Chapter One

20 3 0
                                    

"Manong bayad po!" Sabay abot ko ng sais pesos ko sa driver.

"Kulang pa ng dos neng" Sabi niya. Huh? Nakadrugs ba to?

"Mawalang galang na ho. Estudyante po ako kaya sais lang po ang ibabayad ko" Magalang na sagot ko pa. Hindi ako papayag na utakan ako basta pera no!

"Walang estu-estudyante rito! Kung gusto mo sa ibang jeep ka sumakay." Banas na sagot niya. Etong kalbo na to mukhang pera. Di ako makakapayag. Nakita ko na yung gate ng school. Makakalibre pa ata ako ah.

"O edi sige, akin na yang bayad ko at bababa nalang ako." Padabog naman niyang iniabot sakin ang pera ko. Bumaba ako ng nagdadabog din, pero sa loob loob ko ay nagdidiwang ako. Yes! May pang pepsi ako mamaya paguwi ko.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiing

Pagkarinig na pagkarinig ko palang sa bell ay kumaripas na ako ng takbo. Humihingal na umupo ako sa upuan ko. Buti nalang wala pa yung matandang dalaga na mainit ulo palagi samen. Si Miss Tokatakak, na bagay na bagay sakanya kase pag binaliktad mo. Kakatakot.

My name is Miles Skyler Shin. 17 yrs. old, nagaaral ako dito sa St. Laurel University, 4th year college, bussiness management yung kinuha ko kase gusto ng magulang ko. Okay naman sakin, pero gusto ko yung kursong may kinalaman sa arts. Mahilig kasi akong magdrawing. Vanessa Shin at Roland Shin ang pangalan mga magulang ko. Si mama pure pilipino, si papa pure korean pero wala siyang alam na korean words kase dito siya sa pilipinas lumaki at ampon lang siya. Dinala siya sa ampunan na nakalagay sa basket na may pangalan niya. May dalawa akong kapatid. Ang kuya ko si Rowen Shin, yung bunso naman namen si Eugine Shin. Masaya ako na sila ang pamilya ko at kuntento nako.

Natigil ang pagmumuni muni ko ng pumasok ang matandang hukluban sa room namen. Napatayo ng tuwid lahat ng classmate ko.

"Goodmorning losers" Losers daw? Sarap banatan neto.

"Goodmorning Miss Tokatakak" Sabay sabay nilang sabi. Oo nila. Masyadong precious yung goodmorning ko.

Ang boring ng lecture niya. Alam ko naman na yung mga tinuturo niya e. Di sa nagmamayabang pero nagyayabang talaga ako. Matalino ako. Nagaaral ako magisa by reading. Tinuturuan ko yung sarili ko. Kaya nga kapag di na nagaabala si tandang hukluban na tawagin pa ako sa klase para lang magrecite. Alam niya kasi na alam ko na yung sagot.

Kriiiiiiiiiiing

Ako unang lumabas ng room. Nauna pa kay matandang hukluban. Nilingon ko siya ng may ngisi sa mukha. Di naman maipinta yung mukha niya.

Nasa hallway palang ako ng makarinig ako ng nakakarinding boses.

"Mileeeeeeeees" Asdfghjkl. Di naman nila kailangan isigaw yung maganda kong pangalan e.

"Ano bang problema mo Alyssa?" Tanong ko. Alyssa Smith, 17. 4th yr college. Civil engr kinuha niya. Mayaman sila pero kahit kailan hindi siya umapak ng tao.

"Let's go to cafeteria na. Im so hungry na e. It's my treat" Sabi pa niya. Bangasan ko tong conyo na to e. "Oh ano pang hinintay mo? Tara na! Wag ka pabagal bagal jan. Libre mo pala e" Sagot ko naman. Sana kanina pa niya sinabi na libre niya. Dapat 'Uy miles let's go to cafeteria. My treat' Ganyan dapat.

Nagtungo kami sa cafeteria. Nagpunta siya sa counter para bumili ng pagkain namin. Habang naghanap naman ako ng mauupuan namin. Ang tagal naman netong babaeng to. Gutom na mga alaga ko e.

'Girls. Did you hear the news? May nagtransfer daw ditong pogi. Im so excited'
'Really? Omg, can't wait'
'Kailangan ata natin magpa salon later'
'I agree'

Di ako makapaniwala na magsasayang sila ng pera para lang dun. Kung ako sakanila ipangbabar ko yun este ipangbibili ng grocery sa bahay. Saka-------

Naramdadaman kong tutulo yung luha ko kaya yumuko ako. Yung ex kong si brian. Remember? Yung sa bar. Kasama nanaman yung babaeng hipon. Hanggang ngayon kase nasasaktan parin ako sa ginawa niya sakin e.

Flashback

One month na kami ng boyfriend kong si Brian. Super sweet siya. Araw araw siyang nageeffort sakin. Kaya ngayong monthsary namin pupunta ako sa condo niya and i will give myself to him. Siguro mahal na mahal ko lang talaga siya kaya handa kong isuko ang bataan sakanya. Buti nalang naghilod ako ng singit kanina kaya ready ako.

Nagjeep ako patungo sa condo na tinutuluyan niya. Nang nasa tapat nako ng unit niya, hindi na ako kumatok. Pero bat ang dilim? Lumapit ako sa kwarto niya when i heard moans and groans. Unti unting tumulo yung luha ko. Pagkabukas ko ng kwarto.

Nakapatong si Brian sa isang babae na di ko makita yung mukha. I was shocked and angry. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ginagawa nila. Pero tanga siguro ako kung bakit ako nagpaloko sa mga salita niyang nakakaloko. Sa mga ngiti niyang akala mo totoo. Yung iloveyou niyang akala mo panghabang buhay. At yung mga pangako niyang paniniwalaan mo. Ang sakit lang.

Nakita ko yung mukha ng babae. Bakit siya? Bakit bestfriend ko pa? Bakit si Angela pa? Hindi ko matanggap. Nabitawan ko yung bag ko na may laman na panty,bra,dress at condom. Napatingin sila sakin.

'What are you doing here miles?' Tanong niya. 'Bat mo ako niloko?' Humahagulgol kong tanong.

'Hm, nothing. Sawa na ako sayo at ang boring mo maging girlfriend' Ang kapal ng mukha. Lumapit ako sakanilang dalawa at saka sinampal ng pagkalakas lakas. Pagkatapos nun ay walang sabi sabi na lumabas ako ng condo niya. Fvckyou sila pareho! Ang panget ng pinalit niya saken. Paa ko lang yung bestfriend ko e. Di ko na pala bestfriend yun. Ahas siya, ahas!

Kinabukasan nun ay yung araw na nagpunta ako sa bar.

----------------------------------------------------

04/26/16 09:15

Kissing A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon