1

82 5 0
                                    

[1]

~Kasalukuyan~

"Oy, Aleiza. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko ng aking kaibigan nang lapitan niya ako.

Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng malaking puno ng mangga sa loob ng school campus namin. Nagsusulat ako ng istorya, isang maikling kwento, na kailangan isumite sa Filipino subject.

"Tinatapos ko nang isulat ang kwento na kailangan sa Filipino," sagot ko sa kaniya.

"Ang sipag mo talaga! Kailan ba pasahan niyan?"

"Sa isang linggo pa. Wala kasi akong ibang magawa, pampalipas oras na rin," tugon ko.

Magkaiba kami ng kinukuhang kurso ng kaibigan ko na si Vianca.

"Tungkol saan pala ang kwento na sinusulat mo?" pag-usisa niya.

Tinabihan niya ako habang naghihintay ng sagot mula sa akin. 

Tungkol saan nga ba ang kwento na sinusulat ko?

Isang mainit na tanghali na naman ang sumalubong sa'kin nang makalabas ako sa'ming unibersidad.

Pinilit ako ng aking mga kaibigan na sumama sakanila, gusto raw nilang kumain muna bago umuwi. Kahit maalinsangan ang panahon, nais pa rin nilang kumain ng lomi. Tinanggihan ko ang kanilang paanyaya.

May pinagkakaguluhan ang mga tao sa labas ng paaralan. Hindi na ako nag-abala na tingnan kung ano iyon. Pinagwalang bahala rin naman ito ng aking mga kasama. Bago ako tuluyang humiwalay ng daan sa kanila, nagpaalam kami sa bawat isa.

Ako ay ganap ng kolehiyala sa isang kilalang paaralan sa Batangas. Kasalukuyan akong nasa ikalawang taon sa kolehiyo.

Tirik na tirik ang sikat ni haring araw ngayong tanghali. Naglalakad ako patungko sa sakayan ng jeep. Pinakaayaw kong parte ng uwian ay sa pagitan ng ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Mausok ang kalsda dahil sa mga sasakyan na naglalampasan. Maiingay na busina at mga taong nag-uunahan sa pagtawid ang palagi kong nakakasalamuha sa tuwing lalabas ako ng paaralan.

Kung minsan ay may mga batang umiiyak na sa palagay ko ay nasa unang taon pa lang ng pagpasok nila sa paaralan. Kung titingnan, ganoon din akong kaliit dati gaya nila.

Iilan ang tao na nag-aabang ng sasakyan ngayon. Kita ko pa ang pulang ilaw na nasa kabilang kalsada. Kinukuha ko mula sa bag ang aking salamin nang aksidente itong nalaglag sa aking kamay.

Pupulutin ko na sana nang may mag-abot sa'kin, "Ito," sabi niya.

Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. Nginitian ako ng babae at umiwas ng tingin, pinapanood niya ang mga sasakyan na bumubusina at naghihintay ng tamang oras para makausad mula sa trapiko.

Naging kulay berde na ang ilaw sa kabilang kalsada kung saan naroon ang stop light. Oras na para tumawid ako sa kabilang daan, "Mag-iingat ka," paalam ng babae ng nag-abot sa akin ng nahulog kong salamin.

Ngumiti ako sa kanya bago tumawid.

Isang babae na naka kulay puting uniporme, nag-aaral rin siya sa unibersidad na pinapasukan ko. Siguro kinukuha niya ang kursong Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya. Sa ngiti niya pa lamang ay masasabi kong isa siyang pala-kaibigan.

Nagdulot ng saya ang aking bagong nakilala ngayong araw kahit hindi ko nalaman ang kanyang ngalan.

Isang mabuting kaibigan.

Sa panahon ngayon iilan na lang ang mga tao na nagbabalik ng gamit na naiwan o nalaglag mo. 'yung iba mas pipiliin na baliwalain ang mga ito o kaya naman pag-interesan.

"Tungkol sa isang mabuting kaibigan," ang aking naging tugon. 

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon