"Miles" Rinig kong tawag saken ng kuya ko. "Bakit yun kuya? Miss mo na agad ako? Ang sweet talaga ng kuya ko" Ngiting tagumpay ko pang sabi. "Asa. Nawawala yung 50 pesos ko, nakita mo ba?" Tanong ni kuya. "Yung 200 ko rin nawawala" Sabay na sabi ni mama saka ni papa. "Yung 30 ko nga rin e." Si bunso naman. Sabay nagtinginan sila sakin.
"Oh ano? Bat sakin kayo nakatingin? Pag may nawawala ako agad ha? Ako yung nawalan dito. Nawalan ako ng minamahal tas ako yung pagbibintangan niya ha?" Ginagawa ko yung best ko para lumuha yung mata ko. Nakatitig ako sa electricfan. Ayan. Konti nalang luluha na. Naramdan ko na tutulo na luha ko. Humarap ako sakanila. "Sana bago kayo mangbintang. Alamin niyo muna yung nararamdaman ko." Madrama ko pang sabi. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Yes! Effective yung drama ko. Nakita kong paiyak na rin sila kanina e. Im so proud of myself.
Alam kong pagkatapos kong magdrama ay hindi na nila ako tatanungin about dun sa nawala nila pera na kinupit ko. Pero ayos naman din kasi nakilala ko yung istrangherong pogi na hinatid ako kanina. Eeeeeeeee kenekeleg eke eneb--- erase, erase. Dapat magpakipot muna ako. Hindi ako easy to get. Pero di ko pa alam pangalan niya. Ang tanga mo talaga Miles, nahalikan mo na pero di mo naman alam pangalan. Ugh! Sabi naman niya magkikita pa kami e. Pero pano naman kaya? Eh wala naman kaming communication, pangalan nga niya di ko alam e.
Bzzzzzzzt
Natigil ang pagmumuni muni ko nang magvibrate ang phone ko. Oo may phone ako! Di lang halata. Branded tatak netong phone ko. S.K.K yung taktak. Di ko alam kung bat skk yung tatak e. Basta ang alam ko sa kalye kalye ko ito binili. 250 lang naman kaya palag palag na. Hindi ko naman kasi kailangan ng magarang cellphone. Wala naman akong pambili saka masisira lang agad sakin yun. Binasa ko ang nilalaman ng mensahe.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Unknown numberHi, Miles. See you tomorrow :)
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Huh? Sino naman kaya ito? Hindi kaya ito ang kikidnap sakin bukas? Eto na ba yung karma ko kasi nangupit ako? Noooooo. Hindi pwede. Ay bat ba nagiisip ako ng ganun? Walang kikidnap sakin kasi wala naman silang makukuha sakin. Hindi kaya? Nooooooo. Wag yung virginity ko pleaseee--- "Hoy bat ka ba sumisigaw jan?" Sigaw ni kuya sakin habang nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko. "Leave me alone kuya. Sinaktan niyo ako" Madrama kong sabi. Nakita ko namang lumambot yung mukha niya. At saka umalis. Sus, wala pala sila e. Kasalanan to nung nagtext e! Nagreply ako.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
To: Unknown numberHu u poh? Jowa poh 2 nie MiLes.
#gm xa isa
#VhenTehXinco∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Ayan hahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Binabaliw ako neto ni Mr. Unknown ah. Masend na nga. Sure ako di na to magrereply.
Sending failed
Asdfghjkl. Kaya pala sure ako na di na to magrereply kasi wala na akong load. Anong wala ng load? Wala nga pala talaga akong load. At wala akong balak magpaload. Dagdag gastos lang yun. Ipangbibili ko nalang yun ng pepsi saka isaw. Edi dumighay pa ako, dahil sa pepsi. Naramdaman kong bumigat ang talukap ng mata ako. At nagpadala naman ako.
※※
Beeeeeeeep beeeeeeeep
Nagising ako sa ingay ng busina. Teka busina? Kuparipas ako ng takbo palabas ng bahay nang hindi manlang naghihilamos at nagpapalit. Naka spongebob akong pantulog. Pagkalabas ko ng bahay ay sakto naman pagbaba ng tao sa bumusinang sasakyan.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong sakanya. "Sinusundo ka. Hindi ba halata? Sabay tayong papasok." Nakangising sabi niya. Ano daw?
Sinusundo kita?
Sabay tayong papasok?Whaaaaaaaaaaaat?
----------------------------------------------------
04/28/16 12:17 am
BINABASA MO ANG
Kissing A Stranger
Romance"Tama na please! Sobrang sakit na. Nagmahal lang naman ako, minahal lang naman kita. Masama ba yun? Ang sakit sakit na kasi e. Sorry kung umasa ako na mamahalin mo rin ako. Im leaving. Iloveyou and goodbye, Yohan." - Miles Skyler Shin