Paper Planes
written by: Lesanlaine
-
Ang buhay ng tao ay parang isang pelikula. Walang may alam ng tiyak na katapusan at simula, maging ang mga kaabang-abang na pangyayari sa gitna. tanging ang mga may katha lamang ang unang nakasaksi nito.
Araw-araw may mga tao tayong nakasasalubong sa kalsada, sa parke, at maging sa paaralan. Hindi mo sila kilala. Hindi ka rin nila kilala. Maaring magtagpo ang inyong mga mata sa loob ng ilang sandal, subalit mabilis mo rin itong iiwas ng tingin.
Napukaw niya ang pansin mo ngayon, ngunit maaring makalimutan mo na siya kinabukasan.
Sa iyong palagay, ilan sa mga tao ang nakasalubong mo noon, nakasama sa isang lugar, nakausap panandalian, ang hindi mo na mamumukhaan kapag nakasalubong mo ulit ngayon?
Maaaring marami sila, kakaunti, at maaaring hindi mo na talaga tanda.
Sa araw-araw na paglabas mo ng bahay, marami ka ulit makikilala, makikita, makakasalamuha, at malalagpasan.
Sinu-sino kaya sa kanila ang magiging parte ng nagpapatuloy mong kwento? Sino sa kanila ang mag-iiwan ng malaking marka sa buhay mo?
~
