Gusto ko saksakin ng paulit ulit si Brian dahil sa panloloko niya sakin. Pero alam ko naman na hindi ko magagawa yun. Bat kaya kahit niloko niya ako mahal ko pa rin siya? Ang tanga tanga ko dahil minahal at minamahal ko siya. Masyado akong maganda para iyakan siya. Naalala ko tuloy yung istrangherong lalaki na nakahalikan ko. Ang gwapo niya. Ang ganda nga mata, ang tagos ng ilong, mahihiya yung tigyawat sa muna niya. Tapos yung ano... yung labi niya. Geez i'm inlove with his lips. Pano kaya niya nalaman pangalan ko? Pag nagkita kami ulit tatarayan ko muna siya. Syempre dapat magpakipot muna ng konti. Wag bibigay agad. Para di mag mukhang easy to get.
"Dito nalang po" Narinig kong sabi ni Alyssa. Nanlaki mata ko sa inorder niya. Pang isang linggong pagkain namin to ah? "Bat ang dami mong inorder? Pag may tira iuuwi ko ah? Patake out mo dun sa counter" Sabi ko. Tumango naman siya. Tahimik kaming kumakain ng bigla siyang nagtanong.
"Are you okay na ba? Imean dun sa nangyari sainyo ni Brian and Angela" I don't know. Maybe yes, maybe no. "Ofcourse" Sagot ko nalang. "Really? Good to hear that. He didnt deserve your tears anyway. Tigas ng mukha e. Kala mo kagwapuhan. Helloooo, mas pogi pa kuya mo dun e." Pagkabanggit niya nun biglang nagsparkle mata niya. Nagtuloy tuloy ang pagkain namin. At gaya nga ng sabi ko. Pinatake out ko yung tira. Makakatipid kami neto.
"So see you later Miles. Iloveyou bff" Sabi niya sabay yakap sakin. Tumakbo siya pagkatapos niyang sabihin yun.
Mabilis na natapos ang klase ko. Mabilis kasi tinulugan ko. Nasa hallway na ako ng may tumawag sakin. "Mileeeer" Isang tao lang ang tumatawag sakin niyan. Paglingon ko ay tama nga ang hinala ko.
"Oh bakit yun, Gab?" Siya ang kababata ko. Gabriel Clayford, 18 he's taking marketing. Kasali rin siya sa varsity ng basketball namen dito sa school and take note. He's one of a hella popular here in our school. Pero sabi niya wala naman siyang pakeelam dun. Mayaman din sila. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpin.
"Wala lang. Namiss ko lang yung kababata ko. Di ko na kasi siya nakakasama e" Ang sweet talaga neto ni Gab. Kaya maraming naiinlove e. "Sus nanlambing pa. Ikaw kase masyadong busy sa basketball kaya nakakalimutan mo na ako" Nagtatampong sabi ko. Malapit na kasi yung tournament kaya todo practice sila. Kailangan nila ipanalo yung game. "Sorry na. Kailangan e" Sagot niya. "I understand naman. Oh alis nako ah? Kailangan ko umuwi. Anong oras na e. Baka makurot pa ako sa singit ni mama. Alam mo naman yun e. Mahal ako masyado. Bye Gab" Paalam ko. "Bye Miler. Takecare!" Nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ako pabalik.
Nasa tapat na ako ng gate nang may makabunggo akong isang pader. Tigas kasi e. Pero may nakita akong dalawang pares ng paa ka sigurado akong hindi ito pader. Naglahad ito ng kamay at iniabot ko naman. Nagangat ako ng tingin at nakakita ano ng anghel. Para akong nasa langit habang nakatingin sa kanya. Myghad anong nangyayari sakin?
"Done checking me out, Miles?" Nakangisi niyang tanong. "Excuse me, you're not my type. So shut up" Pabebeng sagot ko pa. Syempre pakipot muna ng konti. Wag bibigay agad. "Sige, sabi mo e." Ghaaaaad, ang hot niya magtagalog. Although may slang ng konti pero ang hot talaga.
"What are you doing here?" Tanong ko sakanya. "I'm here to fetch you" Ah yun lang pal----- Ano daw? "No way!" Angal ko. "Yes way" Sabi niya. Okay madali akong kausap. Pakipot lang ng konti. Konti lang dapat. Baka mawala pa e.
Hinawakan niya yung kamay ko tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang bango ng kotse niya. Kasing bango niya. Suminghot singhot pa ako "What are you doing?" Nagulat ako nang magsalita siya. Nakita niya yung ginawa kooooo? Nakakahiya. Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko. "Nothing. How'd you know my name?" Tanong ko. "I heard your conversation with your ex." Sagot niya. "I see" Tinuro ko sakanya yung street namin.
"Thankyou sa paghatid." Nakangiting sabi ko. "May bayad yun" Sabi naman niya. "Huh, ano?" Di naman halata sa mukha niya na mukha siyang pera. "Eto" He gave me a passionate kiss. Tumugon ako. Ang sarap ng labi niyaaaa. Nang matapos ay bumaba ako ng namumula ang pisngi. Nakaalis na siya.
Dinukot ko ang sais ko sa bulsa. Nagpunta ako ng tindahan at bumili ng pepsi.
------------------------------------------------------
04/27/16 12:38
Goodnight :")
BINABASA MO ANG
Kissing A Stranger
Romance"Tama na please! Sobrang sakit na. Nagmahal lang naman ako, minahal lang naman kita. Masama ba yun? Ang sakit sakit na kasi e. Sorry kung umasa ako na mamahalin mo rin ako. Im leaving. Iloveyou and goodbye, Yohan." - Miles Skyler Shin