Leanne's PoVNandito kami ngayon sa hospital na medyo malapit lang sa school. Hindi na ako pumasok. Oo ako lang ang hindi pumasok pero syempre pati si Clyde hindi. Sino kasama ko ngayon? Syempre ang mommy niya lang. I am referring to Clyde's mom. Sinabi niya sakin kanina na mataas daw ang lagnat ni Clyde kagabi kaya isinugod na siya dito Ora mismo! Nag-aalala din kasi si tita eh baka kung Anong mangyari kaya dinala na siya dito para mas sure na okay siya.
Nagpakilala na din ako kay tita Lyn na ako 'yung nililigawan ni Clyde 2 months ago pa. Sinabi ko na din ang name ko syempre.
Hanggang ngayon wala pang malay si Clyde. Ang sabi naman ng doktor ayos na siya, nagpapahinga lang. Masyado daw kasi siyang nai-stress o nadi-depress sa mga bagay-bagay. Eh saan naman kaya? Baka naman sa panliligaw sa'kin? Hayy...
Nakatingin ako kay Clyde na ngayon ay nakahiga at nagpapahinga sa hospital bed. Nasa side niya lang ako. Hinihintay ko siyang magising. Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya gising.
Si tita Lyn nandun bumili ng makakain namin pati na din mga prutas para pagkagising ni Clyde may makain siya. Mabait si tita, sobra! Para siyang si mommy.
Tinititigan ko si Clyde at hinawakan ang left hand niya habang nakaupo sa left side niya.
"Clyde, wake up na please? Miss na kita. Sorry kung hindi kita napuntahan dito kagabi. Eh kasi naman hindi mo sinabi kaagad na masama na pala pakiramdam mo. Sabi na eh, may mali sa'yo kahapon. H'wag na masyadong maraming iniisip ha? Lalo ka lang magkakasakit niyan eh. Basta kung may nararamdaman kang mali sabihin mo lang sa'kin ha? 'Wag mong ibaon diyan sa utak mo lahat. 'Wag mong sarilihin lahat ng mga nandyan sa utak mo."
Sabi ko sa kanya sabay yakap.
Para na akong sira dito kinakausap si Clyde na wala pang malay. Hayyy... Please Clyde gumising ka na :(I miss you already.
Habang hinihintay si tita Lyn, matutulog muna ako. I slept at the side of Clyde. I leaned my head into the bed.
Hayy... Sana pagkagising ko, gising ka na din Clyde. I-i love you.
*******
Unti-unti akong nakaramdam ng sakit sa leeg ko at dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko.
Sheet! Ang sakit ng leeg ko!
Anong oras na kaya? Bakit parang ang tagal kong natulog?
>,,<
Nakapikit pa ako dahil dinadamdam ko ang sakit ng leeg ko. Ambigat at ang sakit eh!
BINABASA MO ANG
Together Always Forever
Teen FictionCan a woman could fall in love again if someone's already break her heart? Is there's a possibility that she can make everything alright when she would go back where she truly lived?