The Diary
(Short Story)Casts:
Kevin Luther
Lei-An VieLove is anywhere. Love can't dictate it who or when. part of wellbeing ?
What if youve just living normally then youve met someone strange and you fell inlove out of nowhere?
Kevin's POV
simple lang ang buhay ko, kaya ko naman tugunan ang mga pangangailangan ko sapat naman na e. Kung tutuusin sobra pa! Ang kaso ganon talaga, minsan na akong sumikat dahil nga sa isa akong manunulat, may isang novel ako na pumatok sa mga tao , 'The story of Us'.
Halos dalawang taong tinangkilik ng mga Tao ang Libro ko na iyon halos magkaubusan na sila ng stocks na yun.
di nagtagal humina ang Benta, umalis ako sa kompanya dahil na rin sa wala na akong maisip na pwede ko pang Gawing Libro, Kung gagawa pa Ako diko rin naman natatapos.
Simula ng I publish ko ang story na iyon anim na taon na ang lumipas wala na akong ginawa na story, isa akong Engineer at kasalukuyang may isang site kaming ginagawa.
Pauwi na ako galing sa Trabaho, napadaan ako sa isang book store.
'SALE'
Halos 5 Libro Kada tali Ang nandoon, nakita ko Ang ginawa kong novel nuon na halos pumatok sa mga Tao at magkaubusan,
samantalang Ngayon halos ipamigay na, napaismid Nalang ako at pumasok sa book store at binili ko iyon.
Habang nakapila ako sa counter napapaisip ako kung dapat ko ba bilhin yun? May hard copy naman ako ng libro ko na yun, sige bilhin ko na para mabasa ko din yung ibang libro na kasama nito mukhang maganda naman.