Nagising ako na maingay ang alarm clock, napabalikwas ako ng bangon ng madatnan ko kung anong oras na, oo late na late na ako kaya imbis na magmadali ay tinawagan ko ang boss ko para sabihin na hindi ako makakapasok ngayon pumayag naman sya, kaya lang walang mangangasiwa sa site dahil halos dalawang buwan ng di nakakabalik si Engr.Loki sinabi ko na dadaan nalang ako mamaya duon sa site.
Naligo na ako at naghanda ng almusal kahit tanghali na-BRUNCH. Habang kumakain biglang nagring ang phone ko tumatawag pala si Engr.Loki-
"Hello Pre? Oh kamusta ang paghahanap mo sa Alice mo? Nakita mo na ba?"-tanong ko
"Oo pare nakausap ko yung kaibigan nya, nandun daw ito ngayon sa condo nya kaya naman kinuha ko ang address at dumiretso sa sinabing condo Unfortunately, walang Alice na nandun halos wala naman ng gamit duon sakto at may isang Helper duon na pumasok para maglinis Kaya nagtanong ako ang balita daw nya pupunta na daw ito sa probinsya, nagtanong ako kung bakit pero ang sabi magbabakasyon lang."-
"Ganon ba pare? Naku sayang naman! Pero pare dalawang buwan ka ng naghahanap sa kanya di kaya tinakbuhan ka na nun? Baka may kinuha sya sayo like pera?"
"Pre di magagawa ni Alice yun, alam kong mayaman sya, I know looks can deceiving pero sa nakikita ko alam kong di nya gagawin yun."
"Oh baka naman?"-
"Buntis sya? Tinanong mo ba sa helper kung baka lumubo na tiyan ng Alice? "
"Pre alam mong isang gabi lang yun pero alam ko naman na may chance talaga eh pero di naman daw sabi ng helper"
"Sure ako pare na tinataguan ka nyan, na baka hanapin mo sya at ang anak mo. Sana mahanap mo sya pare excited na akong maging ninong''
" hahaha! Sige pre mauna na ako baka maabutan ko pa kung saan man syang sulok ng mundo Pumunta hahanapin ko sya- sa dalawang buwan na pagkawala nya at sa isang gabi na pagkakamali alam kong mahal ko na sya....
"Ayieee! Answeet hahahaha! Pero pare last may tatanong lang ako san ba sa bayan may malapit na coffee shop may pupuntahan lang ako,"-tanong ko
"Pare walang coffee shop na malapit sa bayan."
"Ganon ba pare, sige salamat!"
"Sige bye!"
Salamat nalang nasabi ko pagkatapos ko marinig na walang coffee shop na malapit sa bayan, kung ganon Bakit sinabi nya sa akin na sa coffee shop kami magkita? Ano yun illusion ko lang ba yun? Alam kong wala pa akong nagiging girlfriend o asawa pero di naman ako ganto kasabik sa isang babae, ayokong isipin ng iba na nababaliw na ako pero wala ba talagang coffee shop na malapit sa bayan?
Kaya para masagot ang tanong ko nagpunta ako sa bayan, pinarada ko muna ang sasakyan ko sa parking Lot na malapit dito, maglalakad lakad muna ako at magtatanong baka may alam sila.
Halos isang oras na akong naglalakad at nagtatanong pero tanging wala ang sagot nila hanggang sa naisipan ko nalang na bumalik na at umuwi dadaan na muna ako sa site.
Di pa ako nakakarating sa site may nakita akong playground na malapit dito at may tinatayong hospital din dito, and it hit me!
Hindi yun illusion dahil may Hospital nga na ginagawa malapit dito sa site, kaya naman naisipan kong bumaba at naglakad lakad.
Nakita ko ang mga bata na masaya naglalaro sa playground medyo malayo ito Sa ginagawang hospital kaya safe sila ditong maglaro may mga puno din dito at bench, naisipan ko na dito muna ako sandali kaya dali akong pumunta duon sa bench na may puno sa likod.
Walang kahit anong bakas na nagalaw ang puno na to dahil walang sulat, kaya naman naisipan ko na lagyan ito ng guhit puso pero kalahati lamang ng puso ang iginuhit ko at nilagyan ko ng K sa gilid nito.
Bigla nalamang bumuhas ang malakas na ulan kaya naman dali akong tumakbo sa kotse at umuwi na sa bahay.