Chapter Six

26 2 1
                                    


Ala-una na ng madaling araw pero dilat na dilat parin ako. Pagkatapos kasi namin magkiss lumabas ako agad ng kotse niya. Mas mapula pa sa kamatis at mas mainit pa sa kape yung mukha ko nun. Dumiretso agad ako sa kwarto. Damang dama ko yung sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos may gusto daw siya sakin pero di ko alam kung paniniwalaan ko. But I choose to believe him. Wala naman sigurong mawalala kung paniniwalaan ko siya. Though masasaktan ako kung pinagtitripan lang pala niya ako. Pero the way he stare at me i know na he's sincere. Hindi naman siguro siya yung tipo ng lalaki na kagaya ni Brian e. Nararamdaman kong hindi. Ewan ko kung bakit ako napapangiti kapag naaalala ko siya. Gusto ko lang naman siya e. I admire him very much. I know na hanggang dun lang yun. Tinignan ko yung phone ko. Pinatay ko kasi ito kanina. Pagkabukas ko ay may text si Yohan. Eto nanaman yung puso ko. Kalma lang heart.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Yohan <3

I mean it Miles, I like you.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Sana nga Brian. Sana. I can't bear another heartbreak anymore.

NAGISING ako sa ingay na naririnig ko mula sa sala. Mukhang nagkakatuwaan sila. Walang pasok dahil sabado ngayon. Pumasok ako sa cr at naligo. Nagsuot lang ako ng stripe black and white na longsleeve na tinupi ko hanggang siko at isang maong short. Dito lang naman ako sa bahay e.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Yohan. Anong ginagawa niya dito? At kaya pala mukhang nagkakatuwaan sila kase may dalang pagkain si Yohan at masaya nilang pinagsasaluhan iyon. Masaya akong nakikita silang masaya dahil kay Yohan. Sana di na matapos at magtutuloy pa ito. Mukhang napansin ako ni mama.

"Gising na pala ang sleeping beauty natin. Halika na dito, sabayan mo na kami kumain. Madaming dalang pagkain yung boyfriend mo" Aya niya sakin. Napatigin naman sila sakin. Alam kong maganda ako. Wag namam nila masyado ipahalata.

"Di ko po siya boyfriend mama!"

"Eh dun rin naman punta niyo. Sige na, kumain kana dito" Dun daw punta namin. Sus! Alam ko naman na yun. Hahajk. Sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si Yohan. Sabatero tong poging lalaking to.

"Ay hindi na po ma. May pupuntahan po kasi kami e. Ako na bahala magpakain sakanya" Napapadalas yung pagtatagalog niya ah? Saka mama tawag niya kay mama. Kinilig naman ako dun hihi. San kaya kami pupunta? Sana itanan niya na ako. Sawa nako sa pagmumukha nila dito. Haha joke lang. Mahal na mahal ko tong mga to.

"Oh sige. Basta alagaan mo iyang prinsesa namin. Alis na shoo. More foods to come okay?" Sabi naman ni papa. Aba tinataboy kami. Kung ibang lalaki to sigurado ako na di to makakapasasok sa bahay. Medyo strict kasi si papa sakin pagdating sa lalaki. Ayaw daw niyang mawalan ng prinsesa. Diba ang sweet.

"SAAN ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Mahigit limang oras na kasi kaming bumabyahe. Natulog akong nasa sasakyan niyang umaandar. Gumising naman ako ng umaandar parin yung sasakyan niya. Alam kong pagod na ito.

"Malapit na tayo baby. Just wait" Sabi niya. B-baby? Naramdaman kong naginit yung mukha sa kaya tumungin nalang ako sa bintana. Hindi ako pamilyar sa lugar na to. At napansin kong paakyat kame. Maraming puno dito kaya hindi kami nasisinagan ng araw. Di pa man ako nakakababa ay pakiramdam ko presko dito. Naramdaman kong huminto yung sasakyan niya. Mabilis siya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkababa ko ay napaawang ang labi ko.

"W-wow!" Nasambit ko nalang. Nasa mataas kaming lugar at kitang kita ko dito yung bayan na nadaanan namin kanina. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Wala naman kasi akong sariling sasakyan para magroadtrip at hindi ko naman kailangan yun. Sabi kasi ni mama dati makuntento dapat kami sa kung anong meron kami at sa kung anong kaya lang nilang ibigay namin. Mabubuhay naman kami kahit na walang sasakyan,cellphone at iba pang mga mamahalin, basta meron kaming nakakain sa pangaraw araw namin. Napatingin ako kay Yohan na nakatitig sakin. Naiilang ako sa titig niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kissing A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon