2

60 5 0
                                    

A/N: Short updates.

[2]

Naglalakad ako papunta sa school gym. Doon ay naghihintay ang iba ko pang kaklase. Napagkasunduan namin na magkaroon ng panandaliang review, may pagsusulit kami maya-maya rin.

Lahat ng kaibigan ko ay babae. May mga kaklase akong lalaki, pero hindi ako ganoon kalapit sa kanila. Habang naglalakad, hinahanap na ng aking mga mata kung nasaan ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila matanaw mula sa kinaroroonan ko ngayon.

"Aleiza!" rinig kong tawag sa pangalan ko.

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag, Nakita kong kumakaway ang aking kaibigan na si Richelle.

Ngumiti ako at pinuntahan sila, "Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko.

"Kadarating lang namin, sakto ang dating mo," sagot niya.

Habang nag kukwento sila ng mga dapat gawin at kung ano ang dapat unang basahin, naagaw ang atensyon ko ng nag-iisang babae na nakaupo sa hindi kalayuan.

Suot niya ang unipormeng puti.

"May kakausapin lang ako saglit,"

Namumukhaan ko kung sino ang babae na 'yon kaya nag desisyon akong lapitan siya.

"Kumusta? Dito ka rin pala nag-aaral," pagbati ko sa kanya.

Hindi ako nagkamali, sa parehong unibersidad kami nag-aaral. Siya ang babae na nakausap ko noong isang araw sa may abangan ng jeep.

Ngumiti siya nang makita ako, "Oo, pareho pala tayo. Kumusta ka?" pagbalik niya sa tanong ko ng hindi pa ito nasasagot.

Tinabihan ko siya sa upuan, "Ayos naman ako. Wala ka bang klase ngayon?"

Umiling siya. "Gusto ko lang magpahinga dito,"

Dala niya ang parehong bag na gamit niya noon. Nakaputi pa rin siyang uniporme, sabagay lagi ko naman nakikita na ganoon ang suot ng mga estudyanteng kapareho ng kurso niya.

"Marami siguro kayong ginagawa, ano?" sambit ko.

"Wala, may hinahanap lang ako."

Paulit-ulit siyang lumilingon, tumitingin sa hindi ko alam kung saan. Bawat sandal ay hindi nasayang sa paghahanap na sinasabi niya. Dahil naging interesado ako sa kung sino o ano ang hinahanap niya,

"Sino naman?" tanong ko.

Ngumiti siya, "Hindi naman importante,"

May sasabihin pa dapat ako sa kanya nang marinig ko nang tawagin ako ni Richelle.

"Aleiza, tara na. Magsimula na tayong mag review," sabi niya.

Lumingon ako sa direksyon nila para sumagot, "Susunod ako, saglit lang."

Tiningnan nila ako, "Ano pa bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Jennifer.

"Saglit na lang talaga, guys. Sorry,"

Muli akong humarap sa kausap ko, "Ano pala ang pangalan mo?"

Bago ako umalis dito sa tabi niya ngayon, gusto kong malaman kung ano ang pangalan niya. Para sa susunod na magkita kami maaari ko na siyang tawagin.

Ngumiti siya at sinambit ang kanyang pangalan, "Carina."

Narinig ko muli ang pagtawag ng aking mga kaibigan. Kaya minabuti ko nang tumayo para malaman nilang papunta na ako,

"Ako si Aleiza," pakilala ko naman kay Carina.

Nakangiti pa rin siya habang pinapanood akong maglakad ng patalikod mula sa pwesto naming dalawa.

"Kinagagalak ko na makilala ka, Aleiza."

Narinig kong sinabi niya, kinawayan ko siya at nagtungo na sa mga kaibigan ko.

~

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon