Take a piece of my heart, and make it all your own. So when we are apart, you'll never be alonee ~
Narinig kong tumunog yung ringtone ko. At sino naman kaya ang walanghiyang tumatawag sa magandang ako.
Calling GnYhnForonDAMIMONGDAMA
"What was that? Are you crazy?" Bungad niya sakin. Huh? Anong tinutukoy neto? Ah siguro yung sa reply ko kanina.
"Ayaw mo? Okay. Madali lang ako kausap. Ibababa ko na to" Ang laki ng ngiti ko habang hinihintay yung sagot niya.
"W-wait. Fine! I will do it tomorrow." Isang Gin Yohan Foronda maglalakad ng nakaboxer bukas sa buong campus? "Pffftt..HAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko na napigilan yung sarili ko na tumawa.
"Why are you laughing?"
"I was just joking. But i didnt know that you will take it seriously. But why not? Right?" Taas baba sa kilay ko na para bang nakikita niya ito.
"N-no, no! Ako na bahala bukas. Just trust me." Sagot niya sakin. Bumilis tibok ng puso ko. Lalo na nung nagtagalog siya.
"Okay. Goodnight. Bye" Sabay pindot ng end call. Naramdaman ko naman yung pagvibrate ng phone ko.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
GnYhnForonDAMIMONGDAMAGoodnight Miles. See you tomorrow.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Makatulog na nga. Baka mabaliw pa ako ng wala sa oras dito e. Hays Gin Yohan. How can you make my heart beats so fast? It was only 3 days since the day we've met, and i think i like him. Oh ano naman? Like lang naman e. Di pa naman love kaya wala akong dapat alalahanin. Itulog ko nalang to. Kulang lang ako sa tulog.
★★
5am palang gising na ako. This is not me. Lagi akong gumigising ng 6am minsan nga 6:30 pa. 7am yung pasok ko. Bat kaya ang aga kong nagising? Hindi kaya excited ako mamaya sa gagawin ni Yohan? Ugh no. Erase erase. Maaga lang ako natulog kay maaga ako nagising. Naramdaman kong kumulo yung tiyan ko. Oo nga pala. I didnt eat last night. Nasa kwarto lang ako. Pagkalabas ko ng kwarto nagluluto palang si mama.
"Bat ang aga mo naman yata gumising?" Lumapit siya sakin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang ulo ko. Sabay pumikit. Anong gagawin neto? "Kung sino ka mang masamang espirito na sumanib sa anak ko. Lubayan mo siya! Lubayan mo ang anak na---"
"Ma! Ano ba yang ginagawa mo? Ikaw yata yung sinaniban jan e. Magluto kana lang jan at gutom na ako. Hindi ako kumain kagabi" Nakabusangot kong sabi. Nababaliw na talaga tong nanay ko. Huling ganun niya sakin nung naghugas ako ng plato kasi sobrang walang magawa.
Nung matapos siyang magluto. Nilantakan ko agad yung pagkain. Kinakausap nila ako pero di ko sila pinapasin. At wala akong balak kausapin. Gutom ako, gutom! Kaya wag nila ako kausapin. Pagkatapos kong kumain nagsalita si kuya.
"Nagtira ka pa!"
TAPOS na ako maligo nang narinig ko na ang busina sa kotse ni Yohan. Alam kong siya yun kase nagtext siya sakin na susunduin niya ako. Ganda ko shet. Lumabas na ako at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Yohan. Ngumiti siya sakin at ngumiti rin naman ako sakanya. Hinawakan niya yung kamay ko saka pinagbuksan ng pintuan. Naramdaman ko naman yung pamumula ng pisngi ko. Yohan naman eeeeee.
"Miles. Im sorry" Sirang plaka ba tong lalaking to? Paulit ulit na nagsosorry e. Pero may naisip ako.
"Sige basta you will allow me to call you Yohan" Mukhang pinagiisipan niya. Pero di rin naman nagtagal yun.
"Okay" Napangiti ako. "Let's cut our class" Dugtong pa niya.
"Tara. Gusto ko pumunta sa park. Namimiss ko na kumain ng barbeque"
At yun nga. Nagpunta kami sa park na madalas kong puntahan. Maraming bata sa park na to at marami din ditong street foods na umuubos talaga ng pera ko. Hinila ko si Yohan sa binibilhan ko ng inihaw. Tinignan ko siya at mukhang ngayon lang siya nakakita neto kasi parang nandidiri siya.
"Seriously? Are we going to eat that?" Aba maarte kang lalaki ka ah.
"Oo, masarap yan. Aling gemma sampung order nga po ng isaw, limang dugo,limang balat saka dalawang tenga." Mukang ngayon lang ako napansin ni aling gemma.
"Miles iha, nanjan ka pala. Sige balikan mo nalang ito. Maya maya ay luto na ito" Sabi naman niya.
"Sige po aling gemma" Magalang na sagot ko naman. Pumunta ako sa bilihan ng kwek kwek at saka kumuha ng mangkok para paglagyan ng kwek kwek ko. Kumuha ako ng sampu at nilagyan ng suka. Nakatingin lang sakin si Yohan. Tumusok ako ng isa at tinapat sa labi niya. Kinain naman niya. Nagtuloy tuloy ako sa pagkain at tinignan ko itong katabi ko. Aba may hawak na ring mangkok at mas marami pa ang binili kaysa saakin. Matapos namin kumain ay binayaran niya ito.
Bumalik kami kay Aling gemma. Luto na ang inihaw namin. Kinuha ko naman ito at binayaran ni Yohan. Kumuha ako ng isang isaw at sinasawsaw sa sukang maanghang. Ginaya naman ako ni Yohan. Pati yung pagkain ko ng isaw ginaya niya rin.
"Ano masarap?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya. Inisa isa niya yung inihaw na binili namin. Mas marami pa siyang nakain kaysa sakin e. Nang matapos kami ay nagpunta kami sa playground. Nagulat ako ng may batang humawak sa akin.
"Taya!" Sabi niya sabay takbo. Mukhang sinali ako sa laro nila. Lumapit naman ako kay Yohan at tinaya siya. Di niya alam yung laro kaya pinaliwanag muna namin ng mga bata. At nang alam na niya, naglaro kami ng naglaro. Nakita kong tumatawa si Yohan kaya napangiti ako.
Napaupo kami sa damuhan pagkatapos namin maglaro. Grabe nakakapagod pero ang saya.
"Bibili muna ako ng tubig" Sabi ko. Pagkabili ko ay nandoon pa rin siya. Inabot ko sakanya yung tubig niya.
"We should go home. Anong oras na oh." Sabi ko sakanya. Nasa tapat ka kami ng bahay namin nang magsalita siya.
"Thankyou for this day Miles. Pinaexperience mo sakin yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa at hindi ko magagawa kung hindi kita nakilala." Bumibilis nanaman tibok ng puso ko. Sana lagi nalang siya magtagalog. "I like you, Miles" Napaawang yung labi ko.
"W-what? You like me?"
"Yes, i really like you" Then he kissed me. Passionately.
------------------------------------------------------
04/30/16 1:42pmSorry kung maiksi yung mga chapter.
BINABASA MO ANG
Kissing A Stranger
Romance"Tama na please! Sobrang sakit na. Nagmahal lang naman ako, minahal lang naman kita. Masama ba yun? Ang sakit sakit na kasi e. Sorry kung umasa ako na mamahalin mo rin ako. Im leaving. Iloveyou and goodbye, Yohan." - Miles Skyler Shin