet ni mama,200 kay papa,50 kay kuya,30 kay bunso, 20 sa tindahan namin tas yung pinangbayad ko sa taxi play money lang. Buti tanga yung driver saka madilim. Sabi ko pa nga sa driver 'Keep the change' aba tuwang tuwa ang loko.

"Here's your shot ma'am. 500 pesos only" Sabay abot sakin ng baso. Maluha luha kong inabot sakanya yung pera kong 500. Pano ako uuwi neto? Sana pala sinunod ko yung payo ni papa na mag empi nalang ako.

Sumipsip ako sa baso. Oo, sumipsip! Papatagalin ko to ng isang oras. Susulitin ko yung 500 ko. Di ako papayag na masayang lang yung kupit ko! Inikot ko yung tingin ko sa loob ng bar. Para kasing may nakatitig sakin e. Nang dumako ang dalawa kong mala anghel na mata sa isang sulok ay namataan ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin, nakatitig pala. Ipinagsawalang bahala ko ito at sumipsip pa sa baso ko.

"Kuya, pakibantayan tong alak ko ah? Pag nawala yan babayaran mo presyo niyan ng triple. Pinaghirapan ko yung pinangbayad ko jan. Magtanggal kana rin pala ng tinga mo. Oh eto papel, tupiin mo nalang para matanggal tinga sa ngipin mo. Joke lang haha"

Nagtunggo ako sa gitna. Maraming nagsasayawan dun. Nakisabay naman ako sakanila. Ganto pala yung feeling. Ang saya pala. Mayroon pa ngang mga lalaki na sumasabay sakin hinayaan ko nalang. Pero natigil ako ng makita yung taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon. May kahalikan siyang babae. Lumapit pa ako ng konti sakanila. Kinurot ko pa yung mukha ko pero siya nga talaga. Napatingin siya sakin.

"Oh, Hi miles. I didnt know na nagpupunta ka pala dito? Meet my girlfriend, queenie and meet my friend, miles" Nakangiting sabi niya. Gago! Ikaw dahilan kung bat ako nandito! Queenie daw? Yuck ang baho at panget ng pangalan, parang siya. Tas ano daw? Friend?! Ang kapal ng mukha mo!

"Hi, nice to meet you." Sabi ng panget tas abot ng kamay. "It's not so nice to meet you" Sabi ko naman sabay ngiti ng plastic. Hininaan ko lang yung not. Baka masabunutan ako netong hipon na to bigla.

"What are you doing here? Are you with someone?" Tanong niya. "Yes. Im with my boyfriend" Sagot ko. Pwe, wala nga akong manliligaw boyfriend pa kaya. Napapaenglish tuloy ako bigla.

"I see, nasan siya?" Ano daaaaaaaw? Patay. Inikot ko yung paningin ko. May nakita akong lalaki na nakatalikod pero medyo malapit sakin. Hinila ko siya tas bigla kong hinalikan. A passionate kiss. Nung una di siya tumutugon pero nang medyo matagal na ay tumugon na ito. Hanggang lumalim ang halikan namin. Ang passionate kiss ay naging torrid. Di ko alam kung pano ko to nagagawa ngayon. Di naman ako marunong humalik. Nang mauubos na ang hininga ko ay kumalas na ako.

"He's my boyfriend. So alis na kami ah? Mukhang nabitin boyfriend ko e. Ciao!" I winked. Ha! Ano pahiya ka ngayon no. Hinila ko palabas tong istrangherong kasama ko. Pagkalabas namin ay binitawan ko siya at tinignan. O___O Siya yung lalaking nakatitig sakin.

"I enjoyed our kiss. I will see you again. Im sure about that, Miles." Sabi niya sabay ngisi. Whaaaaaaaaaaaat? Ano daaaaaaw? Ang gwapo niya. Pero may naalala ako. Maiyak iyak akong pumasok sa loob ng bar at nagtungo sa lalaking pinagbantayan ko ng alak ko.

Nakita ko na walang laman yung alak ko! Nabuhayan ako ng loob.

"Oy bat walang laman yan? Bayaran mo yan ng triple. Kung hindi isusumbong kita sa manager mo!" Sabi ko. "Ma'am hindi po yan inyo. Eto yung inyo." Sabay abot sakin ng basong may laman na alak, bawas na ito. Inamoy ko yung baso. Amoy laway ko.

Nanlulumo akong lumabas ng bar. Paano ako uuwi netoooooo?

--------------------------------------------------
Typos and grammatical error everywhere. I badly need your understanding. This is my first story na itutuloy ko. So goodluck to meee :")

04/26/16 4:52

Kissing A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon