6

23 3 0
                                    

[6]

[Kimberly]

Matapos ang ilang linggo na paghiwalay sa'min ni Aleiza, nalaman na niya ang mga bagay na ipinagtataka niya noon. Ilang linggo rin siyang hindi nakasama sa'min dahil doon sa sinasabi niyang kaibigan niya na si Carina. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang kaibigan niyang iyon. Binabanggit niya lang sa'min ang pangalan ngunit hindi namin nakausap kahit isang beses ang itinuturing niyang kaibigan. Hindi rin namin nakita ito, hanggang sa araw na kumalat ang poster niya sa paaralan.

Hanggang sa napagpasiyahan naming magkakaibigan na sundan si Aleiza sa tuwing magpapaalam siya na hahanapin ang kaibigan niyang si Carina. Noong una pa lang ay nakahalata na kami na may iba sa kinikilos ng aming kaibigan.

Ito ay noong isang linggo na ang nakalipas, tinawag namin siya para makausap ngunit nagpaalam siya na may lalapitan saglit. Naghintay kami sa pwesto namin, hinintay namin kung sino ang sinasabi niyang lalapitan niya para kausapin. Nagtaka kami dahil doon siya nagdiretso sa kabilang upuan na kung saan wala naman nakaupo. Bakanteng-bakante ang upuan na iyon.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil na rin sa gulat. Binalewala namin ang nakita, inakala namin na namalik-mata lamang kami noon o kaya naman ay isa iyon sa mga biro na ginagawa ni Aleiza sa'min para mapatawa kami.

Ngunit hindi lamang ito ang ikinabahala naming magkakaibigan. Ang isang pangyayari na labis naming ikinagulat ay noong magkakasama kami na kumain. Nakapila si Aleiza noon para bumili ng kakainin, pinagmasdan namin siya habang nakapila, may nilingon siya para kausapin. Kitang-kita namin na maging ang babae na kumukuha ng bayad ay napahinto at napatingin din sa kanya. Kakaiba ang kinilos niya noon. Bakas sa mukha niya ang saiya habang may kinakausap na hindi naman namin nakikita. May kasama siyang tumawa kapag naglalakad pero wala naman siyang kasabay. May pinapayungan pa nga siya kung minsan pero wala naman siyang ibang kasama.

Nagawa namin na sundan si Aleiza nang hindi niya namamalayan. At ang huling bagay na nakita namin na ginawa niya ay noong nagpunta siya sa bahagi ng aming unibersadad na kung saan maraming puno at medyo liblib.

Bihira ang mga mag-aaral na magtungo sa lugar na iyon. Bukod sa hindi ito nalilinis, mukhang hindi may kaaya-ayang nilalang ang namamalagi rito.

Pinagbawal na rin ang pagpunta sa lugar na iyon dahil sa napabalitang panghahalay sa isang babae na hindi na nakikilala noong mga panahon na iyon,

Lakas loob naming sinundan si Aleiza sa lugar na iyon. May kinakausap pa rin siya at may tinuturo pa sa malayo.

Inisip namin na may problema si Aleiza sa pag-iisip. Ngunit hindi ito ang tunay na dahilan ng pakikipag-usap niya sa sarili. Nitong nakaraan, hinanap niya sa'min ang kaibigan niyang si Carina.

Noong araw na iyon din namin nalaman na ang babaeng hinahanap niya ay ang babaeng napabalitang namatay sa loob ng aming unibersidad. Hinalay siya ng hindi pa nakikilalang lalaki at pinatay doon mismo sa lugar na kung saan liblib at maraming puno, sa lugar na huling pinuntahan ni Aleiza nang makita namin siyang nagsasalitang mag-isa.

Nakalulungkot ang sinapit ni Carina sa kamay ng masasamang lalaki na pinagsamantalahan ang pagiging babae niya. Nalulungkot din kami para kay Aleiza, hindi siya makapaniwala sa nabalitaan. Hindi niya magawang tumawa ng dahil sa balita na ito.

Ngunit kahit ano pa man ang mangyari, nandito pa rin kami para sa kanya. Para muli siyang pasayahin at tulungan na malagpasan ang pangyayaring ito.

Nandito kami para sa kanya.

~

[6]

[Kasalukuyan]

"Oy, Aleiza. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko ng aking kaibigan nang lapitan niya ako.

Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng malaking puno ng mangga sa loob ng school campus namin. Nagsusulat ako ng istorya, isang maikling kwento, na kailangan isumite sa Filipino subject.

"Tinatapos ko nang isulat ang kwento na kailangan sa Filipino," sagot ko sa kaniya.

"Ang sipag mo talaga! Kailan ba pasahan niyan?"

"Sa isang linggo pa. Wala kasi akong ibang magawa, pampalipas oras na rin," tugon ko.

Magkaiba kami ng kinukuhang kurso ng kaibigan ko na si Vianca.

"Tungkol saan pala ang kwento na sinusulat mo?" pag-usisa niya.

Tumingin ako sa kalangitan, isang taon na rin pala ang nakalipas magmula nang may mangyari sa'king kakaibang bagay.

Isang taon na ang nakalipas magmula noong nakatanggap ako ng mga eroplanong papel galing sa isang mabuting kaibigan.

At isang taon na rin ang nakalipas magmula noong malinis ang lugar na kung saan ay nangako si Carina sa'kin na balang-araw magkikita ulit kami doon sa lugar na iyon, mula dito sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang lugar na tinutukoy niya. At sa tingin ko ay isang taon na rin siyang nananahimik sa lugar na gusto niyang puntahan.

Isang taon na siyang walang hinahanap.

"Tungkol sa isang mabuting kaibigan," ang aking naging tugon.

Tungkol sa isang mabuting kaibigan na hinding hindi ko malilimutan. Sa sandaling panahon na nakasama ko si Carina, hindi ako nagsisisi na nakita ko siya, nakasamang tumawa, walang takot na namuo sa aking damdamin.

Ikinagalak ko na maging kaibigan niya.

Tinabihan ako ni Kimberly at umupo ng komportableng sa mga damo na sumasayaw sa saliw ng sariwang hangin, sinulyapan niya ang hawak kong papel na naglalaman ng kwento namin ni Carina.

"Mga eroplanong papel. Bakit 'yon ang napili mong pamagat ng kwento?" tanong niya.

[WAKAS]

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon